Thana's POV
"Oy bukas ah? Pag yon nakalimutan n'yo susugudin ko kayo sa bahay n'yo!" Sigaw ni Gab mula sa labas ng room.
Mula kanina matapos kaming kumain hanggang ngayong uwian hindi na natigil ang bunganga n'ya kakasabi na hindi daw dapat namin makalimutan yung gala bukas.
"Oo na! Oo na! Yung bunganga mo pwede pakitikom kahit sandali?!" Inis na sabi ni Jade habang nag aayos ng mga gamit n'ya.
"Eh baka kasi makalimutan n'yo! Makakalimutin kasi kayo!" Bawi ni Gab.
"Assignment ba yan para makalimutan ha?! Mauna ka na nga doon sa baba! Ang ingay mo!" Syempre hindi parin mag papatalo si Jade.
Itinaas lang ni Gab yung middle finger n'ya kay Jade saka s'ya umalis sa tapat ng room. Lumabas kaagad ako matapos kong ayusin yung gamit ko dahil naiilang ako sa titig ni Ace.
Kanina pa s'ya nakatitig sa'kin eh, wala naman akong ginagawa sa kan'ya debale nalang kung may plano s'ya para sa'kin.
Habang nag lalakad ako papunta sa parking lot nakita ko si Gavin na nakatayo malapit sa kotse ko kaya nag kunwari akong hindi ko s'ya nakita at nagtuloy tuloy lang ako palapit sa kotse ko.
"Woah! Hindi ako naniniwala na kotse mo 'yang kotse na 'yan!" Sabi ni Gavin habang nakatingin sa kotse ko.
Edi don't! Wala naman kasi may nagsabing maniwala ka!
Napatingin ako sa kabila ng may marinig akong tunog mula sa pag bukas ng pinto ng kotse. Napatingin ako sa kotseng mga katabi ko at nanlaki yung mata ko ng ma-realize na kotse pala ni Ace yung narinig kong bumukas ang pinto.
Kakawayan ko sana s'ya pero bigla akong inirapan ng gago. Bakla ata 'to eh? Kung makairap dinaig pa ko.
"Tsh!" Saka ako humarap kay Gavin na hindi parin umaalis sa harapan ko. "What do you need?" Bored na tanong ko.
"Free ka ba bukas?"
Sasagot na sana akong oo kaso naalala ko na may lakad kami ng section seven bukas. "Hindi eh may lakad kami ng section seven."
"Ah sige sa ibang araw na lang." Tatanungin ko sana s'ya kung bakit n'ya ko inaaya kaso bigla nalang s'yang umalis. Anong nangyari don?
I just shrugged then I got in my car and drove home. Pinasok ko agad yung kotse ko sa parking lot saka ako pumasok sa loob ng bahay.
"Kuya Travis!" Sigaw ko saka ko nilagay sa sofa yung bag ko. "Hoy Kuya!" Nasaan na yon?
Tumayo ulit ako saka ko nag lakad lakad sa buong bahay pero hindi ko at parin s'ya makita. Tsk! Ang laki laki kasi ng bahay na 'to eh!
Isa nalang ang hindi ko napupuntahan, yung rooftop. Dali dali akong pumunta sa hagdan saka ako tumakbo paakyat sa rooftop, napahawak ako sa hakawan sa may hagdan ng dahil sa pagod.
Napatingin ako sa pinto ng rooftop ng may marinig akong malakas na tunog mula doon. Dali dali akong pumunta doon saka ko binuksan yung pinto.
"Ya oppa! Naneun myeoch beon dangsin-ui ileum-eul bulleossgo dangsin-eun danji yeogie!"
[Hey brother! I've called your name for a few times and you're just here!]
Tumingin s'ya sa'kin saka n'ya pinahinaan yung volume nung speaker na gamit n'ya. "Eh hindi ko narinig eh." Nagkamot pa s'ya ng batok.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section Seven | Completed
Teen FictionDate Started: 08/01/21 Date Ended: 05/12/22 ☆☆ Caught in an emotional whirlwind, she stands at a crossroads between the person who hurt her and those who have filled her life with happiness once more. Will she succumb to the familiar shadows of pa...