Chapter 16

2.4K 80 5
                                    

Thana's POV

Jusko! Sa pagpapanggap kong tulog, talagang naka tulog ako! Malay ko bang aantukin ako nang ganung kabilis.

Ginising ako ni Blake at sinabi n'yang uwian na daw, pandalas tuloy ako sa pag aayos ng gamit saka ako tumakbo palabas papunta sa office ni Sir James.

"James!" Sigaw ko ng tuluyan akong makapasok sa office n'ya.

Nakita ko s'yang naka upo sa table n'ya tapos may binabasa s'ya don. Umupo ako sa harapan n'ya kaya napatingin s'ya sa'kin saka n'ya ko pinagtaasan ng kilay.

"Anong kailangan mo?" Tanong n'ya habang patuloy parin sa pag babasa.

"Sasali na ko." Agad s'yang napatingin sa'kin ng dahil sa sagot ko, gulat na gulat pa ang mukha n'ya.

Napatayo s'ya. "Totoo? Baka prank lang yan ah? Sasabihin kita sa Kuya mo." Umupo ulit s'ya at inayos ang necktie.

"Oo nga parang tanga! Kahit tinatamad ako sasali na ko, pag kasi hindi ako pumayag kukulitin n'yo lang ako." Tiningnan ko s'ya at parang nag dududa parin s'ya sa sinabi ko kaya napabugtong hininga ako. "Oo nga sasali na ko, kung iniisip mong prank? Hindi, totoo ang sinasabi ko."

"HAHAHAHA matagal na kitang nilista Thana, alam ko namang papayag ka eh." Mabilis ko s'yang tiningnan ng masama. "Saka ang sinabi sa'kin ni Timothy ilista ko daw name mo kahit hindi ka pa pumapayag kasi papayag ka din naman daw kapag nabwisit ka." Tatawa tawa pa s'ya kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kan'ya. "Isa pa gusto ka daw nilang marinig kang kumanta." Parang bulang nawala yung sama ng tingin ko sa kan'ya.

"Nila?"

Tumango s'ya. "Family mo."

Bigla akong natahimik nang dahil sa sinabi n'ya, ngayon ko lang kasi narinig ang salitang manonood sila sa'kin.

Noon kasi kapag sinasabi kong pakinggan nila akong kumanta, balewala lang sa kanila kasi sobrang busy kasi nila sa mga trabaho nila at tanging sila Kuya lang ang nakakapanood sa'kin.

"Uwi na ko." Ngumiti lang s'ya kaya lumabas na ko ng office n'ya.

Para akong pagong dahil sa bagal kong mag lakad, iniisip ko parin kasi yung sinabi ni James kanina. Mahirap talagang paniwalaan kasi hindi ko naman mismong narinig sa kanila.

Sumakay ako sa kotse ko at tahimik na nag drive pauwi. Kung si Ace ang partner ko sa contest, ano namang kakantahin namin? Love song? Sshhkk! Wala akong hilig sa mga love song.

Hindi ako di-disretso sa bahay, pupuntahan ko muna si Zyzy. Mag papatulong ako sa kan'ya kung anong magandang kanta.

Pinarada ko sa tapat ng bahay nila yung kotse saka ako bumaba ng kotse at nag lakad papunta sa gate nila. Naka ilang pindot na ko sa doorbell pero wala pa ring lumalabas, pipindot na sana ako ulit ng bigla bumukas yung pinto ng bahay nila at iniluwa non si Tita.

"Omo! Louisse!" Sigaw ni Tita ng makita ako.

Louisse talaga ang tawag sa'kin ni Tita dahil ayaw n'ya daw akong tawaging Thana kasi nagtutunog daw lalaki sa ganda kong 'to!

Humahangin na Thana.

"Hi Tita!" Sigaw ko rin. Pandalas n'yang binuksan yung gate at ng mabuksan n'ya ay mabilis n'ya 'kong niyakap.

Muntik na nga 'kong matumba buti na lang ang higpit ng yakap n'ya sa'kin.

"I miss you! Buti naisipan mong dumalaw dito!" Parang siopao na yung mukha ko dahil nilagay n'ya pa yung dalawang kamay n'ya sa pisngi ko.

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon