🐾XIII. Disappointment🐾

96 1 0
                                    

Thindrel Howzit Hawthorne

I don't know what's wrong with her. I mean what I said. I want to date her. But I was just kidding and I want to see her reaction. Hindi ko naman inakala na ganoon pala talaga siya sa seryoso na pumayag na makipagdate sa akin.

Really? The toughest girl in school is willing to have a date with me? Exciting.

Ng makitang pauwi na siya ay hinarap ko ang babae sa receptionist.

"If she comes back some other time. Let her", sabi ko sa kanya at mabilis na tumalikod.

Hindi ako masyadong nakatulog sa gabing iyon. I'm thinking what would be our date will look like. Maybe, like what I'm into. Sex. That's the first thing that comes in my mind.

Looking back how she kissed me yesterday. She's thirsty for more and I'll give it to her.

I went to school early that day. Doon pa rin ako sa usual parking spot ko. I saw her car parked properly.

Napangisi ako. She learned her lesson.  Matagal pa bago ako lumabas at tiningnan pa kung nasa loob ba siya ng kanyang sasakyan.

Ng makompirma na wala ay tsaka pa ako lumabas. I went to my first class.

Iyong pagkamatay pa rin ng babae ang pinag-uusapan nila. Baliwala lang iyon sa akin dahil sanay naman ako na may namamatay.

Some moved on. Some didn't. Maraming absent, lalo na iyong mga kaibigan nito. Excuse naman sila sa klase dahil para sa kanila ay masakit ang mamatayan.

But for me? Nope. I grow up in the world where deaths and killings are normal. Hindi na bago iyon sa akin. Lalo na hindi ko naman kaano-ano iyong babae. I enjoyed her before she died. Iyon lang.

As usual, the class is so boring. Hindi naman sa nagmamalaki but I already know what they are teaching here. Ewan ko ko ba kasi sa ama ko kung bakit niya ako pinasok sa paaralan gayong kahit ang prof ay kaya kong turuan.

Last class, papalabas na ako sa ng mahagip ko ng tingin si Miss Vozenilek na nagpapaalam sa kanyang mga kaibigan.

Kumunot ang noo ko at napagtanto na may kakaiba sa kanya ngayon.

In her usual days. She'll wear dark clothes. Black shorts and tube top and leather jacket. Tsaka makapal at dark din ang make up niya.

This time. She's wearing a white angelic dress at manipis lang ang make-up. Her hair is neatly fixed, very much different how she usually look.

Umiling ako at mas lalong napakunot ang noo.

She's my beloved but I don't feel like it. I'm expecting one of the Original family is my beloved. But to my disappointment, it's a human. Mahihirapan yata ako.

What if she doesn't like vampires? She'll put my life and our kind in danger if she'll know what I truly am.

Mabilis akong pumunta sa sasakyan ko para sana umuwi at hindi na isipin ang date na napagkasunduan. Kaya lang ay bago pa ako makapasok sa aking tesla ay may tumawag na sa akin.

"Mister Hawthorne!", sigaw nito at sa boses pa lang ay kilala ko na.

Pinagtitinginan siya ng ibang estudyante dahil sa pagtawag sa akin.

Girls were rolling their eyes on her. Sa dami ba naman ng babaeng gustong mapalapit sa akin ay alam ko na. They are jealous of her for casually calling me. Especially that she's the Mayor's daughter. Walang papalag doon.

Nilingon ko siya at malaki ang ngiti niya. She looks happy and her aura is light. Kapanipanibago.

"Hi, um, you know. Are we going out right now?", she asked

Oh! Right. The date. Balak ko sanang takasan kaya lang nakita ako.

"Yeah. Well, let's go?", I asked her.

Napatingin siya sa kanyang sasakyan na nasa tabi lang ng akin.

"Can we go to your place first so I can leave my car there and we'll use yours?", she asked.

"Very well", sang-ayon ko naman sa kanya.

We indeed went to my place so she can leave her car. Ng pumasok naman siya sa sasakyan ko ay kaagad siyang lumingon sa akin.

"Let's go to the the pub. Or you have other place in mind?", she asked.

Is she that excited? Pub? Iinom talaga kami?

"You suggest. I'm not familiar here", sabi ko at ngumiti. I should reflect how jolly she is. Baka naman masabi niyang sobrang boring kong kasama.

She giggled. "Pwede namang bili nalang tayo ng drinks and we'll road trip", aniya.

Well, that sounds fun. I give her a go sign.

Siya na ang bumaba para bumili ng maiinom namin. Pagkatapos ay bumalik siya sa sasakyan dala ang mga iyon.

"Where do you want to go?", I asked.

She shrug. "Ikaw na bahala. Kahit saan. I just want to drink and unwind", aniya.

Wala namang pasok bukas dahil may meeting daw ang whole faculty so walang problema iyon.

I drive the car as fast as I can. Hindi siya nagreklamo. Instead, she just screamed in joy. Inalis ko ang roof ng sasakyan kaya mas lalo siyang sumigaw.

Malayo na kami sa Sighisoara town ngayon. Maybe, this is still a part of the town pero malayo na kami sa sentro.

Lumampas kami sa tulay na may karatulang nakasulat na 'Welcome to Sighisoara'. Doon ko napagtanto na nakalabas na kami.

"Let's stop here", sabi ko at tinigil ang sasakyan sa tabi ng daan.

Walang masyadong sasakyan na dumadaan dito kaya pwede kaming manatili dito.

Mabilis niyang binuksan ang bote at uminom. Kumuha din ako para sa sarili ko at uminom. This drinks doesn't make us drunk. Hindi kami malalasing kahit gaano katapang ang alak. We have different kind of tolerance than humans.

"WHOOOOO!!!", she shouted. "FUCK YOU, DAD!", sigaw niyang muli.

Napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko.

"YOU'RE SO UNFAIR", aniya at lumabas ng sasakyan ko.

I just stare at her. Kakaiba na naman. She looks angelic but her actions and words says otherwise.

Kapag nauubos na niya ang laman ay tinatapon niya ito sa daan kaya puro pagkabasag ng bote ang tanging naririnig ko at ang sigaw niya.

HOWLINGS AND SHADOWS (Thindrel Howzit Hawthorne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon