THANA'S POV
Pangatlong araw na ng festival at ang utak ko parang ibon pa fly fly lang.
Mamaya pang 10 o'clock mag sisimula yung contest kaya maghihintay na naman kami ng ilang oras. Dance troupe na ngayon at ayun talaga ang pinaka aabangan ko dahil may deal kami ni Blake.
"Bear!" Buong section seven napatingin kay Gray dahil sa sinigaw n'ya.
"Bakit?"
"Tara! May nag hahanap sayo! Ang dami nila!"
Sino namang bibisita sa'kin?
"Hala Thana manliligaw mo yata yung mga 'yon!"
"Away ba yan? Away? Sali ako!"
"Ako din!"
"Baka admirers mo lods! Umaariba na!"
Pinag sasabi ng mga 'to?
Hinatak ako patayo ni Gray at hinatak palabas kaya wala na 'kong nagawa kundi mag pahatak sa kan'ya. Rinig ko yung sigawan ng mga tukmol nang makalabas kami ng room. May narinig akong sumigaw ng..
"Patay! Nag iinit na ang bulkan!" Yan yung sinigaw n'ya pero hindi ko na nalingon kung sino 'yon.
"Ang dami nang naghahanap sayo Bear!" Nahahasa na s'ya sa pagta-tagalog.
"Gaano karami? Nabilang mo ba?" Pamimilisopo ko. Tiningnan n'ya 'ko ng masama kaya napa-peace sign na naman ako.
"Ayun sila oh!" May tinuro s'ya kaya tiningnan ko 'yon at nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino sila. "Kilala mo ba sila?"
"A-ah chuck balik ka muna sa room natin kakausapin ko lang sila."
"Sure ka ayaw mo ng kasama?"
"Hindi na ayos lang ako, kilala ko naman sila."
Ginulo n'ya yung buhok ko. "Sige hintayin na lang kita sa room."
Tumango na lang ako at ngumiti sa kan'ya, hinintay ko muna s'yang makalayo bago ako tumakbo sa mga kaibigan ko.
"Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila.
"Ikaw na nga binibisita namin ayaw mo pa?" Sagot ni Kai.
"Ikaw hudlo ka!" Maarteng napahawak sa dibdib si Kai nang marinig ang sinabi ko. "Nandito ka na kahapon tapos hindi mo man lang sinabi na pupunta sila ngayon!"
"Pumunta ka dito kahapon?!" Sabay sabay na sigaw nung anim.
"A-ah haha oo." Sagot n'ya at nagkamot batok.
"By the way kailan ba 'yung contest na kasali ka?" Tanong ni Gael. Kapatid s'ya ni Kael pero hindi alam ni Kael na magkakilala kami ng Kuya n'ya.
"Bukas pa kasi 'yon! May sadyang kampon lang ni Satanas ang nag sabi na ngayon na yung contest." Kay Kai ako nakatingin.
"Oi! Sila Zyzy at Sofia oh!" Sigaw ni Dylan habang may tinuturo kaya tumingin kami doon at nakita namin si Zy at Sof na naglalakad na papalapit sa'min.
"Yow guys!" Sabi ni Sofia. "Kumusta? Ngayon na lang ulit tayo nagkita-kita ah!"
"Okay lang. Masyado kasi kayong busy!" Sagot ni Dan.
"Sus! Daniel baka kamo may girlfriend ka na at hindi mo man lang sinasabi sa'min!" Mapang asar na sabi ni Sofia.
"Sana all may girlfriend." Natawa kami sa sagot ni Daniel dahil halatang halata naman na walang wala s'ya.
"Tara sa garden ng school n'yo!" Agad na tumakbo si Matthew at nagsunuran naman agad sa kan'ya yung mga unggoy.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section Seven | Completed
Teen FictionDate Started: 08/01/21 Date Ended: 05/12/22 ☆☆ Caught in an emotional whirlwind, she stands at a crossroads between the person who hurt her and those who have filled her life with happiness once more. Will she succumb to the familiar shadows of pa...