🐾XL. Better 🐾

63 1 0
                                    

Thindrel Howzit Hawthorne

Pagdating namin sa Pack castle ay naroon na silang lahat sa sala. Hindi mapakali si Claudette as she walk back and forth from corner to corner.

Ng makita kami ay kaagad siyang napanatag at ngumiti. She smile at me at kaagad na lumapit kay Ilaria para yumakap. She also kissed Amara and Freya's forehead before turning to me.

"Welcome home. Mabuti ay nakarating kayo. Hindi pa tapos manganak si Delaney", aniya sa akin.

Dwayne walk towards her at hinaplos ang kanyang beywang.

"Just sit, love. They're here and they're safe. Please!", pagsusumamo ni Dwayne sa asawa dahil mukhang kanina pa ito binabagabag dahil hindi pa kami nakarating.

Tumawa si Ilaria. "Just sit down, cousin. Hindi naman siguro kami ipapahamak ni Thindrel sa daan", aniya at natatawa pa.

She's still holding Freya in her arms habang papaupo. Gusto kong kunin kaso ayaw niyang ibigay. Freya isn't that small anymore. Alam kong mabigat iyon.

Si Amara naman ay nasa kay Dwayne na. Nakakandong ito sa pinsan habang nakatingin sa kay Claudette.

Huminga ng malalim si Claudette. "I know. I'm just worried about Delaney inside. Kanina pa sila doon", sabi nito sa amin.

"She'll be fine, love. Bryce is with her", hinalikan ni Dwayne ang pisngi ng asawa.

Doon pa ito kumalma. Tumayo ako galing sa pagkaupo.

"I'll go and check them", sabi ko.

Tumango si Dwayne sa akin na para bang pinapahiwatig niya na dapat iyon. Kung hindi lang dahil sa asawa niya ay siya na mismo ang pupunta doon para tingnan kung maayos pa ba ang dalawa sa loob.

Hindi ako pinapasok ng pack doctors nila Dwayne. But I can still see Bryce and his wife inside. Hindi nga lang masyadong klaro dahil blur iyong glass kung nasaan ako.

After a minute, I heard the voice of the baby crying. Napangiti ako at halos mapatalon pa. Tears pooled in my eyes. Masaya para sa pinsan.

I run back towards the living room para ibalita sa kanila.

"Delaney delivered the baby safely", balita ko.

Natutop ni Claudette ang kanyang labi at naiiyak. Niyakap naman siya ni Ilaria na natatawa. Si Amara naman ay patalon-talon habang hawak si Freya na walang ideya sa nangyari.

I carried Freya habang nakahawak naman sa kamay ni Dwayne si Amara ay si Ilaria at Claudette ay nauna na sa amin.

When we reach the room kung saan naroon sila Bryce ay Delaney ay nakangiti kaming lahat.

"Congratulations, Beta Bryce!", iyon ang palaging narinig namin sa buong silid.

We congratulate Bryce and hug him. Hindi pa namin pwedeng makita si Delaney at ang baby dahil inasikaso pa ito. Maya-maya ay papasok na kami sa silid.

"Finally, the future Beta of the MoonblazingFire Pack is born", natatawang sabi ko. "Claudette, iyong future Alpha?".

Ngumuso si Claudette. "Susunod na", aniya sabay hawak sa tiyan niyang hindi pa kalakihan.

Niyakap naman siya ni Dwayne at pareho silang ngumisi sa akin.

"How about the future King of Moldova, Thindrel. Kailan?", ani Bryce sabay sipat kay Ilaria na namumula.

"Soon. Huwag masyadong excited di pa ako naka galaw e", tumawa ako at bumaling sa kay Ilaria na halos sasabog na sa sobrang pula ng pisngi.

"Ayon naman pala. So Ilaria, sagutin mo na", pangungulit ni Claudette.

"Hmm! Parang ako nga ang nanliligaw diyan e", aniya at umismid sa akin na parang hindi namumula sa kilig at hiya kanina. "Diba? Kailan mo ako sasagutin, Thindrel?", she asked playfully.

Ngumuso ako at inabot ang kanyang kamay. "Soon, baby", pabulong na sabi ko but I know everyone in this room heard it.

Halos manginsay sa kilig ang dalawang bata at natatawa naman sila Dwayne at Bryce. Si Claudette ay ngumisi lang sa kay Ilaria.

After an hour pinayagan na kaming pumasok. Nasa bisig ko si Freya at sa kay Dwayne naman si Amara. Masyadong excited ang dalawa na gusto na nilang kargahin ang bata.

"Not yet. Tsaka na pag malaki na si baby ha?", I said to Freya at kaagad naman itong tumango.

Amara is just too aggressive pero ayon pa rin at hindi pinayagan ni Dwayne pero kalaunan ay natahimik naman.

Malaki ang ngiti ni Bryce habang nakaharap sa anak. Delaney is sitting on the bed while leaning on the headboards.

Karga niya ang anak niya at silang dalawa ni Bryce ang nakadungaw doon.

"What's his name, Ate Delaney?", Amara asked shamelessly.

Natawa ako.

Ngumiti si Delaney. "Granger, Amara", aniya.

Tumango si Bryce at hindi talaga mawaksi ang ngiti sa kanyang labi. "Granger McMillan Grahams", he said the full name.

Hanggang sa nag-gabi ay naroon pa rin kami. Dito na nga kami nag tanghalian at hanggang hapunan para masabayan ang dalawa dahil hindi pwedeng maiwan si Delaney.

Hindi naging madali ang kanyang pagkapanganak lalo na't nakunan siya noon dahil sa gulo dito sa kanilang pack. The hunters who are after the Original family caused chaos here.

Thankfully, Claudette and Dwayne end up together dahil hindi talaga namin maatim na may isa sa amin na mabubuhay sa lungkot. That's why I understand them when they almost throw me to Ilaria and did all the moves for me para maging kami talaga.

I appreciate it. Really. Dahil wala ako sa sarili ko noon. I was too occupied with the memories of me killing my beloved and being such a reckless King. There was a storm within me that's so hard to tame but the moment Ilaria stepped in, the fury vanished. Para siyang banayad na hangin na nagpapakalma ng bagyo sa loob ko.

Ang nagkalukot-lukot kong isip ay inayos niya. She made my confused inside at peace. That's what I like about her. Being so understanding and so kind.

Napatingin ako sa kanya habang panay naman ang pakikipaglaro niya sa bata kasama si Claudette at Delaney.

Habang kaming mga lalaki ay nasa hapag lang. The kids are already upstairs dahil tulog na si Freya pagkatapos ng hapunan kaya sinamahan ni Amara which I'm sure tulog na rin.

"Titig na titig ah!", pang-aasar ni Bryce sa akin.

I just laugh.

"You deserve her, Thindrel. I know you. You're my cousin. You wouldn't done it if isn't the right choice. Every decision we made may have consequences that we don't like pero alam mo sa sarili mo tama iyon", si Dwayne.

"We can't lose ourselves kn the process of loving someone. Dahil kung tunay na pagmamahal iyon. There's nothing to lose but everything to gain", sabay tango naman ni Bryce.

"I just want myself to fully heal before I claim her. Because she deserves the best. And for now, I'm still not. I need to fix myself first to deserve her. Dahil alam ko. Si Ilaria ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko", I said and agreed with my cousin.

"Mahal ka niyan panigurado. Even after knowing your past and she still stays. Mahal ka niyan", ani naman ni Dwayne sabay baling sa mga babae when we heard a loud laughter from them.

"Love, you should sleep now", sabi ni Dwayne sa asawa.

Tumango si Claudette at nagpaalam sa kay Delaney at sa bata. She kissed Ilaria's cheek before standing up at lumapit sa kay Dwayne.

"Mauna na kami", sabi ni Dwayne sa amin as he snake his arms around Claudette's waist. "Bro, your room is already prepared upstairs. Sorry isang room lang pinahanda ko for the two of you", sabay turo niya pa sa akin at sa kay Ilaria.

Hilarious! Alam kong sinadya nilang mag-asawa iyon dahil panay ang tawa ni Claudette.

"Let's go?", sabi ko kay Ilaria at nagpaalam na sa kay Bryce at Delaney.

HOWLINGS AND SHADOWS (Thindrel Howzit Hawthorne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon