07

6 6 0
                                    

"good morning! Charlotte" sabi ni Patty. Habang may dala itong basket ng puno ingredients kasi tuturuan niya daw ako magluto, "morning, Patty, sigurado ka ikaw magtuturo saakin?" Tanong ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko

"Yes, sis, busy kasi si Mama ngayon sa business kaya ayun, mabuti nga ako ang magtuturo sayo dahil kung si Mama ang daming side comment nun" kwento nito. Habang inaayos niya ang mga gagamitin namin sa pagluluto, "ano ba lulutuin natin?"

"Your favorite, chopsuey" maikling sabi nito. Habang nagsusuot na siya ng apron kaya nagsuot na rin ako, "alright, magsimula na tayo! Anong uunahin?" Masayang sabi ko.

"Wait, may hinihintay pa tayo" sabi nito. Sabay ngisi kaya kumunot ang noo ko, "may dadating pa? Sino si Amber?" Naguguluhan kong sabi pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya at patuloy lang ito sa pag-aayos

Hanggang sa may narinig kaming katok kaya napangiti ito at daling-dali itong pinuntahan at nagulat ako ng makita ko si Daniel, "hi, Patty, Charlotte" bati nito. Ngumiti na lang ako

"A-Anong g-ginagawa mo dito?" Tanong niya. Kaya napakamot ito ng buhok kaya sumingit na si Patty saamin dalawa, "ako, ang nagpapunta sakanya kasi sabi niya...gusto ka rin niyang turuan magluto hehe" sabi nito. Kaya napangiti ito kaya wala na akong nagawa kundi papasukin ko siya,

"magsimula na tayo"

"Kayo na maghiwa ng mga gulay, ako naman cooking process na" sabi ni Patty. Tumango ito at magsimula na kami maghiwa ng lahat na gagamitin na gulay, "ganyan nga, Lotte chop lang ng chop" sabi nito. Sabay ngiti kaya napaiwas agad ako ng tingin dahil alam kong mamumulala nanaman ang pisngi ko

"Okay na ba yan?" Singit ni Patty.

"Yes, tapos na ito" sagot nito. Kaya binuksan na niya ang stove at aksidente akong napatingin sa apoy nito, heto rin ang dahilan kung bakit hindi ako natutong magluto dahil takot ako sa apoy dahil naalala ko sila, "Charlotte, okay ka lang?" Tanong ni Daniel. Ngumiti ako ng pilit

"Y-Yes, I'm okay" nauutal kong sabi. Kaya napabuntong hininga si Patty at tinuruan na nga niya ako ng pagkakasunod sunod ng pagluluto habang si Daniel ay masaya lang kaming pinanood magluto, "oh, ikaw naman maghalo" sabi nito. Sabay bihay saakin ng sandok kaya napabuntong hininga ako at nagsimula nang maghalo, "Hmm, I think kailangan pa natin lagayan ng music to"

"Teka, Patty" tawag ko dito pero hindi ito lumingon at abot tenga ang ngiti nito ng marinig niya ang paborito nitong kanta ang dynamite, "woah! Simulan na ang party!" Sigaw nito. Habang walang tigil ito sa pagkanta at pagsayaw kaya napailing na lang ako habang pinapanood ko silang magsaya

"Uy! Charlotte, sayaw ka naman" sita ni Patty. Kaya napangiti ako at unting-unti akong sumasayaw, "dynanana eh~" kanta ni Patty. Habang patuloy lang ito sa pagsayaw, "wow, mukhang luto na yung gulay, Charlotte" sabi ni Daniel. Kaya agad akong sinara ang stove para maisalin ko na ang copsuey sa plato

"Patty, luto na kumain muna tayo" tawag ko sakanya. Habang hinahanda na ni Daniel ang pinggan at mga kutsara sa mesa, "waah, mabuti naman luto na kanina pa ako gutom eh" sabi nito at umupo sa paborito niyang pwesto habang katabi ko naman si Daniel

"Salamat pala sainyo, baka bukas lutuin ko ulit ito" sabi ko pa. Kaya napangiti yung dalawa, "anything, Charlotte. Kung meron ka pang gustong matutunan na recipe wag kang mahiyang magsabi saakin ah"

Kaya napangiti ako at kumain na lang, "shems, ang sarap!" Masayang sabi ko. Kaya ngiting tagumpay ngayon yung dalawa, "siya, eto pa kanin oh, kumain ka ng marami" sabi ni Patty

Matapos namin kumain ng tanghalian nagpasya kaming maglaro ng uno dahil pinipigilan nila akong hawakan ang laptop ko dahil day off naman at gusto nilang akong magrelax kaya pumayag na lang ako maglaro

"Uno!" Sigaw ni Patty. Kaya napailing ako dahil pang-ilang panalo na niya ito, "ano ba yan, Patty. Ang daya mo puro na lang ikaw ang panalo" angal ni Daniel. Habang inaayos nito ang mga uno cards, "sorry, lucky day ko ngayon, oh pikit na" sabi pa nito. Habang nilalagyan niya ito ng make up

"There, ang ganda mo na!"

Kaya napairap ito, "manood na lang kaya tayo" aya nito. Habang hinahalungkat nito ang mga CDs ko sa box, "hmm, mukhang idea nga yan maghanap ka diyan ng magandang movie" sabi nito. Habang busy ito sa pag-aayos ng mukha ko, "shems, ang ganda mo!"

Napangiti na lang ako at tumingin kay Daniel na sakto naman nakatingin din saakin kaya hindi ko maiwasan hindi matawa sa itsura niya ngayon, "bakit ka tumatawa? Ang pangit ba ng ginawang make up saakin ni Patty?" Tanong nito. Kaya mas lalo akong natawa kaya agad niyang kinuha ang compact mirror para tignan ang sarili, "grabe ka Patty! Anong ginawa mo sa mukha ko nagmukha akong panda dito!"

"Bakit? Ang ganda naman ah at saka yan ang bagong trend ngayon!" Paliwanag nito. Habang may dalang na itong kutkotin, "may napili ka na bang movie?" Pang-iiba nito. Kaya napabuntong hininga ito at tinaas ang napili niyang movie which is before you go na isa sa mga favorite kong movie.

Kaya biglang natahimik si Patty, "yan talaga? Maghanap ka pa ng iba! Ayoko yan" angal ni Patty. Kaya agad akong napangisi at agad kong kinuha ang CD at sinalang ko na agad

"Ang ganda kaya nito" singit ko. Kaya napairap ito at wala na siyang nagawa kundi maupo at panoorin ang napiling CD ni Daniel. Sa una tahimik lang kaminh nanonood pero nung nasa kalagitnaan na ay bigla namin narinig ang malakas na hagulgol ni Daniel, "uy! Anong nangyari sayo? Daniel" tanong ko.

"Bakit hindi nyo sinabi na mapanakit pala yan!" Naiiyak nitong sabi. Kaya napangiti ako habang si Patty ay wala tigil sa pagbigay nito ng tissue, "ay! Hindi ko pala nasabi sayo na mahilig si Charlotte sa mga tragic lalo na sa novels at mga movies kaya wag ka nang magtaka kung bitter siya sa life" sabi nito. Sabay tingin saakin ng masama kaya napailing ako sakanilang dalawa dahil sa mga inasta nito

"Masanay na kayo, guys, this is the real story hindi lahat ng story nagtatapos ng happy ending yung iba tragic" sabi ko pa. Kaya napabuntong hininga si Daniel at mukhang hindi sang-ayon sa sinabi ko, "but not all the times, Charlotte, because everyone deserve to be happy...even you, you deserve to be happy"

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now