"This is the right time, Charlotte. You can do this" pangungumbinsi ko sarili ko. Habang nasa harapan ng vanity mirror. Ngayon kasi ang araw ang launching ng new brand ng clothing line kaya sigurado akong marami ang dadalo na mga celebs at fashion designer
"Wow, you so beautiful my love" sabi nito. Sabay halik sa pisngi ko kaya napangiti ako at nilagay ang micro device sa damit ko, "halata ba?" Tanong ko. Umiling ito at yumakap saakin
"Are you sure about this? My love"
Tumango ako, "kailangan ko itong gawin, Daniel gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya kay daddy at mommy. Don't worry about me I can handle myself" sagot ko. Kaya napabuntong hininga ito at tumango
"Alright, mauna na ako sa venue. Goodluck to your mission and...mag iingat ka" sabi nito. Kaya napangiti ako at tumango, "I will, ingat ka rin!" Sabi ko. Kaya tuluyan na itong umalis kaya pinagpatuloy ko na ang pag-aayos nang bumukas ulit ang pinto, "what may nak—hmp!"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan, "ilove you so much, Charlotte" bulong nito. Sabay halik sa noo ko, "ilove you more, Daniel" sabi ko. Kaya napangiti ito
"Ehem, guys! Tama na yan pwede. Daniel pumunta ka na dito para makapagayos si Charlotte" singit ni Ace. Kaya napasimangot si Daniel at umalis na ng tuluyan, "kamusta diyan sa venue marami na bang tao?"
"Yea, nandito na lahat ng inaasahan natin bisita katulad ni Stella Lim at iba pa" sagot nito. Kaya napangiti ako at tinapos ang pag-aayos ng aking sarili at lumabas ng bahay napangiti naman ako ng makita ko ang kotseng sasakyan ko, "good morning po ma'am!"
"Teka, nasaan si manong kanor?"
"Ah, ako po si Val may sakit po siya ngayon kaya ako po muna ang magiging driver nyo habang hindi pa po siya gumagaling" sagot nito. Kaya napabuntong hininga ako at sumakay na lang baka malate pa ako sa event
"Okay, sa hotel tayo ah, Val"
"Okay po, ma'am!"
Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe may naamoy akong hindi kanais-kanais na amoy na unting-unti bumabalot sa loob ng kotse, "anong anong a-amoy na yun? P-Pwede buksan mo yung bintana" sabi ko pero tila wala itong naririnig at patuloy lang sa pagdrive, "Val, y-yung bintana b-buksan mo" nauutal kong sabi
"Hindi mo na dapat inalam kung anong nangyari sa nakaraan, Charlotte" sabi nito. Sabay ngisi kaya tinignan ko ang rear mirror at nagulat ako ng makita ko siya, "no, hind—"
"Surprise, Charlotte. Hindi ito ang inaasahan mo no" sabi nito. Sabay tawa ng malakas habang ako naman ay unting-unti nang nawawalan ng malay, "sweet dreams, princess"
Nagising ako ng may nagbuhos saakin ng tubig sa mukha at nagulat ako ng makita ko silang dalawa na magkasama, "hi, Charlotte"
"Tita Ofelia, Tito Wade paano nyo nagawa saakin ito!" Sabi ko. Habang pilit kong makawala sa pagkakatali sa upuan, "simple lang, darling. Parehas kaming galit sa daddy mo. Ang sabi ko kasi sakanya ibigay na lang niya ang pwesto niya saakin pero hindi siya nakinig" sabi ni Wade. Habang sinisindihan ang sigarilyo nitong hawak
"Kaya pinatay mo si mama at sinunog ang bahay namin para mapunta sayo ang company, ganun ba?" Naiiyak kong sabi. Kaya ngumiti ito at dahan-dahan siyang lumapit saakin, "tama, Charlotte ganun nga! Kaya nung nalaman kong buhay ka naisip kong gamitin ka" sabi nito at nagulat ako ng kunin niya ang micro device sa damit ko at sinira ito sa harapan ko
"Kala mo talaga maiisahan mo kami, alam namin ang buong plano nyo" singit ni Tita Ofelia. Napaiyak na lang ako, "mga hayop talaga kayo! Pakawalan nyo ako dito"
"Oh, dito ka na mamatay. Charlotte kasama ang lahat ng nalalaman mo!" Sabi ni Tita Ofelia. Sabay tawa nitong ng malakas, "alam kong ikaw ang kumukuha ng pera ng company at ginamit ka ng ibang pangalan para hindi ka nila mahalata" sabi ko. Tumango ito at ngumiti
"Yea, your correct, darling saakin ang pera at sakanya naman ang pwesto" sabi nito. Sabay halik kay Wade kaya nayukom ko ang mga kamao ko, "paano mo nagawa ito kay lola? Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan ka pa niya sa lahat ng ginawa mo!" Sabi ko. Umiling ito at pinaglalaruan ang buhok ko
"Pera lang naman ang habol ko, Charlotte. Saka kahit ano naman gawin ko. Masama pa rin ang tingin niya saakin...kaya say goodbye Charlotte dahil ito na katapusan mo!" Sabi ni Tita Ofelia. Sabay tutok saakin ng baril sa noo ko kaya tumawa ako ng malakas kaya kumunot ang noo nung dalawa, "huli na kayo, Tita. Sa tingin nyo ba maiisahan nyo ako. Five minutes may darating na pulis dito. Marinig nila ang lahat"
Kaya malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Tito Wade, "don't you dare, Charlotte dahil sisirahin ko talaga ang buhay mo!" Galit na sabi nito. Kaya napangisi ako at tumingin sakanya ng diretso, "mali ka ng kinalaban mo, mali ka ng sinirang pamilya... Tito Wade, ano kayang sasabihin ni Ms. Lim na ang soon to be husband niya ay isang kriminal!"
