59

961 54 2
                                    

NOTE: There will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your understanding.

。☆✼★━━━━━━━━━━━━★✼☆。

THANA'S POV

"Martes na martes, bad trip agad." Sabi sa 'kin ni Dash habang nag lalakad kami papunta sa room. Nagka salubong lang talaga kami sa parking lot tapos sinabi niya na sabay na daw kaming pumunta sa room.

"Wala kang pake!" He just laughed at me so I just let him. Sanay na 'ko sa ganyang ugali niya kaya gusto ko nang ipamigay, pm na lang sa may gusto.

"Thana!" Nasa hallway na kami papunta sa room ng bigla naming makita si Kael na papalapit sa amin. "Buti nama nandito ka na!" Napahawak pa siya sa tuhod niya at hingal na hingal.

"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Dash sa kan'ya habang ako ay nakatingin sa kan'ya. "Hingal na hingal ka Bro, may nangyari ba?"

"Sumunod na lang kayo sa 'kin."

Kagaya ng sinabi niya ay sinundan namin siya. May naririnig akong ingay mula sa room namin at puro sigawan, may boses ng mga babae.

Bago pa makapag salita si Kael ay padabog kong binuksan ang pinto kaya natigil ang ingay nila sa loob. Gulat ang Section seven habang nakatingin sa 'kin at kita ko naman ang pag irap nung mga babaeng narito. Pamilyar sa 'kin ang mukha nung isang babae pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakikita.

"Sino ang nag bigay sa inyo ng permiso na pwede kayong mag ingay sa loob ng ibang classroom?" One by one I looked at them while my eyes were cold. "Wala naman 'di ba?"

"Ano bang pake mo?!" Inis na tanong sa 'kin nung babaeng pamilyar sa 'kin. "Tsaka sino ka ba sa classroom na 'to?! Class officer ka ba, ha?!"

"Paano naman napunta sa pagiging class officer ang usapan?" Tingnan ko lang kung may masagot ang walanghiyang 'to. Nakalipas ang ilang minuto pero wala parin, dahan dahan akong napangisi ng makitang nainis din ang mga kaibigan niya. "See? Lakas niyong mag ingay dito, eh bobo naman 'yang kaibigan niyo."

Napa 'woah' ang mga tukmol 'kong mga kaibigan at nagpalakpakan naman 'yung iba, mga siraulo talaga. Si Zia naman ang tingingnan ko at kitang kita ko ang sama ng tingin niya sa 'kin.

"Want some attention, baby?" Pang aasar ko pa para mas lalo siyang mainis. Wala naman talaga akong balak inisin siya pero dahil sa mga babaeng pakalat kalat dito ay napasubok tuloy ako.

"Ahay Ace, pinag papalit ka."

"Yes baby~"

"Nababading ako Thana, 'wag kang gan'yan!"

"Pinag palit si Ace~"

"Tumigil kayo mga gago!" Tinawan lang nila 'ko, napailing na lang ako dahil sa mga kagaguhang ginagawa nila. "Bakit ayaw mo sumagot? Gustong gusto mo 'yon 'di ba?"

"Ano bang alam mo, ha?! Kung makapag salita ka parang kilalang kilala mo na 'ko!"

"May batas ka bang nagsasabing kilalanin muna kita bago kita pag salitaan?" Kung wala lang kaming kasama ngayon baka na tampal ko na ang pagmumukha niya.

I licked my lip before I slowly grinned. Namula ang mukha niya dahil sa inis, alangan namang sa kilig 'di ba? Nag aaway kami tapos makakaramdam pa siya ng kilig, iba na ata 'yon.

"Tss! Sugod ng sugod wala naman palang dala-dalang bala." Hinawi ko ang babae sa harapan ko saka ako pumunta sa pwesto ko. Inilapag ko 'yung bag ko sa baba saka ako umupo sa table habang nakaharap sa kanila.

"Thana." Napanguso ako dahil ngayon ko lang napansin si Ace, ni hindi ko man lang siya napasin nung pumasok ako dito sa loob ng room. "Tulungan mo 'ko.." Bulong pa niya.

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon