70

934 39 1
                                    

NOTE: There will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your understanding.

★・・・・・・

THANA'S POV

"Papasok na 'ko, bye!" Pandalas akong lumabas ng bahay dahil hinahabol ako ni Kuya Timothy na may hawak na walis tambo.

Wala sa garahe ang kotse ko kaya mabilis akong nakalabas ng gate, sa kabilang kalsada ko ginarahe ang kotse ko dahil bakanteng lote lang naman ang nasa harapan namin at walang magrereklamong kapit bahay.

May nadaanan akong kanto at ang pagkakantada ko pwede rin 'yong daanan papunta sa subdivision kung saan ko naabutan sila Gray at Rocco na nagrarambulan sa damuhan.

Uy damuhan raw

Nag focus ako sa pagd-drive dahil ayaw kong mabangga. Masyadong kalat ang mga sasakyan sa daan at talaga hindi sila nagpapatalo, para silang nakikipag sabayan sa 'kin pero hindi naman sila makahabol. Halatang wala silang clue na minor pa ang nagd-drive.

Angas ah, grade 10 pero nakakapag drive na

Naguguluhan rin ako sa nangyayari sa paligid ko, hindi nila ako magawang masaway kahit alam naman nilang wala pa 'ko sa legal age. Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko, mayroon dapat akong ibang asikasuhin ngayon at saka ko na poproblemahin ang buhay ko.

Mabilis akong nag tungo sa classroom at kaagad hinanap ng mga mata ko si Kael, natagpuan ko s'yang nakaupo malapit sa pwesto ko kaya doon ako kaagad pumunta. I ignored the eyes staring at me until I go to him, nakatulala si Kael at mukhang may malalim na iniisip.

"Pre.." I called to him whispering, "Tara, absent tayo." Pagbibiro ko, hindi puwede ngayon dahil katabi ko si Blake. Hindi rin ako pwedeng um-absent dahil baka totohanin ni Sir James ang sinabi n'yang isusumbong raw ako kila Kuya.

"Ulol gago ayoko--Thana!" Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita 'ko. "Ikaw ba 'yung nag sabi na absent tayo?" Isang beses akong tumango at parang tanga naman ang naging reaksyon niya, sinundan niya 'ko ng tingin hanggang sa makalayo ako.

"'Wag mo nga akong tingnan ng ganiyan! Babatuhin kita ng sapatos!" Pagbabanta ko pero walang talab 'yun dahil tinawanan niya lang ako.

Lumabas na lang ako ng classroom at nag lakad patungo sa Senior High campus, naroon kasi si Daniel at kailangan kong makasigurado kung nalaman niya ba ang pinagusapan namin kahapon.

Bahala na si Wonder Woman kung ma-late man ako sa klase namin. Ang mabilis na paglalakad ko ay naging mabagal nang makarinig ako ng mga yabag mula sa likod ko.

Pinakiramdaman ko ito at naramdaman kong naging mabagal rin ang paglalakad niya, binilisan ko muli ang paglalakad hanggang sa makakita ako ng pwedeng takbuhan. Lumiko ako roon at nagtago kaya nakita ko ang taong sumusunod sa akin.

"Who are you looking for, Mister?" Dahan-dahan itong humarap sa akin at ganoon na lamang ang panglalaki ng mga mata ko nang makita ang taong sumusunod sa 'kin. "Bakit mo 'ko sinusundan!?"

Napaatras naman siya dahil sa pagsigaw ko, "Shh!" He even pressed his index finger to his lip, "Huwag ka maingay! Kapag tayo nahuli, ikaw ituturo ko."

Inambahan ko siya ng pag batok pero mabilis siyang nakalayo kaya hindi ko siya naabot, "Gago ka ba?! Ikaw 'tong sumusunod sa 'kin tapos ako itong ituturo mo!?"

Biglang nag bago ang ekspresyon sa mukha niya, nakanguso siyang umiling. "Hindi na.. hindi na."

"Bumalik ka na nga roon sa classroom," tinalikuran ko siya pero hindi pa 'ko nakakalayo nang maramdaman ko ang kamay niya sa pulso ko, "Ano?"

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon