25

3 4 0
                                    

"So, little damage lang ang nangyari dito" sabi ko. Habang nandito kami sa hotel at i check kung ano pa ang naging damage ng hotel syempre kasama ko si Daniel, "kamusta ang naging 'date' nyo ni Ace kahapon" sabi nito.

Kaya napailing ako at inakbayan siya, "ayos lang, I feel bad for Ace sana mahanap yung babae para sakanya" sabi ko. Napailing siya

"Mahanap na rin niya yun, mabait naman ang kababata mo. Alam mo wag mo nang isipin yun ako yung kasama mo tas..." Maktol nito. Kaya napangiti ako at pinisil ang pisngi niya, "alam mo, ang cute mo kapag nagseselos ka, tara kain muna tayo ng street foods!"

Kaya hinila ko siya papuntang sa mga stall ng street foods malapit lang dito sa hotel, "here, i-try mo ito" sabi ko. Sabay subo ko sakanya ng qwek-qwek at nanlaki ang mga mata nito nung natikman niya ang isa sa mga favorite kong street foods, "wow, ang sarap nito!"

Kaya napangiti ako, "eto, try mo naman with suka. Mas lalong sasarap yan" dagdag ko. Sabay buhos ng suka sa baso nitong may laman na qwek-qwek, "yea, mas sumarap nga. Simula ngayon paborito ko na ito" masayang sabi nito. Kaya natawa ako

"Naalala ko pati nung college kami ni Patty, eto ang lagi namin kinakain tuwing end ng klase" sabi ko. Habang naglalakad kami sa park habang magkahawak ang aming mga kamay

"Hmm, close na talaga kayo ni Patty" sabi nito. Tumango ako sabaykain ng qwek-qwek, "sila ang naging pangalawang pamilya ko, siladin ang tumulong saakin nung mga panahon na down na down ako" panimula ko.

"Nakwento nga saakin nga saakin ni Tita Cora nung tumatambay ako doon, sabi niya muntik ka na magpakamatay mabuti na lang at napigilan ka niya" sabi nito. Napabuntong hininga ako at uminom ng palamig, "Oo, naalala ko yun. Hindi ko kasi matanggap na wala na sila" malungkot kong sabi

—❤︎
"Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun ha?! Sa tingin mo ba matuwawa ang mga magulang mo sa ginagawa mo sa sarili mo?!" galit na sabi ni Tita Cora pero parang walang naririnig si Charlotte habang hawak pa rin nito ang gunting, "pabayaan nyo na ako, Tita. Pagod na ako...everytime napipikit ang mga mata ko nakikita ko ang muhka ni Papa! Wala akong nagawa iligtas siya!"

Kaya hindi din mapigilan ng Tita Cora niya ang sakit ng nararamdaman niya dahil ayaw niyang makita na nasasaktan si Charlotte, "h-hindi ko dapat siya iniwan, hindi dapat ako nakinig sakanya...wala akong kwentang anak! Kaya pwede Tita pabayaan mo na lang ako!" naiiyak niyang sabi. Kaya daling-dali siyang niyakap

"No, Hija. Wala kang kasalanan sa nangyari kaya tahan na" sabi nito. Kaya wala siyang ginawa kundi magiiyak sa balikad ng tita niya

—シ︎

"Kaya super thankful ako kay Tita dahil siya sumuko saakin at patuloy pa rin siya sa pagintindi saakin. Kaya nung graduate ako pumasok ako sa publishing house ni Tito Wade at doon ko sinimulan bumalik sa realidad" seryosong sabi ko. Habang nasa  duyan kaming dalawa ngumiti ito

"Masaya ako at nagagawa mo nang i-share ang past experiences mo. That's the good sign na unting-unti mo nang nahahanap ang small pieces ng pagkatao mo" sabi nito. Sabay gulo ng buhok ko, "maiba ako, Daniel. Kapag natapos mo na ang misyon mo babalik ka na sa 'taas'" tanong ko. Tumango siya

Habang nakatingin sa langit, "yes, that's the protocol, Charlotte" seryosong sabi nito. Kaya napaimangot ako, "so ibig sabihin pagkatapos nito hindi na tayo makikita?" malungkot kong sabi. Kaya napaiwas siya ng tingin at tumango

"Yea, ganun nga but... don't worry matagal pa yun kaya wag ka nang malungkot hmm" sabi nito. Tumango ako at niyakap siya, "ayokong mawala ka, Daniel. ikaw lang ang gusto ko"

Kaya napangiti ito at hinalikan ako sa noo, "I promise, hindi ako aalis sa tabi mo . let's go baka maulan ka pa tayo" sabi nito. Kaya agad akong pahila sakanya pabalik sa hotel nang makita namin ang team ni Lance na tumitingin din sa hotel, "hello, Ms. Garcia nice meeting you again! How are you?" masayang sabi nito.

"hi! I'm fine, bakit pala kayo nandito may problema ba?" Tanong ko. Umiling ito at pinakita ang mga pictures ng function room, "pinapunta ako ng lola mo for assessment ng damages, sabi niya kailangan na natin ayusin ito sa lalong madaling panahon"

"Oh, okay. Base naman sa nakita namin kanina mukhang little damaged ang nangyari sa function room kaya y next week siguro simulan na natin ayusin ito" sabi ko. Tumango ito at tumingin kay Daniel, "ahm, sino pala itong kasama mo, Ms. Garcia" tanong nito

"Ah, si Daniel my ass—"

"I'm his boyfriend, Mr. Lance" sabi nito. Sabay lahad ng kamay nito kaya tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at saka ngumiti, "nice meeting you, Daniel. So, hindi pala kayo ni Ace haha akala ko talaga mag-on kayong dalawa haha sorry" sabi nito. Kaya napailing na lang si daniel at ngumiti ng pilit

"Paano, Alis muna ako. bye" singit ni lance. At saka umalis ng tuluyan kaya tinignan ko si Daniel, "wag mong sabihin nagseselos ka nanaman kay Ace" sabi ko. Kaya tinaasan niya ako ng kilay at napahalukipkip ito

"Ako magseselos sa kababata mo?! No di hamak mas gwapo ako doon no. Alam mo maglibot na lang tayo sa hotel" sabi nito. Sabay hawak sa kamay ko at naglibot kami sa hotel hanggang sa napadpad kami sa di-pamilyar na lugar na puno ng old stuffs ng hotel

"Wow, ang ganda ng mga paintings!" masayang sabi ko. Habang hinahawi ko ang telang tumatakip sa mga paintings at nagulat ako ng makita ko ang old photos nila Papa at mga wedding pictures nila, "Daniel, lookk oh!"

"Wow, ang ganda naman pala ng mama mo" sabi nito. Habang nakatingin sa litrato nito napangiti ako, "sinabi mo pa, kwento saakin ni Tita Cora laging sumasali sa pagent si mama nung college" kwento ko. Inakbayan niya ako

"Hmm, at namana mo ang magandang ngiti niya. Tignan mo para commercial lang ng toothpaste" biro nito. Kaya natawa ako, "ikaw talaga, eto kunin mo pwede natin itong i-display katabi nung painting nabili ko. Just memory of my parents" sabi ko. Kaya dahan-dahan namin hinila ang painting, "Let's go, alis na ta—"

"Charlotte, can we stay here for awhile. Gusto lang kita masolo" mahinahon na sabi ni Daniel Kaya napalunok ako at dahan-dahan lumayo sakanya, "baka hinahanap na t—Daniel!"

At napatigil ako ng may nilagay siya sa tenga ko na wireless earphones saakin at nagulat ko ng marinig ko ang kantang 'Can't take my eyes off you' na isa sa mga favorite kong kanta, "ano ba nasa isip mo hmm, let's dance my love"

At dahan-dahan niyang hinapit ang bewang ko kaya napangiti ako at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya, "ikaw talaga, ang hilig mong magpakilig" natatawa kong sabi.

I love you, baby
And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby
Don't bring me down, I pray
Oh, pretty baby         

"I wanna spend my life with you, Charlotte gusto kong gumawa ng good memories habang nandito pa ako. ilove you my love"

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now