13

4 4 0
                                    

Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatingin sa building ng publishing house na nagsilbing pangalawa tahanan ko dahil dito bumalik ang dating ako

"Charlotte, mabuti naman at naabutan kita!" Sabi ni Scar. Kaya ngumiti ako, "Bakit? May problema ba?" Tanong ko. Habang papasok kami sa building, "wala naman, pero alam mo bang umalis si Aries papuntang Batangas pagkatapos mapanalo niya ang kasong sinampa sakanya nung nagsabing 'sakanya' daw ang story na publish natin"

"Hayaan na muna natin si Aries, alam mo naman na hindi madali sakanya ang nangyari lalo na at nasira ang kanyang imahe dahil sa lumabas na article na yun" sabi ko pa. Habang hinihintay namin bumukas ang elevator kaya napabuntong hininga ito

"Sana nga malampasan niya yun, alam mo kahit may kayabangan taglay si Aries mabait naman siya kaya sana bumalik ang tiwala nila kay Aries" sabi pa nito at kasabay nun ang pagbukas ng pinto at agad kaming pumasok

"Maiba lang ako, may naisip ka nang concept para sa darating na family day sa susunod na linggo?" Tanong nito. Kaya napakamot ako sa ulo at ngumiti na lang, "ah, w-wala pa" maikling na sagot ko. Tumango ito at ngumiti

"Hmm, take your time, I know na naging mahirap ang pinagdadaanan mo nung nakaraan araw dahil sa mangyaring issue kay Aries. Hayaan mo may naiisip ka rin concept" sabi nito. Kaya napangiti ako at kasabay nun ang pagbukas ng pinto, "ahm, mauna ka na, Scar. Pupunta ko lang si director" paalam ko.

"Knock, knock, director"

"Come in, Charlotte" sabi nito. Habang nakatingin pa rin ito sa kanyang PC, "anong kailangan mo" seryosong sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako at lumapit sakanya dala ang puting sobre

"Nakapag desisyon na po ako, Tito" matapang kong sabi at binibigay sakanya ang puting sobre na naglalaman ng resignation letter ko, "I resigned as a editor of this publishing house" sabi ko pa. Habang hindi nakatingin sakanya ng diretso dahil anytime papatak na ang luha ko dahil hindi madaling iwanan ang minahal kong trabaho pero kailangan kong gawin ito para sa mga magulang ko at para rin saakin

"Are sure about this? Hija"

"Y-Yes, I'm very sure. Kailangan kong gawain ito para kina Mama deserve nila makuha ang hustisya na pinagkait sakanya" sagot ko. Kaya tumango siya bilang pag sang-ayon sa aking nais gawin, "alright, tatanggapin ko ito pero bibigyan pa kita ng tatlong araw para mag paalam sa pamilya ni Patty at sa mga kasamahan mo. I know hindi naging madali ang pagdesisyon mo kaya pagbibigyan kita"

Ngumiti naman ako sa sinabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit, "thankyou, Tito Wade for everything hindi ko po kayo makakalimutan" sabi ko. Kaya tinapik niya ang likod ko

"You're always welcome, Charlotte. I know masaya rin ang papa mo sa naging desisyon mo" sabi nito. Kaya kumalas na ako sa pagkakayakap, "sige na, magtrabaho ka na. I know marami ka pang gagawin" sabi pa nito. Kaya tumango at pinunasan ko ang luha ko sa pisngi at nagpaalam sakanya

Nung lunch time kasama ko ang iba't ibang team leader sa bawat department para sa dadausin na family day sa susunod na linggo. Sa aking kasi binigay ni director ang project na ito para maging masaya ang pagalis ko. This is my last project here bago ako bumalik sa buhay nila lola, "agree na ba kayo sa camping?"

"Okay saakin yan, Charlotte, para maiba at hindi puro swimming at amusement park lagi" sabi ni Shyriesh na team leader ng publishing department, "teka, saan ba gaganapin yung camping? Dapat yung malapit lang dito" sabi ni Dave na sinang-ayunan ng iba

"Hmm, wala pa kasi akong nakikitang camping site na malapit lang dito hehe" pag-amin ko dahil ngayon lang din pinagiisipan ito dahil marami ang nangyari these few weeks kaya ngayon lang, "I have suggestion! Dito na lang tayo sa Tanay. Sikat ngayon itong lugar na ito dahil ang ganda ng tanawin"

Ngumiti ako, "ayan na lang, balita ko pwede dyan yung mga kotse. Anong tawag doon? Car camping? Tama ba ako" sabi ko pa. Tumango lang si Cassie, "thanks, ano game ba kayo?"

"Oo, okay na kami diyan. Charlotte" sabi ni Syd kaya napangiti ako, "alright, this meeting is done. Ipapasa ko na ito kay director para ma- approved agad" dagdag ko pa bago ako tuluyan umalis nang makita ko si Daniel

"Daniel!" Tawag ko sakanya pero hindi ito lumingon at tumakbo pabalik sa office kaya kumunot ang noo ko sa inasal niya, "anong problema nun?"

Kaya napailing na lang ako at pumunta sa office ni Tito Wade para papirmahan ang pinaguusapan namin kanina nang nagulat sa aking nakita. Nakaupo lang naman si Ms. Lim kay director, "ehem, director, Ms. Lim"

Kaya daling-dali umalis si Ms. Lim dito at inayos ang sarili habang si Tito Wade ay tigil sa pagtawa dahil ako nanaman ang nakahuli sa kanilang dalawa, "i-ikaw pala, Charlotte. What's brings you here? Tapos na ba yung proposal?" Tanong nito. Tumango ako at binigay sakanya, "hmm, interesting...car camping" Sabi nito. Sabay ngiti at pinirmahan niya agad ito at binalik saakin

"Thankyou, Sir, aalis na po ako" paalam ko nang tawagin ulit ako ni Tito Wade, "don't forget to lock the door, Charlotte" paalala pa nito. Kaya hinampas siya ni Ms. Lim sa braso, "ewan ko sayo! Puro ka talaga kalokohan, Charlotte hintayin mo ako" sabi nito at tuluyan na kaming umalis sa office ni Tito Wade

"Charlotte, kung anuman yung nakita mo kanina...wag mo sanang ikwento sa iba" paalala pa nito. Tumango lang ako kaya tuluyan na itong umalis pabalik sa office niya

Kaya napabuntong hininga ako at babalik na sana sa office nang makita ko ulit si Daniel na papuntang pantry kaya napangisi ako at agad ko siyang sinundan at daling-dali inakbayan, "hey! Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"C-Charlotte! Ikaw p-pala yan" nauutal nitong sabi. Kaya napangiti ako, "tinawag kita kanina ah pero hindi mo ako pinansin at tumakbo ka lang pabalik sa office, iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko pa sakanya

"H-Hindi! Hindi kita iniiwasan... nahihiya kasi ako sayo dahil sa ginawa kong paghalik sayo kahapon and. I'm really sorry for that hindi ko dapat ginawa yun" sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako, "forget it, may kailangan akong sabihin sayo...sa rooftop tayo" sabi ko. Kaya kahit siya'y naguguluhan ay sumunod pa rin sa saakin papuntang rooftop

"Totoo ba yan sinabi mo? Aalis ka na?" Sabi nito. Tumango ako kaya napabuntong hininga siya habang ginugulo niya ang buhok niya, "so, kailan ka aalis?" Tanong pa nito. Habang nakatingin sa malayo, "p-pagkatapos ng family day, please, Daniel wag mo nang sabihin kay Patty. I'm sure malulungkot sila" sabi ko pa.

Tumango siya at ngumiti, "sige, hindi ko sasabihin sakanila. I'm so happy for you at makakasama mo na rin sa wakas ang lola mo at mga pinsan mo" sabi nito. Ngumiti lang ako

"Thankyou for everything, Daniel. I promise babalik ako but for now, aayusin ko muna ang sarili ko...at sana pagbalik ko ako pa rin ang mahal mo" sabi ko. Kaya napatingin siya saakin at pinahiga niya ang ulo ko sa balikad niya, "hihintayin kita, Charlotte, kahit gaano pa katagal at hindi magbabago sa pag-ibig ko sayo. I really loved you" bulong nito saakin at hinalikan niya ako sa noo, ngumiti ako

"Ilove you too, Daniel" sagot ko. Habang nakatingin sa naglalakihan mga building

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now