Kasabay nun ang pagpasok ng mga pulis sa lumang gusali kaya hindi na sila nakapormang dalawa, "inaaresto namin kayo sa pagpatay at pagnanakaw ng pera ng mga Garcia" sabi ni Vhen. Habang nilalagyan ng posas si Tita Ofelia, "no, this is not true! Hindi ako kasali dito nadawit lang ako! Anp ba pakawalan nyo ako!"
Habang nilalabas ito sa gusali ng sinalubong siya ng sampal ni Lola, "ang kapal ng mukha mo pagnakawan ang company! Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas sa kulungan"
"Hey! Charlotte ayos ka lang? Masakit ba yung sampal sayo ni director?" Sabi ni Daniel pero wala siyang nakuhang sagot mula saakin at agad ko siyang niyakap, "I made it, my love!"
"Yea, you made it. I'm so proud of you" sabi nito. Habang nakayakap pa rin siya saakin kaya hindi ko na maiwasan hindi mapaiyak, "let's go, my love. Umuwi na tayo" sabi nito. Kaya tumango ako at agad kaming lumabas ng gusali nang biglang nagkagulo
"Hindi ako papayag na mauwi lang sa lahat ng pinaghirapan ko! Mamatay ka kagaya ng mama mo!" Sabi nito. Sabay putok ng baril kaya hindi nagdalawang isip si Daniel protektahan
"D-Daniel! No" naiiyak kong sabi. Habang yakap ko pa rin siya habang tuluyan nang nakapasok si Wade sa police mobile, "Daniel, hold on dadalhin ka namin sa hospital please wag mo akong iiwan" naiiyak kong sabi. Habang sinasakay ito ng ambulance
"Masaya ako at nagawa ko ang tungkulin ko. Don't worry about me Charlotte hindi ako mamatay...nakakalimutan mo atang anghel ang boyfriend mo" sabi nito. Kaya natawa ako
"Ikaw talaga, nabaril ka na nga nakukuha mo pa rin magpatawa" inis kong sabi. Kaya napailing ito at hinawakan ang pisngi ko at inalis ang mga luhang dumaloy, "ayoko lang kasi kitang nakikitang umiiyak, it breaks my heart lalo na ako ang dahil kung bakit ka umiiyak. Smile, walang mangyayaring masama saaakin hmm" sabi nito. Kaya ngumiti ako ng pilit. Pagkababa namin dinala siya agad sa operating room para tanggalin ang bala sa katawan niya
Kaya nandito ako sa labas ng operating room nang dumating sila Lola at Ace, "kamusta si Daniel?" Tanong ni Ace. Napabuntong hininga ako, "tinatanggal na yung bala niya sa katawan"
Kaya niyakap ako ni Lola, "Magiging successful din ang operation niya. Tiwala lang tayo kay Lord" naiiyak na sabi nito. Tumango ako habang nakayakap pa rin kay Lola
Pagkalipas ng isang oras may lumabas din na doctor mula sa operating room, "ano pong lagay ng pasyente, doc" tanong ko. Napabuntong hininga ito at tinanggal ang mask nito, "the patient is safe now, medyo nagulat kami ng makita ko ang vital signs niya. Siguro anytime by now gigising na siya"
Kaya agad kaming nagpasalamat sa doctor, "hay! Salamat, okay ako na magaasikaso sa magiging kwarto niya" sabi ni Lola. Kaya kaming dalawa ni Ace ang naiwan sa pasilyo ng hospital, "salamat nga pala sa lahat ng tulong mo ah, kung hindi dahil sayo hindi ko mabibigyan ng hustisya sila Mama"
Ngumiti ito, "wala yun, ginawa ko lang ang nararapat. So ano na susunod mong gagawin" sabi nito. Sabay akbay saakin kaya napangiti ako, "kukunin ang nararapat kong pwesto"

YOU ARE READING
Between two of us | ✓
RomantikCharlotte is a aspiring writer but suffers a devastating accident and She became bitter and cold-hearted one until he meet Daniel. If he finds the true love for Charlotte or he ends up falling for her? Date release; June 3, 2022 End; October 15, 2022