84

841 38 3
                                    

Ace's POV

"You mean, siya si Louisse?" Dalawang beses siyang tumango at ako naman ay muling bumalik ang tingin kay Thana, "Noon pa lang ay naghihinala na 'ko na siya 'yong babaeng nakilala ko noon pero hanggang hinala lang ako dahil minsan ay naiisip ko na baka hindi na kami muling magkikita."

"Suspicion is just suspicion." Ngumiti s'ya saka siya tumayo sa upuang inuupuan niya, "Look at what happened today, you've been together for months without even thinking you've met before."

"At ikaw 'yong lalaking nag-akay sa kaniya noon palabas ng ospital?" Natawa na naman siya bago tumango, hindi pa din ako makapaniwala na ang Timothy na kinatatakutan nila Kael ay nakita ko na pala noon...kasama ang kapatid niya.

Si Thana

"Maiwan ko muna kayong dalawa dito," tinapik-tapik niya ang balikat ko saka siya nagsimulang maglakad palabas, "Take your time!" Sinarado niya na ang pinto, nang masiguro kong nakaalis na siya, ako naman ang umupo doon sa inupuan niya kanina.

"Akala ko pa naman noon ay nagkakamali ako." Umiling-iling ako sa sarili ko habang nakatuon ang isang braso sa kama niya, "Akalain mo 'yon? Kuya mo pa mismo ang nag sabi sa 'kin na ikaw 'yong babaeng tinatakot ako noon sa may hallway!"

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ang karamdaman niya ngayon. Bigla 'kong naalala si Kael kaya dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto ng kwarto, nakita ko siyang nakaupo at natutulog pero pasensya na, kailangan ko siyang istorbohin ngayon.

"Kael! Huy!" Inuga-uga ko ang balikat niya hanggang sa itaas niya ang ulo niya at tumingin sa akin, "Doon ka na sa sofa matulog, wala na si Kuya Timo sa loob." Ayaw niya pa sanang tumayo pero wala siyang nagawa nang higitin ko siya patayo.

"H-hoy! Natutulog 'yong tao e!"

"Doon ka na nga sa loob! Para kang tanga doon sa labas, baka isipin pa ng mga Nurse na pinagbabawalan kang pumasok doon sa loob." Napapansin kong nagiging madaldal na ko nitong mga nagdaang-araw. Epekto ba 'yon kasi ilang araw ko ding hindi nakita si Thana? Just kidding!

"Bakit ba?" Ibinagsak ko s'ya sa sofa saka ako bumalik sa upuan sa tabi ng kama ni Thana, "Istorbo ka e! Pasalamat ka dinala kita dito!"

"Edi thank you!" Naasar s'ya dahil bigla s'yang dumampot ng unan mula sa sofa at akmang ibabato sa 'kin pero mabilis n'ya ding ibinalik ang unan nang bumukas ang pinto.

Inabangan ko kung sino 'yon at nakitang isang Nurse lang pala, umalis muna ako sa inuupuan ko dahil sa pwesto ko s'ya papalapit at doon ko lang napansin na do'n nakasabit ang dextrose. "I-check ko lang po ang pasyente," tumango naman ako.

Lumapit ako kay Kael na ngayo'y nakahiga na sa sofa at handa nang matulog ulit pero niyugyog ko ang braso niya, "Ano na naman!?"

"Don't go to sleep first, I'll ask you something later after the nurse leaves." Tumango lang siya pero kalaunan ay bigla na lang pumikit. Nakaramdam ako bigla ng pagkauhaw kaya lumapit ako sa mini ref na kanina ko pa napapansin.

May mga snacks akong nakita pero tubig talaga ang kailangan ko, bumalik ulit ako sa may paanan ni Kael at umupo. Hindi pa din umaalis 'yong nurse kaya mananahimik muna ako dito, sinilip ko si Kael at nakatulog na si loko. Bigla na namang bumukas ang pinto at si Sky naman ang pumasok, may mga dala siyang mga tinapay at bigla na lang niyang ibinigay sa akin.

"Anong mayro'n? Why are you giving me this?" Pinakiramdaman ko ang hawak at mukhang lahat ay masarap kaya bigla akong natakam, hindi ko ipinahalata kay Sky ang nangyayari sa 'kin at muling s'yang binalingan. "Ano?"

"Sa 'yo 'yan, ipinabibigay ni Kuya Timo sa 'yo," ngumiti s'ya sa 'kin saka n'ya tinapik ang balikat ko. Ang akala ko ay aalis s'yang muli pero naupo s'ya sa katapat naming sofa, "Kumain ka na d'yan, hindi ako hihingi."

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon