Thana's POV
Tsk! Monday na naman!
Parang kahapon lang nasa EK kami tapos ngayon may pasok na naman!
Sa totoo lang minsan tinatamad talaga akong pumasok pero nagbabanta si Kuya Travis na isusumbong n'ya daw ako kay Daddy kapag hindi ako pumasok. Edi ang nangyari, pumasok ako ng sapilitan.
Nakatingin lang ako sa kisame at paniguradong maya maya ay nandon na si Kuya Travis sa pinto at nagsisisigaw.
"Thana bumangon ka na d'yan!" See? "Baka ma-late ka pa!"
Bumangon na lang ako saka ako dumiresto sa walking closet para kuhanin yung uniform na gagamitin ko. Pumasok kaagad ako sa banyo ng makuha ko yung mga gagamitin ko.
Nagbihis kaagad ako pagtapos kong maligo, nilalamig kasi ako at nakalimutan kong i-off yung aircon. Habang nagsusuklay ako bigla akong napatingin sa study table ko at nakita kong andon parin yung binigay sa'kin ni Ian na teddy bear.
Kinuha ko yon saka ko pinagmasdan, sandali kong tiningnan yung teddy bear hanggang sa nagkusa ang kamay kong itapon yon sa trash can katabi ng table.
Bumalik ulit ako sa pagsusuklay hanggang sa maayos yung buhok ko, kinuha ko muna yung susi ng kotse at yung bag ko saka ako lumabas ng kwarto. Lalabas na sana ako ng bahay ng biglang may humatak sa bag ko kaya napabalik ako sa loob.
"What the----?!" Bulyaw ko ang taong humatak sa bag ko at nakita ko si Kuya Timothy.
"Where are you going? Are you not going to eat?" Tanong niya. Hindi ko s'ya sinagot pero naglakad ako papunta sa dining.
Atsaka hindi pa ako nakakakuha ng chuckie sa ref no, kaya bawal pa akong umalis.
"Modu annyeonghasibnikka!" Sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng dining.
[Good morning everyone!]
"Good morning Thana!" Bati sa'kin ni Mommy at Daddy. Nakita kong masama ang tingin sa'kin ni Kuya Travis kaya natawa ako.
Masama parin yata loob niya sa'min ni Kuya Timothy kasi pinag tripan namin s'ya kahapon sa mga matataas na rides. Ramdam kong lumapit sa'kin si Kuya Timothy kaya tinignan ko s'ya, nakatawa pa s'ya habang nakatingin kay Kuya Travis.
"Oy ang panget mo!" Pangaasar ni Kuya Timothy kaya mahina akong natawa. Tarantado din, agang aga manunusot na naman.
"Epal! Mas pangit ka naman!" Ganti ni Kuya Travis.
Umupo ako sa tabi nila Daddy na nanonood sa pag aasaran ng dalawang unggoy. Tiningnan ko yung lamesa at meron dong pancake na may syrup tapos may itlog at hotdog pero walang kanin puro tinapay lang.
Nasanay na talaga kaming hindi na nagkakanin twing umaga, laging tinapay na lang. Malay ko ba d'yan kila Daddy, ayaw kaming pakainin ng kanin twing umaga pero kapag tanghali todo lagay sila ng kanin sa plato namin.
Dati may sinabi sa'kin si Mommy na huwag muna daw kami mag kanin kapag umaga kasi baka daw tumaba kami. So anong connect?
"Kung ako unggoy, gorilla ka naman!" Napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Kuya Timothy na puno ng pang aasar. Pero kapag ginalit mo? Nagkamali ka nang ginawa.
"Kung ako gorilla, eh ikaw ano? Butiki!" Ganti na naman ni Kuya Timothy.
"Kung ako butiki, ikaw ipis!" Natawa ako dahil sa sinabi ni Kuya Timothy kaya napatingin sila saking dalawa.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section Seven | Completed
Teen FictionDate Started: 08/01/21 Date Ended: 05/12/22 ☆☆ Caught in an emotional whirlwind, she stands at a crossroads between the person who hurt her and those who have filled her life with happiness once more. Will she succumb to the familiar shadows of pa...