03

6 8 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm clock kaya agad akong tumayo para maghanda sa trabaho, hindi ko maiwasan hindi maalala ang lalaking tumulong saamin kahapon, "saan ba kita nakita?" paulit-ulit kong sabi. Habang nagpapakulo ng tubig nang tumawag si Patty

"Good morning! sis anong agahan natin diyan" bati nito. kaya napailing ako, "noddles, ano pa ba" sabi ko. habang hinihintay kong kumulo ang tubig para maisunod ko na ang noodles

"nako, sa sabado nga tuturuan kitang magluto at hindi puro noddles at de lata ang kakainin mo diyan" singit ni Tita Cora. kaya napangiti ako, "sige po, tita. siya nga pala Patty pwede mo ba akong samahan sa mall mamaya, may bibilhin lang ako libro" sabi ko. tumango lang ito sabay inom ng kape. "tamang-tama may sale ngayon!"

"Ate, Charlotte. sama ako! balita ko doon daw gaganapin yung booksigning ni fly my labs!" singit ni amber. kaya napairap si patty sa sinabi nito, "tapusin mo muna yung video mo sa P.E bago ka sumama saamin!" sabi nito.

Kaya napasimangot ito, "Ate Charlotte! bumalik ka na dito. lagi akong inaaway ni Ate Patty!" paiyak nitong sabi. kaya natawa ako sa kanilang dalawa, "tapusin mo na nga para makasama ka saamin mamaya" mahinahon kong sabi. kaya agad itong tumago

Maaga akong nakapasok sa trabaho dahil ilan kilometro lang naman ang layo ng apartment ko dito sa publishing house, "good morning! Ms. Garcia" bati ng guard kaya ngitian ko lang ito. "Charlotte!" tawag saakin ni Ethan. Kaya napangiti ako at kumaway sakanya kaya daling-dali siyang tumakbo papunta sa gawi ko

"Hi, himala hindi mo ata kasabay si Patty ngayon" sabi nito. habang hinihintay ang pagbukas ng elevator, "ah, sabi niya kasi may dadaanan pa daw siya kaya nauna na ako" sagot ko. tumango lang ito at ngumiti. "Mabuti na lang wala pa siya"

Kaya napalingon ako sakanya at kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng elevator at nagulat kami ng makita namin si director martinez, "good morning po, d-director" bati ko. ngumiti ito at lumabas. "Good morning ms. garcia at sayo mr. mondarel. Charlotte pumunta ka sa office ko mamaya may paguusapan tayo" sabi nito. Tumango ako at pumasok na ako sa loob

"Alam ko iniisip mo, ethan. walang namamagitan saamin ni Director Martinez" sabi ko. habang nakatngin ako sa repleksyon namin sa nakasaradong pinto. May balita kasing kumakalat dito na may namamagitan saamin dalawa ni Wade dahil lagi nilang nakikita na magkasama kami pero ang totoo yan siya na ang tumayong tatay ko dahil kaibigan siya ng tatay ko. "Oy! wala akong naiisip na ganyan" tanggi nito

"Mabuti na yung malinaw" sabi ko pa. kasabay nun ang pagbukas ng elevator kaya agad akong lumabas at agad akong dumeretso sa desk ko nang tinawag ako ni Ms. Lim

"Ms. garcia!"

"Y-Yes, ma'am..."

"Go to my office now, may pagusapan tayo" seryosong sabi nito. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa office niya at pagkapasok ko nakita ko agad ang isang lalaki na cool na nakaupo and base sa nakikita ko mukhang kasing edad ko lang ito. "Please sit down, lotte. I glad to meet our new author si Aries Enrile also known as Simounibarra"

"And Mr. Enrile siya naman si Charlotte our best editor here" proud na sabi nito. Kaya ngumiti lang ako pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko, "Nice to meet you ms. Editor" sabi pa nito sabay halik sa kamay ko. kaya napangiwi ako

He's so weird and mayabang

"But Ms. Lim, hindi pa kami tapos ni gil sa pagedit ng libro niya" angal ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay, "bahala na si Patty kay Gil, ikaw ang napili ko para kay Aries dahil ikaw ang pinakamasipag na editor dito" sabi nito. kaya napatingin ako sa lalaking kaharap ko

"Tinanggap mo ba ang trabaho o hindi?" tanong nito. kaya napabuntong hininga ako at marahan akong tumango, "that's good, Mr. Enrile si Charlotte na bahala sayo" sabi nito. sabay ngiti kaya agad niya akong kinamayan. "I hope we build good relationship pag nagsimula na tayong magedit" sabi pa nito

Kaya wala na kaming inaksayang oras at agad kaming nagsimula, "Okay sa prologue muna tayo, kung may tanong ka wag kang mahiyang magsabi sakin" Seryosong sabi ko habang nakatutok pa rin ako sa tinitipa ko

"Ahm, Ms. Editor, pwede bang take it slow muna tayo? Mashado kang mabilis" sabi nito. Kaya tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "I don't want to waste my time, Mr. Enrile marami akong ginagawa"

"Like what?"

"None your business, Mr. Enrile"

"Okay, ang masungit" bulong nito at bumalik ulit ang tingin sa laptop niya kaya tinaasan ko ulit siya ng kilay, "may sinasabi ka?" Masungit kong sabi. Agad itong umiling

"Dy-na-na-na, na-na, na-na, ayy Light it up like dynamite~" kanta ni Patty habang palabas kami sa building kaya napailing na lang ako

"Patty, please..."

"Oo na, titigil na, ano ba pinagawa sayo ni Ms. Sungit kanina at stress na stress ka diyan?" Tanong nito. Kaya napabuntong hininga ako, "May bago nanaman akong hahawakan na author at ako kasi pinili ni Ms. Lim kanina"

"Ah, sino? Yung Aries yung... mayabang"

"Yea, siya nga..."

"Oh, siya, wag mo munang isipin yung mayabang na yun. Mas mabuti magshoping na lang tayo" sabi nito. Sabay ngiti kaya napangiti rin ako kaya daling-dali itong pumara ng taxi papuntang mall, "sakto talaga punta natin may sale ngayon!" Excited na sabi nito.

"Daan muna tayo sa national book store!"

"Nako, Charlotte. bibili ka nanaman ng notebook at ballpen!" Sabi pa nito. Kaya napangiti ako kaya napailing na lang siya at pumunta na nga kami sa national book store

Pagkatapos namin magshopping diretso agad kami sa isang korean restaurant, kumakanta naman si Patricia habang hinihintay ang order namin. "Alam mo bang miss ka na ni Amber at tinatanong ako kung pwede daw bang pumunta sa apartment mo" Ngumiti ako

Maya-maya dumating na ang inorder namin pagkain kaya biglang akong nakaramdam ng gutom, "Pwede naman, eh kamusta naman si Tita?" Tanong ko. Habang nilalantakan ang paborito kong kimchi

"Ayun laging malungkot, alam mo naman ikaw ang favorite niyang anak" biro pa nito. Kaya natawa na lang ako, "Tampo siya oh"

Napatigil kami ng nagring ang phone ni Patty. "Oh, ma. Bakit?" Tanong nito. Habang kumakain, "seryoso, ma. Ako talaga? Oo na...uuwi na"

"Bakit anong nangyari?"

"Ako daw magdedeliver sabi ni mama kasi hindi dumating yung bwisit na lucas na yon" reklamo nito. Kaya napailing ako

"Sige na lakad na, baka masermonan ka pa ni tita" biro ko pa. Kaya wala na itong nagawa kundi umalis kaya tinapos ko na lang ang pagkain ko bago ako umalis nagtaxi na lang para mas mabilis akong makauwi, "Saan ka, hija?"

"Sa north po..."

Hindi pa kami nakalalayo ng nagpa gewang-gewang na ang sinasakyan ko, "Manong! Ano pong nangyari?" Natataranta kong sabi. habang nakahawak ako ng mabuti sa aking bag, "Nawalan po tayo ng preno!"

"Ano?!"

Bumalik nanaman sakin ang naramdaman kong takot doon sa sunog, eto na ba katapusan ko? Dito na ba nagtatapos ang storya ko or maybe I deserve this dahil lagi ko ito hinihiling sakanya pero...ngayon gusto ko pa ng isang chance para ipagpatuloy ko ang aking storya para magsimula ulit

"Please, help us" paulit-ulit kong sabi. hanggang sa meron akong nakitang lalaking palapit saamin, "k-kung sino ka naman, p-please tulungan mo ako" mahinahon kong sabi. kaya  binuksan niya ang pinto at dahan-dahan niya akong binuhat papaalis sa na aksidenteng kotse, "Your safe now, miss" sabi nito. bago ako mawalan ng malay nakita ko pa ang kanyang maamo niyang mukha

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now