NOTE: There will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your understanding.
・‥...━━━━━━━☆☆━━━━━━━...‥・
THANA'S POV
"Huwag mong itutuloy ang binabalak mo," paalala pa sa 'kin ni Zyere bago n'ya ko iwan para pumunta sa room niya. "I know everything you plan!" Sigaw pa n'ya habang nakatalikod.
Hinintay ko muna siyang makalayo saka ako pumasok sa classroom, lahat sila nakatingin sa 'kin dahil tatlong minuto na lang ay late na 'ko. They must have heard what Zyere said because of the loudness of his voice.
Hindi pa ko nakakalad papunta sa pwesto ko biglang humarang si Aaron sa daan, "museun il iss-eoss-eo?"
(Did something happen?)
"Nothing," bahagya akong umiling, "mueos-eul deuddeun sang-gwan-eobs-seubnida." I lied.
(Whatever you hear, it doesn't matter.)
Hindi sila puwedeng mangialam sa nangyayari sa paligid namin dahil paniguradong mapapahamak lang sila, hindi pa nila alam ang tunay na mundong ginagalawan ko at wala pa akong balak ipaalam sa kanila 'yon.
Hindi muna ngayon
Nakita 'kong may sasabihin sana s'ya pero biglang pumasok 'yung magiging teacher namin kaya wala siyang magawa kundi bumalik sa pwesto niya at maupo kaya gan'on din ang ginawa ko.
Inilapag ko ang bag ko sa sahig at ramdam ko ang tingin sa 'kin ni Blake. Nilingon ko s'ya at pinagtaasan ng kilay pero umiwas lang s'ya at nag kunwaring nagsusulat kahit wala pa namang sinasabi si Miss na mag sulat kami.
Ang akala ko ay si Sir James ang teacher namin ngayong umaga pero ang sabi n'ya at may meeting raw, pumalit lang raw s'ya dahil mas maganda raw na may klase kami kaysa mag ingay.
☆☆
Natapos ang klase n'ya pero may susunod pa. Naghihintay na lang kami at walang atang may balak mag salita sa kanila ni isa. I kept thinking that maybe they were thinking about what Zyere said earlier, lahat sila ay nakakaintindi ng english kaya paniguradong naintindihan nila ang sinabi ni Zyere.
Ilalabas ko na sana ang notebook para sa next subject dahil pumasok na ito pero napatigil ako sa sinabi n'ya, "Villafuerte. Dean told me that you would be postponed from my class because you had something important to talk about."
Magtatanong pa sana ko pero isinenyas n'ya nang lumabas na raw ako. Itatanong ko pa sana kung dadalhin ko pa 'yung bag ko pero naunahan n'ya na ko, dalhin ko na raw dahil baka raw hindi ako makabalik agad.
Puro na lang 'raw'!
Ramdam ko ang tingin nila sa 'kin pero ni isa sa kanila ay wala akong tinapunan ng tingin. Dire-diretso akong nag lakad palabas hanggang sa makarating ako sa Dean's office, may nakalagay na 'Do not disturb' sa may pinto at alam ko nang mahaba-habang usapan 'to.
I knocked three times then I opened the door, sa table ni Dean agad unang lumanding ang mata ko pero wala s'ya doon at bakanteng-bakante. Maluwag kong binuksan ang pinto pero nagulat ako nang makita si Sky na nakaupo sa isang mahabang sofa.
"Anong ginagawa mo rito?" My hand is still on the doorknob and I still don't close the door. "Nasaan si Dean at ang sinasabi n'yang mahalagang pag uusapan?" Hindi siya sumagot pero tinuro n'ya lang ang single sofa malapit sa tabi n'ya. "Hindi! Nasaan si Dean? Siya dapat ang narito at hindi ikaw. "
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section Seven | Completed
Teen FictionDate Started: 08/01/21 Date Ended: 05/12/22 ☆☆ Caught in an emotional whirlwind, she stands at a crossroads between the person who hurt her and those who have filled her life with happiness once more. Will she succumb to the familiar shadows of pa...