Chapter 31

1.9K 64 14
                                    

THANA'S POV

"ANONG mukha 'yan?! Kayo ang champion tapos gan'yan mukha mo?! Para kang pinag sukluban ng langit at lupa!" Kahit kailan panusot talaga 'tong si Sofia.

"Epal ka alam mo 'yun?!" Inis na sagot ko sa kan'ya.

"Psh! Talo ko eh, pamatay boses n'yo ni Ace!" Sa'kin ba dapat mag reklamo?!

"Hoy kung magre-reklamo ka, dun ka sa barangay hall! Hindi ako barangay tanod!" Tumalikod na 'ko at nag lakad papunta sa room para kuhanin 'yong mga gamit ko.

Maghahating gabi na natapos 'yong contest kaya sino ba namang hindi mapapagod 'di ba? Tapos 'yong mga kasama ko sa hideout wala pang sinasabi sa'kin kung napaamin ba nila 'yong animal na 'yon.

"Huy congratulations!"

"Naks ang galing n'yo!"

"Si Ace dumada-moves!"

"Yieet! Bagay kayo!"

Sabi sabi nila nang makapasok ako sa loob ng room. Hindi pa pala sila umuuwi, ako ko nakauwi na sila dahil pagkalabas ko ng backstage kanina ay wala na sila. Nandito lang pala silang lahat sa loob ng room.

"Thanks!" Sagot ko na lang saka ko dinampot yung bag ko. "Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko dahil nandito sila maliban kay Gray at Ace.

"Iniintay pa namin sila Ace." Sagot ni Gab kaya tumango na lang ako. "Uuwi ka na ba?"

"Yeah, I still have something to go."

"Saan ka pupunta? Mag aala-una na nang madaling araw, delikado na." Tanong ni Ever na nasa tabi ko na pala.

"Malapit lang, sige alis na 'ko." I didn't wait for what they would say and I immediately left the room and went to the side to change my clothes.

Buti na lang at may dala akong hoodie dahil medyo hindi ako komportable sa suot kong polo ngayon. May natanaw akong papunta sa pwesto ko kaya dali dali 'kong sinuot 'yong hood at naglakad paalis kahit nadaanan ko sila. Si Gray at Ace.

Alam kong susunod sa'kin sina Sofia at Zyere kaya sinadya 'kong dumaan sa main building dahil alam 'kong nandoon na sila at nag hihintay sa'kin.

✧・゚: *✧・゚:*

ACE'S POV

"THANKS Sir, I'll see you again on Monday." Paalam namin kay Sir saka kami nag lakad papunta sa room.

"Congrats bro, you and Thana are great." Gray told me then he put his arm on my shoulder.

"Yeah thank you." Ngumiti lang s'ya saka kami nag focus sa paglalakad.

Malapit na kami sa room nang makakita ako ng anino ng tao sa may gilid ng room. Gumalaw s'ya at maya maya lang ay kita ko na 'yong pag galaw n'ya at pag daan sa gilid ko.

Sino 'yon?

Tiningnan ko si Gray at mukhang wala s'yang nakita. Tumigil ako at tiningnan s'ya pero likod na lang n'ya ang nakikita ko at ang bag n'yang kulay white na may keychain na we bare bears.

Wait! We bare bears?!

I ran to the room and I saw all of them arranging their belongings and Thana was not here. Posible kayang s'ya yung nakita ko at dumaan sa tabi ko?

"Nasaan si Thana?" I heard Gray ask Ever near his place.

"Umalis na may pupuntahan daw s'ya." Nangunot ang noo ko dahil sa sagot n'ya kaya hindi ko na napigilang hindi sumabat.

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon