"Good morning, hija" bati ni Lola. Kaya napangiti ako at tumayo ako, "morning din po, Lola. May meeting po ba?" Tanong ko.
Umiling ito at binigay saakin ang isang mug na may mainit na kape, "inumin mo muna yan, alam kong may hangover ka pa. Si Ace nga pala ang naghatid sayo kagabi dahil nakatulog ka na dahil sa pagod" sabi pa nito. Kaya napangiti ako at uminom na lang ng kape
"Alam mo, hija. Feeling ko may gusto sayo ang kababata mo, nakita ko yun kagabi yung way ng tingin niya sayo at pagbuhat may iba eh" dagdag pa nito. Kaya napailing ako at binaba ang baso kong hawak, "magkaibigan lang po kami ni Ace, besides may special someone na po ako" sabi ko pa. Napabuntong hininga siya
"Okay, get up. May meeting tayo at about yun sa event na ginanap kahapon kaya mag ready ka" sabi nito at tulyan na itong lumabas sa kwarto ko kaya napabuntong hininga ako at pumunta na sa banyo para maligo
"Good morning, kahapon nagkaroon tayo ng event kung saan ilabas ang ating mga new make up products..." panimula ko. Habang naka flash sa screen ang presentation na ginawa ni Ace, kaninang umaga
"At makikita nyo naman po ang pagbilis ng sales ng make up line natin and...maganda din po ang naging feedback ng mga tao sa product kaya masasabi ko pong naging successful ang launching natin" nakangiti kong sabi. Kaya nagulat ako ng bigla silang nagpalakpakan at kasabay nun ang pagbukas ng ilaw ng conference room
"Magaling, mahusay ang ginawa mo, Ms. Garcia. Ako'y iyong napahanga" sabi ni Thomas na isa rin kasapi ng board kaya napangiti na lang ako at bumalik ulit sa pagkakaupo, "so, dumako na tayo sa totoong purpose nang meeting na ito. Lately, napansin namin na bumababa ang mga nag check in sa Casa Manuel hotel. Kapag hindi natin naagapan ito maaaring bumaksak ang hotel at tuluyan na itong magsara" sabi ni Adam
"Hmm, sa tingin ko mashado nang luma ang Casa Manuel. Kailangan na natin baguhin ang ayos niya. Charlotte, may isu suggest ka ba?" Tanong ni Tita Ofelia. Kaya nasa akin ngayon ang atensyon ng lahat at hinihintay ang sagot ko kaya napa ayos ng upo, "ahm, kagaya nga po ng sinabi nyo. Luma na po ang hotel at kailangan ng baguhin. Well I suggest lagyan po natin ng touch of modern design" sagot ko.
"Hmm, that's the good idea. Charlotte pero... kailangan natin ng malaking budget para dyan sa project" singit ni Tito Carlo. Umiling ako
"Edi humanap po tayo ng alternatives, meron naman pong mga murang suppliers diyan pero yung quality is pang world class" singit ko pa. Kaya napangiti si Lola, "alright, Charlotte. I want you to take over this project" seryoso nitong sabi. Kaya nagsimula nanaman ang bulungan sa loob ng board pati din si Tita ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Lola
"But, Mama, wala siyang alam na paghawak ng ganitong kalaking project. Hindi porket successful ang launching ng products natin, eh ipapahawak mo sakanya ang Casa Manuel hotel! This is so unfair!"
"She can handle this big project, Ofelia. Naniniwala ako sakanya!" Sigaw nito. Kaya nag iba ang tingin ni Tita kay Lola at saka nito pinunasan ang luha nito pisngi, "you will regret this, Mama na siya ang pinili mo sa project I will make sure na hindi niya matatapos ang project na ito!" Galit na sabi nito. Sabay walkout kaya napaupo na lang si Lola
"Si Lola, sigurado sa sinabi nyo? Ako talaga ang hahawak ng project na yun?" Tanong ko. Habang palabas ng conference room kaya napabuntong hininga ako, "Oo, I think mas mabuti ikaw ang humawak nun I built that Casa for your daddy nung nalaman kong he passed away sobra kang nalungkot. Kaya nung nakita ko ang property na yun naalala ko ang papa mo...sabi niya kasi gusto niyang magtayo ng hotel para mas lalong makilala ang Garcia but sadly hindi natuloy yun dahil he passed away" naiiyak na sabi nito. Kaya niyakap ko siya
"Alright, Lola. I will take that project"
"Really, apo?"
"Yes, Lola para kay daddy at mommy"
Kaya sunod na araw ay hindi na ako nagaksaya ng oras at agad kong inayos ang project na yun kaya chineck namin ang hotel para malaman kung ano pwede namin gawin sa lumang hotel
"Wow, ang ganda pa rin nitong hotel. So classy and elegant. Maybe konting ayos lang dito at konting palit lang ng mga furnitures maganda na ulit ito" sabi nito. Habang pinipicturuan ang bawat side ng kwarto, "I agree, Mr. Lance, so kailan natin sisimulan ang project?" Tanong ko
"Next week, aayusin ko na yung plano and ready to go na tayo" masayang sabi nito. Kaya napatango na lang ako, "alright, next week. Thankyou Mr. Lance" Sabi ko pa.
"It's my pleasure, Charlotte" sabi nito. Sabay halik sa kamay ko kaya natawa ako at inagaw ang kamay ko, "ahm, tara Mr. Lance kumain na po tayo" pang-iiba ko. Kaya napangiti ito
"HEY! Charlotte, ayos ka lang?" Tanong ni Ace. Sabay bigay saakin ng ice cream habang nandito pa rin kami sa hotel, "yea, I'm okay. Medyo napagod lang ako kakalibot"
"Hmm, tuloy pa rin diba yung paglibre mo ng sangyup diba?" Tanong nito. Kaya napatigil ako at tinignan ang date at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung anong araw na, "shems! Sorry I forgot. Buti na lang pinaalala mo! Let's go sangyup na tayo!" Sabi ko. Sabay kalad-kad sakanya papalabas ng hotel
At napasugod kami sa Korean restaurant ng wala sa oras, "Wow! Ang foods bigla pati akong nagutom!" Masayang sabi ko. Kaya napangiti siya habang nagluluto ng karne, "hmm, eto, Kumain ka muna...say ah" sabi nito. Sabay subo saakin ng isang buong lettuce na may palaman na karne at ibang side dishes
"Wow, ang sarap! Here try this masarap din to!" Sabi ko. Sabay bigay ng kimchi sakanya kaya napatigil siya at tumingin saakin kaya tinaasan ko siya ng kilay, "arte! Say ah~" malambing kong sabi. Kaya napailing siya at agad niya itong sinubo, "m-masarap din kaso ang anghang yan! Tubig" sabi nito. Kaya natawa ako at binigay sakanya ang tubig
"Thank you nga pala sa pag gawa ng presentation ah at paghatid mo saakin kagabi" sabi ko. Umiling siya at saka siya uminom ng soju, "wala yun no, I know naman na hindi mo na kayang gumawa ng presentation dahil ang lakas nang hilik mo kagabi" sabi nito. Kaya tignan ko siya ng masama. Kahit kailangan talaga ang lakas nitong mang-asar!
"Oy! Joke lang, eto naman pero...maiba ako sino nga pala si Daniel?" Sabi nito. Kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain, "ah, yun ba? He is my special someone. Katrabaho ko siya nung nasa publishing house pa ako, bakit mo natanong?" Sabi ko. Umiling siya
"A-Ah, narinig ko kasing tinawag mo siya. Pero bakit special someone? Wala pa kayong label" tanong nito. Kaya napainom na lang ako at napabuntong hininga, "Oo, wala pa. Ang sabi ko kasi sakanya aayusin ko muna ang sarili ko dahil...hindi ako makakamove forward kung hanggang ngayon nasa past pa rin ako... that's why I came here dahil gusto kong pagbayaran nila ang pagkamatay ng mga magulang ko"
"Hmm, ganun pala. Eh hanap mo na ba yung utak sa pagpatay sa mga magulang mo? May evidences ka na bang hawak?" Tanong nito. Kaya napabuntong hininga ako at umiling
"Oh, don't worry tutulungan kita. I have connections na pwedeng makatulong sa paghahanap mo"
![](https://img.wattpad.com/cover/254662945-288-k482611.jpg)
YOU ARE READING
Between two of us | ✓
Roman d'amourCharlotte is a aspiring writer but suffers a devastating accident and She became bitter and cold-hearted one until he meet Daniel. If he finds the true love for Charlotte or he ends up falling for her? Date release; June 3, 2022 End; October 15, 2022