67

836 34 3
                                    

THANA'S POV

Alam ko namang kami ang problema ng mga 'to pero ang nakakapag-taka lang ay bakit sila narito sa University. Inagaw nila ang atensyon ng mga kababaihang narito kaya hindi na matahimik 'tong loob ng cafeteria.

Naramdaman 'ko ang pag-lapit sa 'kin ni Sky nang maglakad papalapit sa 'min 'yung dalawa. "Bakit narito ang mga 'yan?" Pabulong na tanong n'ya sa 'kin pero hindi ko s'ya nagawang sagutin dahil hindi ko rin alam ang sagot.

"Hi!" Plastik na saad ni Rocco, nakangiti pa ang walang-hiya na para bang walang bantaan nangyari sa pagitan namin. "Bumisita lang kami para sa inyo!"

"We don't need you two here." Diretso ang tingin ko kay Rocco at hindi man lang s'ya umiwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin. "Kung may iba kayong pakay rito, sila ang puntahan n'yo 'wag kami."

"May iba pa ba kaming pupuntahan?" Tanong ni Draven, nakataas pa ang isamg kilay, "Eh, kayo lang naman ang kilala namin rito."

S'ya naman ang nilingon ko, "'Wag kang magbalat Anghel kung demonyo ka naman." Hinawakan ko si Sky sa braso at hahatakin sana palabas pero napatigil ako ng isang braso ang humarang sa daraanan namin.

"Ang bastos naman n'on kung iiwanan mo na lang basta ang bisita mo, 'di ba?" Hindi nakalingon sa 'kin si Draven, nakalingon s'ya kay Sky na ngayo'y nakikipag-titigan na sa kan'ya.

"Hindi namin kayo bisita," ako na ang sumagot dahil parang wala pa sa wisyo 'tong kasama ko. "Tara na," muli kong hinatak si Sky palabas at sa oras na 'to ay nag tagumpay ako, walang dalawang asungot ang humarang sa 'min.

"I feel useless," Saad n'ya sa gitna ng paglalakad namin papunta sa kung saan. "Wala man lang akong nagawa simula nung dumating 'yung dalawa."

"Oh, ano naman?"

Umiling-iling lang s'ya saka s'ya naupo sa bench malapit sa kan'ya, wala s'yang imik at mukhang may malalim na iniisip kaya nanahimik na lang ako kahit kanina ko pa gustong mag tanong sa kan'ya.

May history sila nila Draven dahil sa isang babae. Iba't-ibang kwento ang nakakarating kay Draven pero sa huli ay si Sky parin ang may mali kahit hindi naman totoo ang mga sinasabi nila. Pajowa-jowa pa kasi, hindi naman pala marunong mag tiwala.

Nag-hum na lang ako kaysa 'yung sobrang tahimik. Hinayaan ko na lang si Sky dahil mukhang wala pa talaga s'ya sa wisyo, balak ko sanang i-chat 'yung tatlo kaso naalala 'kong may klase na nga pala sila mamaya.

Kapag nalaman nila Kuya na nag cut-class na naman ako, hindi lang malakas na batok ang makukuha 'ko baka bawasan nila ang baon ko! Kahit na gustuhin ko mang pumasok sa klase, hindi ko magawa dahil rito kay Sky.

"Ano ba!?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na 'yon at nakita ko si Draven na hatak-hatak si Rocco sa braso. "Bitawan mo nga 'ko, Draven!"

Anong problema ng dalawang 'to?

Kinulbit ko si Sky at kaagad naman s'yang lumingon sa 'kin, "Tara, narito sila Draven." Hinatak ko s'ya sa lugar na pwede pagtaguan, sinilip ko 'yung dalawa at halatang nagpipigil ng galit 'yung isa.

Hanga rin ako rito kay Draven, nagagawa n'yang kontrolin ang galit n'ya kahit kasuntok-suntok naman ang mukha ng kasama niya. Alam kong may galit rin sa 'kin si Draven pero bakit nararamdaman 'kong parang wala na?

"Nahihibang ka na ba!? Bakit mo ginawa 'yon!?" Sigaw ni Draven kay Rocco na ngayo'y masama na ang tingin sa kan'ya, hindi kami malayo sa pwesto nila kaya kitang-kita 'ko ang bawat galaw nila.

"Dapat lang sa kan'ya 'yon dahil tarantado s'ya!" Sigaw rin na sagot ni Rocco.

"Dapat lang!? Tayo ang mapapagalitan dahil doon sa ginawa mo!"

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon