Thana's POV
Naalipungatan ako ng biglang tumunog ang alarm clock ko. Tsk! Wala namang pasok pero naka set yung oras! Tiningnan ko yung oras at nakita kong ala-singko pa lang ng umaga.
Tsk! Badtrip!
Sunday ngayon at puro practice lang ang ginawa namin ni Ace kahapon dahil malapit na nga yung contest.
Tumayo na lang ako saka ako pumasok sa walking closet para kumuha ng damit saka ako pumasok sa banyo para maligo. Black T-Shirt at black sweatpants lang ang suot ko saka ko lumabas nang kwarto para mang-hiram ng sapatos kay Kuya Thy.
Kumatok ako ng ilang beses. "Kuya! Gising ka na ba?"
"Oo! Bakit?"
Dahan dahan kong pinihit yung doorknob saka ako sumilip sa pinto at nakita ko s'yang naka upo habang may binabasa sa study table n'ya. Pumasok ako saka ako lumapit sa kan'ya.
"I would like to borrow your Jordan shoes." Umupo ako sa table pero malayo sa mga gamit n'ya.
Tiningnan n'ya 'ko sandali saka n'ya binalik ang tingin sa librong binabasa n'ya. Ayan! Business management pa more! Charot!
"Where are you going?"
"Magj-jogging lang ako sa loob ng village." Nililibot ko yung paningin ko baka makita ko yung sapatos na gusto kong hiramin sa kan'ya.
"The shoes you're looking for aren't here, Travis hasn't returned my shoes to me yet." Ay anak ka nang tipaklong!
"Tsk! 'Wag na nga." Umalis na ko sa pagkaka upo sa table n'ya, lalabas na sana ako ng bigla n'ya akong tawagin. "Waeyo?"
[Why?]
"Gamitin mo na kasi yung sapatos mo, 'wag mo ipang display." Nang aasar yung tono ng pananalita n'ya kaya nairapan ko s'ya.
"Alis na nga 'ko!" Tumalikod na agad ako saka ko lumabas ng kwarto n'ya at nag tungo ulit sa kwarto ko.
Tumungo ako sa walking closet ko para kuhain yung sapatos na binigay sa'kin ni Daddy na mataga tagal nang naka display. Sinuot ko muna saka ako ulit lumabas ng kwarto.
Nag iikot ikot ako dito sa village ng madaanan ko yung park na minsan ko nang pinag tambayan kapag wala akong magawa. May dala akong biscuit sa bulsa ko kaya umupo muna ako sa swing para kumain.
Nakain lang ako nang bigla 'kong makita si Ace na mukhang nagj-jogging din. Arte may pa airpods pa, ano ayaw ma-distract?!
Kumain na lang ako kesa problemahin ko pa yung kumag na 'yon. Nalaman ko din nung nag practice kami sa kanila na dito din pala sa village na'to sila nakatira.
"Thana!" Ay sinasabi na nga ba!
Inangat ko yung tingin ko at nakita ko si Ace na nag lalakad na papalapit sa'kin. "Ano?"
Tinanggal n'ya yung airpods n'ya saka s'ya umupo sa katabing swing. "Anong ginagawa mo dito?"
"Nag lalambitin." Narinig ko yung mahinang pag tawa n'ya dahil sa sagot ko.
Nakikita naman n'yang naka upo ako at nakain mag tatanong pa s'ya.
"Napaka pilosopo mo naman."
Bored ko s'yang tiningnan kaya natawa na naman s'ya. "Tawa ka ng tawa, mukha ba 'kong clown?!"
"How cute.." Mahinang sabi n'ya pero narinig ko pa din.
"Tsk! D'yan ka na nga!" Tumayo na 'ko saka ko s'ya iniwan don.
Saulo ko namang 'tong buong village kaya hindi ako maliligaw. Sa village narin na 'to nakatira sila Zy, gusto ko s'yang puntahan ngayon pero baka tulog pa yung kupal na 'yon.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section Seven | Completed
Teen FictionDate Started: 08/01/21 Date Ended: 05/12/22 ☆☆ Caught in an emotional whirlwind, she stands at a crossroads between the person who hurt her and those who have filled her life with happiness once more. Will she succumb to the familiar shadows of pa...