Chapter 41

1.4K 48 4
                                    

THANA'S POV

Pangatlong araw na ng camping namin ngayon, kahapon sana gaganapin yung palaro ng mga teacher kaso biglang naudlot kasi hindi daw nakabili ng mga pa-premyo. Ginawa pa kaming bata tupang ina.




Nasa harap lang ako ng tent ko at nagp-picture picture, wala naman kasing magp-picture sa'kin kaya ako na lang muna. Hindi ko alam kung nasaan 'yung mga kurimaw na 'yon dahil pag gising ko kanina ay wala na sila, nakakain at nakaligo na ko't lahat hindi parin sila bumabalik. Saan kaya nag punta 'yung mga 'yon? Kahit si Liam wala dito sa site.




"Daniel!" Nakita ko si Daniel kaya tinawag ko s'ya, tumayo ako at lumapit sa kan'ya, "Nakita mo ba si Liam?"




"Nando'n si Liam sa may lobby kausap 'yung mga teacher," Lumagpasa 'yung tingin n'ya sa'kin kaya napatingin din ako sa likod ko, "Wala ka bang kasama dito?"




"Wala eh, pag gising ko wala na sila dito."



"Kumain ka na ba?"



"Oo kanina pa."



Ngumiti s'ya, "Tara sumama ka na lang sa'kin."



Bakit bigla 'tong nag aya? Hindi ba s'ya busy? "Saan?"



"Magiikot-ikot lang tayo at titingnan natin kung maayos ang bawat site," 'Yun ba gawain n'ya tuwing umaga?



"That's your job now?" Natatawa ako dahil akalain mo 'yun? Yung campus crush na si Daniel magiging taga tingin ng mga estudyante.



"Bakit ka natawa?"



"Hindi lang kasi ako makapaniwala na sumusunod ka sa utos sa'yo," Gusto ko s'yang asarin habang nag lalakad kami, ang dali n'ya kasing mapikon, s'ya 'yung pinaka onti ang pasensya sa grupo namin.



"SSG ako sa University pero pag sa labas? Walang utos-utos sa'kin," Mayabang na sabi n'ya kaya nabatukan ko s'ya, "Aray ko naman!"



"Yabang mo! Ikaw nga 'yung pinaka malakas ang sigaw nung nag amusement park tayo!" Pang aasar ko, buti na lang hindi ko isinigaw dahil paniguradong pagtatawanan s'ya ng mga makakarinig.



"Manahimik ka! Iba 'yung sa school, iba 'yung sa grupo natin!" Oh 'di ba? Ang bilis mapikon.



"Pikon yarn?" Pang aasar ko ulit sa kan'ya pero inirapan lang ako ng gago.

"'Di ba si Thana 'yon at 'yung P.I.O?"

"Oo nga! Bakit sila mag kasama?"

"May something ba sa kanila?"

"Mga bobo! Sila kasi 'yung inutusang mag tingin tingin sa mga estudyante!"

"Gawa-gawa kayo ng issue ang papangit n'yo naman!"

"Manahimik kang lalaki ka!"



Siniko ko ng mahina si Daniel at inginuso 'yung mga grade 9, "Baka mag away sila."



"Hindi 'yan, malakas lang talaga man-trip 'yung isa sa kanila."



"Sure ka?" I asked again, he immediately nodded so I just let him.



Nag ikot-ikot pa kami at nakikita naman naming maaayos 'yung mga estudyante maliban dun sa mga estudyante kanina. Feeling ko talaga mag aaway sila pero ang sabi naman ni Daniel hayaan na lang daw.



The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon