80

801 39 1
                                    

Zyere's POV

Pumasok akong muli sa kwarto ni Thana matapos kong kausapin si Sky. Hindi ko natanong kung saan nag punta ang lukong 'yon dahil bigla na lang siyang umalis kanina. Akala ko magpapahangin lang siya kaya hindi ko na sinundan pero umalis na pala.

Kami na lang dalawa ni Daniel ang naiwan dito sa ospital dahil matapos magamot ng mga kasama namin ay pinauwi muna namin sila para makapagpahinga, nakakapagod makipagsuntukan kanina kaya ang kailangan talaga nila ngayon ay makapag pahinga.

I told them to let me know if they were going to visit because Thana's family might come here suddenly. Napalingon ako kay Thana na ngayo'y tulog na tulog, ilang oras na siyang nandyan at sana lang talaga ay magising na siya.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko kay Daniel nang makalabas siya sa restroom, "Anong oras na oh?" Itinuro ko 'yong wall clock, malapit na mag alas-onse ng gabi pero nandito pa rin ang isang 'to.

"Ano ba 'yong sinabi ko kanina? Dito muna 'ko, 'di ba?" Umupo siya sa sofa at binuksan ang tv. "Saka wala din naman akong gagawin sa bahay."

"All right, you stay here first, I'll just buy something outside." Lumabas kaagad ako ng kwarto nang makuha ko ang wallet ko. May malapit naman na convenience store dito kaya doon na lang ako bibili ng mga pagkain namin.

Habang nag lalakad papunta doon ay may bigla na lang sumulpot sa harapan ko, "Shit!" matalim kong tiningnan ang lalaki sa harap ko, "Bakit ba bigla-bigla kang nasulpot!?"

He laughed, "I just wanted to ask you something."

"Ano?" Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman siya. "Samahan mo ako sa store doon, mamaya mo na lang itanong kung ano man ang itatanong mo." Tumango siya kasunod ng pananahimik niya.

--

"Para kanino 'yang mga 'yan?" Turo niya sa laman ng basket na hawak ko, "Napakarami naman niyan." Nag lagay siya ng dalawang chichirya sa basket kaya hinayaan ko na lang, mukha din kasing magtatagal siya sa ospital.

"Para sa 'min ni Dan," pumunta ako sa mga softdrinks at nag lagay ng dalawang 1.5 na coke sa basket. "Ayaw niya daw umuwi kaya hinayaan ko na, wala daw siyang gagawin sa kanila." Pumunta naman ako sa mga biscuits at kumuha ng dalawang plastik ng rebisco.

"Ayaw mo ng fudgee bar? Masarap 'to," hawak niya ang isang plastik n'on at ipinapakita sa akin.

"Sige na, ilagay mo na dito, nahiya ka pa." Inirapan ko siya nang makitang kong tuwa-tuwa siya na pumayag ako. "Okay na siguro 'to. Tara na." Pumunta na ko sa counter at siya naman ay muling sumunod sa 'kin.

"Salamat!" Nginitian ko na lang siya.

"Tayo-tayo pa lang ba ang nakakaalam nang nangyari sa kaniya?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok ng ospital. "Natatakot talaga ako sa pwedeng gawin ni Kuya Timo kapag nalaman niya 'to."

"Sino ba namang hindi matatakot? We all know what kind of brother Kuya Timo is to his sister." Sandali siyang tumingin sa 'kin, "Hindi na natin pwedeng patagalin 'to dahil baka mas lalong lumala."

"I'm waiting for Sky."

"Anong mayroon kay Sky?" Tanong niya habang naghihintay kami ng elevator. "Kailangan ba ng permission niya para sabihin kila Tito?"

Umiling ako, "Natatakot siya. Kanina, bigla na lang umalis 'yong mokong na 'yon tapos ngayon hindi pa rin bumabalik." Pumasok kami sa elevator, "Hinihintay ko siya, hindi naman ako ang pwede magsabi dahil hindi ko naman nasaksihan ang nangyari kanina pero si Sky, alam niya, not exactly but he knew."

"Saan naman nag punta 'yon?"

I shrugged because I didn't know the answer either. Biglang bumukas ang elevator at pumasok ang dalawang babaeng Nurse kaya umisod kami sa gilid, tahimik lang kami hanggang sa makarinig ako na nakaagaw sa atensyon ko.

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon