55

1K 48 7
                                    

THANA'S POV

Dalawang araw ang lumipas at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung sinabi ni Gab.

"Wala namang mawawala sa 'yo kung aaminin ka sa kan'ya 'di ba?"

"Thana yuhoo!" Napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses na 'yon. "Lutang ka na naman.."

"May pinag iisipan lang ako."

Hindi na s'ya sumagot at hinayaan na lang ako. Kasama ko si Ian at nandito kami sa Mini Garden para magpa hangin, lunch break kaya may oras kaming tumambay.

Sa loob din ng dalawang araw na 'yon, nag kaayos na sina Zyere, Sky at Ian. Ewan ko kung paano nangyari pero biglaan din, nalaman ko na lang nag magka-ayos na sila.

"Hoy kayong dalawa!" Sabay kaming napatingin ni Ian sa likod namin at nakita namin si Sky at Zyere na papalapit sa 'min.

"Ano 'to?! Date sa tanghalian?" Tanong ni Zy at sumiksik pa sa tabi ko.

"Umalis ka nga d'yan! Ang laki-laki mo eh!"

Pilit ko s'yang tinutulak pero para
ng walang saysay sa kan'ya 'yon dahil hindi man lang s'ya gumalaw sa pwesto n'ya at ibig sabihin lang no'n ay masyado s'yang malakas.

Tinigilan ko na lang dahil masasayang lang ang pagod ko sa ginagawa ko kung ayaw namang mag papilit nitong isa.

"So, anong nga bang ginagawa n'yo dito?" Tanong ni Sky na nasa harapan namin at nakaupo sa Bermuda grass.

"Sinamahan ko lang s'ya, mukhang malalim yung iniisip eh.." Sagot ni Ian sa tabi ko.

"Bakit nasisid mo?" Tanong nung luko sa tabi ko. Simula nung na bangasan s'ya para wala na s'yang nagawang matino, panay pang aasar na lang ang ginagawa.

Hindi sumagot yung isa kaya nanahimik na din yung luko. Kung ano-ano pa pinag usapan namin at puro lang naman kalokohan ni Zyere.

Bumalik na kami sa kan'ya kan'yang room bago mag bell at si Sky naman ay umalis na dahil may pupuntahan daw s'ya.

Kaagad na dumapo ang mata ko kay Ace na nakatingin sa 'kin, sandali ko lang s'yang tiningnan saka ko tiningnan yung katabi n'ya. Nakataas ang isang kilay n'ya at parang nag hahamon ang mga tingin n'ya.

Ahitin ko kaya kilay nito?

Nginiwian ko na lang s'ya saka ko sila nilagpasan at umupo na sa upuan ko. Wala si Blake sa upuan n'ya at nandoon s'ya sa tabi ni Aiden, nag lalaro sila ng ML.

"Mukhang nagkaka ayos na kayo ng Ex mo ah?" Napalingon ako kay Dash dahil sa biglaan n'yang pag sulpot sa harapan ko.

Nagka ayos na nga ba kami ni Ian?  Because in the past few days I didn't even think that he cheated on me. Pero kasi! Hindi naman kami mag kakasama kung hindi kami okay 'di ba?!

"Siguro.." I let out a short laugh so he wouldn't get suspicious at me.

"'Di ba gusto mo si Ace?" Hindi na ko magtataka kung mag tatanong sila sa 'kin ng ganoon tanong dahil halata naman daw sa pamamagitan ng pag tingin ko kay Ace.

"Oo," Nahiya ako pero mas mabuti nang ginawa ko yon dahil baka sakaling matulungan nya ko sa pesteng Zia na yon.

"Lapitan mo na..nilalapitan na nang iba oh," Nakita n'ya yata akong nakatingin kila Ace kaya nasabi n'ya 'yon.

Nilingon ko s'ya ulit, "Makakalapit ba ko kapag may nakadikit sa kan'ya ng gan'yan?"

"Don't worry, tutulungan kita." Ngumiti s'ya pagka tapos ay kumindat.

Napailing na ako saka ako umayos ng upo dahil dumating na yung teacher namin para sa oras na 'to. Bumalik na sila sa kan'ya kan'yang upuan pero nakakapag taka ay parang may hinahanap si Miss.

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon