Chapter 34

1.5K 58 1
                                    

THANA'S POV

"Thana gising na!" Boses ng isang lalaki. "May i-a-announce daw si Sir James!" Inuga uga n'ya pa 'yong balikat ko kaya inis akong bumangon at tiningnan kung sino 'yon. "Easy! 'Wag ikaw galit! Sabi mo gisingin kita eh!" Nakataas pa 'yong dalawang kamay n'ya na akala mo'y sumusuko.

Inirapan ko lang s'ya saka ako umayos ng upo at sakto namang s'yang pasok ni Sir James na may dalang mga papel. Puwede na pang gatong 'yon.

"The board members had a discussion earlier." Oh tapos? "They want the students to have camping."

"May chiks ba Sir?"

"Saan? Saan?"

"Kailan daw Sir?"

"Dapat maraming babae d'yan ah!"

"Hoy mag sitigil nga kayo! Puro kayo babae eh! Ibubuhol ko kayo sa mga babae n'yo!" Sigaw ni Gray at nagsitahimikan naman sila. "Sige Sir, continue." Ay wow.

"About the camping, there is no exact date yet but there is a place where it will be held." May tiningnan s'ya doon sa papel at mukhang may binasa. "It will be held in Cavinti, Laguna."

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Sir. "Bakit doon pa.." Bulong ko at sinigurado kong ako lang ang nakarinig.

"Thana?" Napatingin ako sa harapan ng bigla akong tawagin. "Is there a problem?"

"Wala po." Umiling ako at mukhang naniwala naman s'ya.

Jusko naman! Ang dami daming camping site sa Pilipinas bakit doon pa! Nandoon si Ian jusme!

"Okay, will you all come along?"

"Yes Sir!"

Paano kapag nakita n'ya ko doon? Ready na ba ko?

"Thana?"

Tapos yung mga kaklase ko pang mga babae noon na malaki galit sa'kin kasi daw lagi kong kasama si Sky at si Kai.

"Thana?"

Kahit ilang buwan na ang nakalipas hindi ko padin ata kayang mag pakita sa kanila ulit, baka mamaya pagbababutin ako ng mga 'yon ng itlog.

"Thana!"

Napaigtad ako sa gulat nang may bigla nalang sumigaw malapit sa tenga ko. Nilibot ko ang paningin ko at lahat sila mga nagtatakang mga nakatingin sa'kin.

"Kanina ka pa tinatawag ni Sir tulala ka lang." Sabi ni Blake kaya napakamot ako sa batok.

Pasensya naman lutang lang.

"Ano Thana? Are you coming?" Sir James asked me.

"Yeah."

"Good." May sinabi pa s'ya about daw doon sa camping site at isa lang naka agaw ng pansin ko. Malapit daw ang lugar na 'yon sa lawa, gusto kong mag tampisaw buong maghapon doon.

"It's okay for us all to come together, I will list you and pass it on to the Principal."

Hinintay ko muna s'yang makalabas saka 'ko kinuha 'yong phone ko mula sa blazer ko dahil kanina pa vibrate ng vibrate, it's either someone texting me or someone calling me.

From: Langit
Thana!

From: Langit
Thana!

From: Langit
Answer my call!

Tiningnan ko 'yong call log at nakita 'kong naka sampung missed call sa'kin si Sky. Bigla akong kinabahan, hindi na 'ko nag dalawang isip na pindutin ang call at tinawagan s'ya.

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon