......
........
TIME SKIP.....
THE WEDDING DAY and BABY ELLA's CHRISTENING❤️
Ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Kasal nina Chaeyoung at Jennie.. Halos inabot din ng kulang isang taon ang paghahanda ng kanilang kasal dahil nagkataon na nabuntis si Jennie at kinailangan nyang unahin ang kapakanan ng kanilang baby ni Chaeyoung. At matapos nga ng halos isang taong paghahanda ay sa wakas eto na ang pinakahihintay nilang tagpo. Ang kanilang pagiisang dibdib. Umabot ng lagpas kulang Dalawang taon ang naging relasyon nila Jennie at Chaeyoung. At sa dalwang taon ng kanilang pagsasama ay hindi naging madali sa kanila ang mga pinagdaanan nila. Unang una na ang panghuhusga sa relasyon na meron sila at sa pagkicritisize sa katauhan ni Chaeyoung bilang isang intersexual. Dumaan sila sa maraming pagsubok para tuluyan lang na matanggap ang relasyon na pinili nila. Isama pa doon ang pangyayaring muntik ng mapaghiwalay sa dalawa. Ang pagtatangka sa buhay ni Chaeyoung na muntik na nitong ikasawi. Ang panggugulo sa kanila ni Kai at pagtatangka nito ng masama sa kanilang pagsasama at sa pagtatangka din nito ng masama kay Jennie. Sa loob kulang dalawang taon ay marami na silang nalagpasan , lalo ang kanilang relasyon. Whirlwind romance man para sa iba ang kanilang relasyon, masasabi nilang sa dami ng pagsubok na kanilang nalagpasan ay tingin ng dalwa, ay wala ng kahit anong problema ang kanilang hindi malulutas lalot magkasama sila. Doon nila napatunayan ang kanilang pagmamahalan. Walang perpektong relasyon, pero ipinapangako nila na hanggang may pagmamahal sa puso nila ay patuloy lamang nilang iintindihin ang bawat isa.
Sa Araw ng kanilang kasal ay naging simple lang ang kanilang motive. Gusto kasi ni Jennie na tanging malalapit na kaibigan, kakilala at kapamilya lamang ang naroon, Gusto nyang kung sino ang mga taong sumuporta sa kanila mula simula at naging saksi ng pagmamahalan nila ay yon din ang maging witness sa kanilang kasal. Present ang kani kanilang Magulang, si Mommy at Daddy Kim, Mommy and Daddy Parks. Ang mga staff ng KGE at Parks Enterprises. Present din ang secretary ni Jennie na si Maya at maging ang dating kaibigan ni Kai na si Xiumin. Hindi rin mawawala sa kasal ang malpit nilang kaibigan na sina Jisoo at Lisa.. Garden Civil Wedding lang ang kasal pero engrande pa rin..
Dumating na si Chaeyoung mismo sa kanilang kasal.nakasuot ito ng White Tuxedo at parneran pa ng black vest.. Sobrang cool at ang lakas ng dating ni Chaeyoung sa kanyang suot. Si Jennie ang pumili ng Coat nya, dahil halos lahat ng gusto ni Jennie sa kanilang kasal ay sinunod ni Chaeyoung. Gusto nya kasing kung ano ang gusto ng kanyang Fiancée at kung saan ito comfortable ay doon sya. In short kay Jennie nya pinagkatiwala ang lahat.
.'Naks! Ang Angas ng pormahan natin Chongga ah?! (masayang wika ni Lisa kay Chaeyoung ng makita nito ang Wedding attire ng kaibigan)
..' Hahah!. Ayos ba Lis?..
. 'Oo naman.. Ang cool mo dyan!..
..'Talaga ba?. Hahah.. Si Jennie ang pumili nito para sa akin eh..
.' Wow ha.. Maganda tlaga ang taste ni Jennie sa pagpili ng mga Attire ah..
.'So ibig bang sabihin noon? Swak din ang taste niya sa pagpili sa akin? Hahahahaha!.. (Biro ni Chaeyoung sa kaibigan)
.' Oo naman.. Swak na swak.. Hahah. Syempre mamaya maya lamang ay legal na asawa mo na ang nagiisang anak ng CEO ng KGE.
.. 'Kinakabahan ako Lisa..
.' Hahah.. Chill lang ok.. Relax lang..
.. 'Ganito pala ang feeling ng ikakasal?.natetense tlaga ko..
.' Haha.. Ngayon ka pa tlaga natense no haha. Chill lang, dahil after ng Wedding nyo ay Baptismal naman ni Baby E.
Habang hinihintay nila ang pagdating ni Jennie ay dumating ang Dalawang Personal Yaya ng kanilang anak ni Jennie, at buhat nito si Baby Ella. Nakabihis din si Baby E.. Nakamini dress ito at kitang kita ang kacutan. Agad na kinuha ni Chaeyoung ang anak mula sa mga Personal Yaya nito . Masaya syang buhat ang anak.
BINABASA MO ANG
EVERYTHING ABOUT YOU (COMPLETED)
FanfictionCHAENNIE LOVE STORY ❤️👌TAGALOG /TAGLISH STORY 💕 Hello co Chaennie Warriors or kahit hindi Chaennie Shippers hoping magustuhan nyo ang story ko, its my First time na magsulat ng story, di dahil sa bored ako (well isa na un 😂?) Pero dahil sa pagmam...