68

871 34 1
                                    

NOTE: There will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your understanding.

・‥...━━━━━━━☆☆━━━━━━━...‥・

ACE'S POV

Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa makarating s'ya sa pwesto ni Kael. My forehead furrowed when I saw how they looked at each other, as if they were talking with their eyes.

Ha?

"Let's go," sabi ni Thana saka n'ya kinuha ang bag ni Kael na nasa lapag, "Gael will get mad at me when we're not with you."

"Teka! Teka!" Pagpigil ni Kael sa akmang pagtalikod ni Thana, "Tungkol lang ba talaga kay Kuya o may iba pang dahilan?"

I saw Thana's sudden change of look, "Yes. Apart from your older brother, there are other reasons so don't ask first because we need to catch up."

Walang pasabing lumabas si Thana at ni hindi man lang ako tiningnan, kagaya nang ginawa n'ya kanina, nilagpasan lang n'ya ulit ako. Sinundan ko ulit ang tingin n'ya hanggang sa makalayo s'ya at mawala sa paningin ko.

"Hoy! Saan kayo pupunta ni Thana!?"

"Anong hahabulin n'yo?"

"May ginagawa ba kayong masama?"

"Saan ang punta n'yo?"

Sari-sari ang mga tanong nila pero nanatili lang akong nakatingin kay Kael dahil baka may sabihin s'ya pero masyado yata akong nag-expect dahil wala akong nalaman nang marinig 'ko ang sagot niya.

"I have no right to tell you the reason but if you really want to know, go and ask her," dire-diretso rin s'yang lumabas at nag lakad papunta kung saan ko huling nakita si Thana.

"Do you have any idea what's going on with those two?" Boses mula sa gilid ko at doon ko nakita si Gray na nakatayo na sa tabi ko. "Their actions have changed in recent days."

Isang beses akong tumango, "May kakaiba."

----

Tahimik kaming pumunta sa parking lot pero nagpahuli ako sa paglalakad. I still can't get over what happened earlier at the clinic, parang nagbago ang pakikitungo sa 'kin ni Thana simula nung nangyari kanina.

Hindi ko naman s'ya masisis, may kasalanan din ako.

"Ace!"

Isang sigaw na nagpabalik sa 'kin sa ulirat, taka ko silang tiningnan at lahat sila nakangiwing nakatingin sa akin.

"Bakit?"

"Lutang ka, pre!" Sagot ni Neo habang nakasandal sa kotse ni Gray, nakakapag taka na hindi pa sila naalis, eh anong oras na. "Uuwi na kami! Don't space out, maybe later that's the cause of your accident." Paalala niya na sinangayunan ng iba.

Hinintay muna namin sila na makaalis bago kami sumakay sa kotse namin, sumenyas ako kay Gray na mauna na s'ya at susunod na lang ako. We have the same path so we always go home together.

Bumusina ako sandali saka ako lumiko papasok sa village, tinanaw ko sandali ang likod ng kotse ni Gray sala ako nagdire-diretso sa pagpasok. Hindi na naman ako tinatanong nung guard dahil alam na naman nilang rito ako nakatira.

Matagal na 'ko rito 'no!

"Daddy!" Amaris greeted me with a hug when I entered the house. "May pasalubong po ba 'ko?"

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabi n'ya kanina. "O-oh sorry, nakalimutan ni Daddy." Pinantayan 'ko ang laki n'ya saka ko s'ya pinagmasdan ng maayos. " I'll take you on a tour next time, okay? Don't get mad at Daddy, I don't like that."

The Only Girl in Section Seven | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon