51

1.1K 49 1
                                    

THANA'S POV

Umiwas ako ng tingin para hindi n'ya ko makita pero talagang mapaglaro si Tadhana. Katabi lang namin ang table kung saan nakaupo si Ian kasama ang mga tropa n'ya.

Smile :)

"Noona.." Yejun called me so I turned to him. "Hindi ka na ba kakain?"

Oh right! May kinakain pa nga pala 'ko. Masyadong nakuha 'yung atensyon ko nung lalaki sa kabila kaya pinag patuloy ko na lang ang pagkain ko kaysa isipin ang isang 'yon.

We don't have a proper separation so I don't want to see him. Yun lang! Ayaw ko lang talaga s'yang makita.

"What do you think about Kuya Ace??"

Bigla akong nabulunan dahil sa biglaang tanong n'yang 'yon. "T-tubig..." Agad naman n'yang inabot sa 'kin. "Huwag ka nga mag tanong nang ganiyan, nakain dito oh!"

"Sorry..." Pilit s'yang ngumiti pero halata sa itsura niyang natatawa s'ya. Parang hindi pinsan amputa!

"Epal nitong lalaking 'to! Ibabalik kita ng Korea kapag hindi ka tumigil d'yan!!" Pero mukhang walang narinig ang loko dahil patuloy pa rin s'ya sa pag tawa.

Clown na lang yata ang role ko sa mundo

"Hoy Yejun!! Meomchwo!!"

(Stop it!)

Hindi naman ako puwedeng sumigaw dito ng malakas sa loob dahil baka mapalabas pa kami ng wala sa oras.

Bigla s'yang tumigil sa kakatawa kaya nilingon ko s'ya "A-ahaha...I-i need water, Noona.." Nabubulunang sabi n'ya kaya ako naman ang tumawa.

"Deserve!" Dinilaan ko pa s'ya.

"Noona!!"

"Oh, ayan na! Ayan na!" Tinulak ko sa kan'ya papalit 'yung baso habang ako ay tawa parin ng tawa.

Ininom n'ya 'yon at mayroon pang natapon kaya agad ko s'yang inabutan ng tissue dahil hindi puwedeng mabasa ang damit n'ya dahil wala kaming extra'ng dalang damit.

"Karma has been serve.." Mayabang akong ngumisi at nag iwas ng tingin.

Pero agad din akong nagsisisi sa nakita ko. Nakatingin sa 'min ang animal at mukhang pinag mamasdan kami, umiwas na lang ako ng tingin na parang hindi s'ya nakita.

"You haven't answered my question yet.." Ito na naman po s'ya. Nakangisi na naman ang walanghiya at mukhang may binabalak. "What do you think about Kuya Ace?" He repeated the question he asked earlier.

"Eh, ano bang pakialam mo kay Ace? Maka Kuya Ace ka eh, hindi naman kayo close.." Hindi s'ya mukhang offended sa sinabi ko dahil tumawa pa siya.

"I'm just asking about him.." Unti-unting gumuhit ang nakakainis na ngisi sa labi niya. "Why do you react like that?"

Inirapan ko s'ya saka ako tumayo. "Kung hindi lang kita pinsan baka kanina pa tulog." Nag walk out ako pero hindi ako lalabas ng restaurant.

Pupunta lang ako ng CR, ang awkward kasi na ang lapit sa 'kin ni Ian. Nadaanan 'ko 'yung table nila pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Walang pila sa comfort room kaya mabilis akong nakalabas agad. Nag liptint na rin ako para hindi ako maputlang tingnan, baka mamaya akalain nilang may sakit ako dahil sa kaputlaan ng labi ko.

"Ay grabe ka!" Tiningnan ko kung may natira pang pizza pero wala na! "Inubos mo 'yon lahat?!" Naupo na lang ako dahil wala na talaga, ubos na.

Nagugutom pa naman ang mga alaga ko charot!

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon