60

1.1K 45 7
                                    

NOTE: There will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your understanding.

。☆✼★━━━━━━━━━━━━★✼☆。

THANA'S POV

"Tinatanong kita, bakit hindi ka sumunod kay Ian nung pinuntahan ka niya?" Kanina pa 'ko pinagiinitan nitong si Sky. "Sobrang importante n'on pero hindi mo s'ya pinakinggan!"

Nasa may garden kami ng school at narito lahat silang apat at nakatayo sa harapan ko, ni hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa talim ng tingin sa 'kin ni Sky. Ni hindi nga 'ko nakakain ng maayos ng lunch dahil bigla na lang akong hinila paalis ni Sky.

Tumayo ako at nilaban ang mga tingin niya, "Ano na naman ba, ha!? Tungkol saan!? Puro ka importante pero ayaw mo namang sabihin kung ano ang tinutukoy mo!" Sigaw ko rin.

Agad na humarang sa gitna namin 'yung tatlo dahil mukhang naramdaman nila na nag kakaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa nitong si Sky. Nakakainis na kasi, panay ang sigaw niya n'ya sa 'kin pero hindi naman n'ya sinasabi kung ano 'yung importanteng tinutukoy niya.

Lumayo ako sa kanila pero nanatiling masama parin ang tingin ko kay Sky, hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya sinasabi sa 'kin ang importanteng tinutukoy niya. Lumayos ako para umiwas kay Sky at hindi lang 'yon, may nakita akong nanonood sa amin.

Sino s'ya? Lalaki ang nakita ko at pamilyar sa 'kin ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakilala o nakita. Nag tama ang mga paningin namin, nagulat siya doon at bigla na lang nag lakad palayo pero dahil sa kapabayaan niya ay may nahulog siyang gamit at mukhang hindi niya napansin.

"Thana!"

Napabalik 'ko ang tingin sa mga kaibigan ko dahil sa pag sigaw nila sa pangalan ko, lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa 'kin habang ito ako at inosenteng nakatingin sa kanila.

"Anong tinitingnan mo d'yan?" Lumapit si Zyere sa pwesto ko at nilinga linga ang paningin pero mang walang makita ay muling humarap sa 'kin. "Sinong nakita mo?"

"May nakita akong lalaki doon kanina," I pointed to where I had seen the man earlier. "Nasa likod s'ya ng punong 'yan at mukhang nakikinig siya sa atin."

"Nakita mo ba ng maayos ang itsura niya?" Zyere's voice grew louder so Ian and Sofia approached our place and asked what I had seen.

"Hindi...pero pamilyar sa 'kin ang mukha niya." Hindi ko hinintay ang magiging sagot n'ya, kaagad akong lunakad papalapit doon sa mga nahulog na gamit nung lalaki.

"Kanino 'yan?" Ian asked standing next to me. "Doon ba 'yan sa lalaking nakita mo?" Tumango ako, akala ko may itatanong pa s'ya pero nanahimik na pala kaya pinagmasdan ko na lang ang mga gamit na nasa damo.

"We can find him using those things." Itinuro ni Sofia ang mga gamit, "Pwede nating sabihin sa guard o kaya ay ipagtanong natin sa bawat section."

"It's a good idea but we need to postpone that first." Agad akong napatingin kay Sky dahil sa sinabi niya, nakatingin na rin s'ya sa 'kin. "Alam mo bang narito na ang mga kaaway natin?"

"Yeah, kahapon pa." Gusto ko s'yang irapan pero kailangan ko ding mag pigil.

Bahagya siyang tumango, "I would have told you about that but you already know." Kamot ulo s'yang tumingin sa akin, "Sorry nga pala dahil nasigawan kita."

Tinanguan ko lang s'ya at pinulot ang mga gamit sa aking harapan, may dalawang notebooks at tatlong ballpen na nalaglag kaya ako na mismo ang nag dala. Nag kaniya-kaniya na kami ng lakad paalis nang marinig ang tunog ng bell.

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon