Chapter 02

3.9K 126 4
                                    

THANA'S POINT OF VIEW


"Hoy, thana! Saan ka galing?!" sigaw ni Sofia kaya mabilis akong napalayo sa kanya.


Andito pa pala 'tong gagang' to.


"Ano ba 'yon! Kinginang' to!" sigaw ko din.


Napatingin ako sa paligid at nakita kong mga nakatingin sa'min 'yung mga tukmol 'yung iba nagpipigil ng tawa except dun sa apat na seryoso lang ang tingin sa'kin.


"Ano!? Magmura ka pa!"


Napatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Dahan-dahan akong humarap sa may pinto at hindi nga ako nagkakamali dahil nandito na siya ngayon sa harapan ko.


"K-kuya Travis..." Naka mask siya pero alam na alam kong siya si Kuya. Pabango niya palang umaalingasaw na eh.


"Gandang bungad sakin ah, mura agad narinig ko galing d'yan sa bibig mo." napayuko ako. Hindi ko alam kung nagi-guilty ako o matatawa.


"Joesonghabnida," kahit ganto ako may takot parin ako sa mga Kuya ko 'no. Lalo na dun sa isa.


[I'm sorry.]


"Ayan! Mura pa more!" pang aasar ni Sofia na nasa likod ko. Kung hindi lang ako nagpipigil kanina ko pa siya natadyakan.


"Manahimik ka!" inis na saway ko sa kanya pero ngumisi lang siya. "Ano ba 'yan! Bakit nandito ka na? Akala ko ba next month pa ang uwi mo?"


"Pinauna ako ni Kuya dahil baka raw makipag-away ka na naman," biglang sumama ang tingin niya sakin kaya napaiwas ako.


"Hindi naman ako nakikipag away ah."


"Mukha mo!" aba't lukong 'to. Kung hindi ko lang siya kapatid baka ano, joke! Wala akong gagawin d'yan, baka kaltukan pa ako niyan.


"Yo! Travis my man!" sabay sabay kaming napatingin tatlo sa pinanggalingan ng boses na yon. Si Sir James, "Naka uwi ka na pala," nag yakapan pa sila. Akala mo nama'y hindi nagkikita, lagi naman daw silang magka video call sabi sakin ni Sofia.


"Si Sir kung makapag react wagas, lagi naman silang magka usap," natawa ako sa bulong si Sofia at dinig ko rin yung mahinang pag tawa niya.


"Sir wagas ka raw makapag-react, eh palagi naman daw kayong magka-usap!" lumayo agad ako kay Sofia dahil baka mabatukan niya pa ko.


"Dedma sa basher."


"Makapag-react ka naman James, para kang matanda," napatingin kami kay Kuya Travis ng sabihin niya 'yon, tatawa tawa pa siya kaya natawa narin kami ni Sofia.


"Pinagtulungan niyo pa talaga ako ah," reklamo niya.


The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon