05

11 7 0
                                    

Pagkatapos nang mahaba kong pamamalagi sa hospital sa wakas nakabalik na ako sa trabaho, "Hey, welcome back. Lotte sa wakas nandito ka na! Nakakasawa nang kasama si Patty" sabi pa ni Ethan

"Pasalamat ka hindi ko pa nasasabi kay Charlotte na gu—hmp!" Sabi pa nito. Kaya nanlaki ang mga mata nito kaya agad niyang tinakpan ang bibig nito, "wag mong pansinin kaibigan mo gutom lang ito hehe"

Kaya napailing na lang ako hanggang sa narinig ko ang boses ni director, "Charlotte, go to my office now!" Sigaw nito. Kaya napakamot ako ng ulo at pumunta na sa office niya

"S-sir..."

"Anong sinabi ko sayo? Wag kang papasok habang hindi pa magaling ang sugat mo!" Sermon nito. Kaya napabuntong hininga ako, "I'm sorry, d-director, 3 days is enough. Alam nyo naman po hindi ako sanay na walang ginagawa besides marami pa po akong naiwan trabaho dito" paliwanag ko. Napabuntong hininga siya saka niya hinagod ang noo nito

"Fine, anong magagawa ko kung nandito ka na. Basta maging maingat ka lang at baka magdugo pa noo mo" sabi nito. Kaya napangiti ako, "salamat po, director..."

"Welcome, siya magsimula ka na magwork" sabi nito. Sabay ngiting pilit kaya agad akong lumabas at nakita ko ang mga kasamahan ko au biglang nagsibalikan sa pwesto nila, "ang dami talagang marites dito, hays" bulong ko at bumalik na ako sa desk ko. "Oy! Anong sabi ni director? Pinayagan ka?" Tanong ni Patty

"Oo naman no" sagot ko. Sabay ngiti kaya bumalik na ulit ako sa pagtitipa nang bigla akong kalabitin ni Ms. Lim at tinuro niya ang office niya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sakanya, "have a sit, Charlotte, sinabi saakin ni Wade na ikuha daw kita ang assistant para hindi ka daw mahirapan. Mabuti na lang may nahanap agad ako... Daniel come in"

Kaya napalingon ako at nagulat ako ng makita ko siya ulit, "I glad to meet your assistant editor Mr. Daniel" pagpapakilala nito. Kaya ngumiti siya at inabot niya sakin ang kamay niya na agad ko naman tinanggap and I feel something weird parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya agad akong bumitaw at umiwas ng tingin, "Daniel, siya ang magiging mentor mo" dagdag pa nito.

"A-ako po? Mentor niya?"

"Yes, Charlotte. I'm sure maraming matutunan si Daniel sayo and since ikaw ang pinakamatagal dito alam mo na ang pasikot-sikot dito sa department natin" paliwanag nito. Kaya napatingin na lang ako sakanya at napabuntong hininga

"Goodluck, Charlotte" sabi pa nito. Sabay ngiti kaya lumabas agad kami sa office, "wait, ipapakilala muna kita sa kasamahan natin" sabi ko. Ngumiti siya, "guys, listen up!"

"Meron tayong bagong member si Daniel" seryosong sabi ko. Kaya umani agad ito ng mga bulungan lalo na sa mga babae, "goshing! Daniel sabi ko na nga ba magkikita pa ulit tayo" masayang sabi nito. Kaya napairap ako

"Hindi ko rin inaasahan na makikita ko ulit kayong dalawa" sagot nito. Kaya lalong  napangiti si Patty, "ehem, gusto mo bang maglunch muna tayo bago tayo magsimula?" Singit ko. Tumango ito, "mukhang gusto ko yan, balita ko masarap daw ang pagkain dito"

"Ay, tama ang nakuha mong balita, Daniel" biro pa nito. Kaya napailing ako, "tara na, ako na manglilibre" sabi ko pa. Kaya umakbay saakin si Patty. "Waah, da best ka talaga! Charlotte"

Kaya wala na kaming inaksayang oras at agad kaming pumunta sa pantry mabuti na lang walang mashadong tao kaya nakabili agad kami ng pagkain, "so, mahilig ka pala sa mga libro?" Tanong ko. Ngumiti ito at tumango

"Oo, sobra, hindi lang halata"

"Eh, ano naman gusto mong genre?" Tanong naman ni Patty. Habang umiinom ng mainit na kape, "ah, paranormal and thriller" maikling nitong sabi. Kaya napangiti ako, "pareho pala tayo ng gusto" singit ko. Kaya napangiti siya

"Eh, s-sa ending anong gusto mo? Sad or happy?" Tanong ulit ni Patty. Kaya napatingin siya saakin, "happy, because everyone deserve to be happy" simpleng sabi nito. Kaya napaiwas ako ng tingin at kumain na lang

"Waah, same. I like that, ayan ah narinig mo Charlotte mas maganda ang happy ending kesa sa tragic!" Sabi pa nito. Kaya napailing ako at uminom na lang ng kape

Napatigil naman kami ng dumating si Aries, "Charlotte, mabuti naman at bumalik ka na...namiss kita!" Sabi ni Aries. Kaya natawa ako sa inasta nito. "Talaga, parang hindi naman" biro ko. Kaya napasimangot siya

"Ms. Editor, pwede na ba natin ituloy ang naudlot natin page edit?" Tanong pa nito. Tumango ako at hinampas siya, "ewan ko sayo, Aries. Saan pala tayo natapos?"

"Ahm, ang totoo yan, iilan na lang kailangan nyong ayusin dahil tinulungan ko na siya habang nasa hospital ka" singit ni Patty. Kaya tumingin ako sakanya ng masama dahil ayoko sa lahat yung aagawin ang trabaho ko, "ahm, alis muna ako nakalimutan kong may iba pa akong gagawin!" Sabi nito. Sabay alis

Kaya napabuntong hininga ako, "so, pwede ko bang makita yung inedit nyo ni Patty. Babasahin ko lang" sabi ko. Kaya agad niyang nilabas ang laptop niya, "Daniel, come here" sabi ko. Sabay tap sa inupuan ni patty kanina

"Daniel, sino ito? Boyfriend mo?"

"Sira, hindi. This is my assistant editor, Daniel pwede bang ikaw ang magbasa ng story niya?" Sabi ko. Kaya napatingin si Aries dito

"S-sure, no problem."

"Good, wait lang, Aries basahin lang namin"

"Okay, take your time, guys" sabi nito. Sabay subo ng carbonara ko, "pahingi, nagutom kasi ako sa biyahe kanina" sabi pa nito. Kaya napailing ako habang napatigil si Daniel sa pagbabasa kaya kinindatan siya ni Aries

Ilan oras din ang ginugol namin sa page edit hanggang sa natapos kami, "ay! Sa wakas natapos din natin!" Sabi ni Aries. Habang naguunat ng binti niya dahil sa matagal sa pagkakaupo, "good job saatin, bukas ulit!"

"Sure, ms. Editor" sabi nito at tuluyan na itong umalis kaya kami na lang ang naiwan dito sa pantry, "so, hows the first edit? Madali ba?"

"Good, sumakit lang ulo ko"

"Masasanay ka rin, tara, may ipapakita pa ako sayo" sabi ko. Sabay ngiti kaya agad itong sumunod sakin pinakita ko lang naman sakanya kung ano ba talaga ang ginagawa namin at kung anong process sa pag gawa ng libro, "nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?"

"Oo, ms. Editor"

Kaya natawa ako sa sinabi niya, "that's good, since bago ka lang, ang trabaho mo ay magbasa at magbasa ng raw manuscripts saka ko na ituturo sayo yung iba pa, gusto mong magmeryenda? May masarap na kainan dyan sa labas" sabi ko. Habang inaayos ko ang desk ko, since hapon na kami natapos iilan na lang ang naiwan dito sa department

"Sure, ako naman manglilibre ngayon"

Nang makalabas kami ng building namin nagulat kami dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan, "Ah, bakit ngayon pa" Bulong ko. Habang nakatingin sa kalsada unting-unti nang nababasa. Malayo pa naman yung sinasabi kong kainan mula rito.

"Malas naman"

"Sinabi mo pa, nagugutom pa naman ako!"

Kaya nagulat ako ng may kung anong tela ang nakapatong saaking ulo, "tara, para sa pagkain!" Sabi nito. Habang nakangiti kaya hindi ko maiwasan hindi napatulala sakanya

Shems! Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito?

"Ano? Charlotte, game?"

Napabuntong hininga na lang ako at tumango na lang dahil gutom na rin ako, "B-bahala na n-nga!" Nauutal kong sabi. Kaya sumilay nanaman ang matamis nitong ngiti

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now