.............
After 3 days mula ng magising muli ni Chaeyoung sa pagkacomatose,ay pinayagan na rin sila ng Doctor na umuwe. Agad na inasikaso ng mga Magulang ni Chaeyoung ang releasing papers nito sa Hospital. Ngayon araw ang discharged nila. Agad na inasikaso ni Lisa ang mga gamit ni Chaeyoung. Gayon din si Jennie. Sya ang nagaassists sa kasintahan.Maya maya pa ay inilabas na ang mga gamit niya at dinala na sa Kotse. Nauna na si Lisa at mga Magulang ni Chaeyoung at kasunod ang magkasintahan. Kinausap lang sila ng Doctor para sa sa mga iinuming gamot nito.
. Ms. Park..Please don't forget to take your medicine, at wag mo rin kalimutan palitan ng bandage ang sugat mo sa likod ah.? Mejo nawawala na ang pamamaga pero need mo pa rin ingatan ok? (payo ng Doctor sa kanila.)
.. 'Yes, Doc.. Makakaasa po kayo.. Salamat po ng marami..
. Walang anuman. Basta kung may naramdaman kang pananakit ng likod mo ay inuman mo na agad ng pain reliever at lagyan ng ointment na nireseta ko sayo..Wag mong hintayin na dumugo dahil bka magkakomplikasyon pa..
..' Yes.. Doc.. Salamat ulit..
. So paano,? maiwan ko na kayo. Magpagaling ka Ms. Park.
At iniwan na sila ng Doctor.. Inilalayan ni Jennie ang kasintahan palabas ng Room. Agad naman dumating si Lisa at tumulong din sa pagakay kay Chaeyoung.
..' Ano ba kayo..? Kaya ko naman na maglakad eh..
.. "Ay nako Hubby! Di mo narinig sinabi ng Doctor mo kanina? Kailangan mo ingatan na wag dumugo ang sugat mo ok. Kaya wag matigas ang ulo mo.. (wika ni Jennie sa kasintahan .)
.'Oo nga Chaeng, makinig ka sa Doctor mo.. Lalo na kay Jennie.. Wag ka ng magreklamo dyan. (hirit naman ni Lisa)
..' Oo na.. May magagawa pa ba ko? Pinagtulungan nyo na ko. Hahaha..
Nang makasakay na sa sasakyan ay agad na rin silang umalis para makauwe. Ang hindi nila alam ay may isang tao palang lihim na nagmamatyag sa kanila sa di kalayuan.. Si KAI.. Lihim nyang inisstalk ang mga galaw at mga ganap kila Chaeyoung at Jennie.. At ngayon nga, na nakalabas na ito ng Hospital, ay lalong tumindi ang galit na nararamdaman nya para sa dalawa.. Hindi nya lubos akalain na nagagawa pa nitong maging masaya, gayong muntik muntikan ng mawala si Chaeyoung..
. Nakalabas ka na pala ng Hospital Park Chaeyoung? .. Tshh..! Biruin mo nga naman napakaswerte mo pa rin tlaga.! (singhal na wika ni Kai sa sarili nya..)
********'
Nakarating na sila Jennie at Chaeyoung sa mansyon. Agad na sinalubong sila ng mga Katulong at kinuha ang mga gamit na dala nila. Sila Daddy at Mommy Parks ay umalalay din kay Chaeyoung sa pag labas nito ng sasakyan katuwang si Lisa. Si Jennie ay nakasunod lamang sa kanila. Nang makarating sa loob ng bahay ay naupo sila sa Sofa. Agad na nagpahanda ng pagkain si Mommy Park para sa kanila. Umupo si Chaeyoung sa sofa katabi si Lisa at Daddy nya. Si Jennie ay pumunta sa kwarto ni Chaeyoung upang ayusin ang mga dala nilang gamit.. Sa Park Mansion na nagsstay si Jennie kapag wala ang Mommy at Daddy nya. At isa pa. Gusto rin ng parents ni Chaeyoung na magkasama ang magkasintahan lalot palapit na ng palapit ang kabuwanan ni Jennie. 5 buwan na ang tyan nya kaya medyo hirap na syang magkikilos masyado. Need nya na ingatan ang sarili nya lalot lumalaki na ang tyan nya..
Maya maya pa ay nag-aya na si Mommy Park na kumain sila at inalalayan ni Lisa at Daddy Park si Chaeyoung papunta sa Dining area. Pinatawag ni Chaeyoung ang nobya na nasa kwarto ng oras na yon. Agad din na bumaba si Jennie at tumabi kay Chaeyoung..

BINABASA MO ANG
EVERYTHING ABOUT YOU (COMPLETED)
FanfictionCHAENNIE LOVE STORY ❤️👌TAGALOG /TAGLISH STORY 💕 Hello co Chaennie Warriors or kahit hindi Chaennie Shippers hoping magustuhan nyo ang story ko, its my First time na magsulat ng story, di dahil sa bored ako (well isa na un 😂?) Pero dahil sa pagmam...