🐾XXXII. Home🐾

78 1 0
                                    

Ilaria Lorenzittee

Hindi matanggal sa aking dibdib ang excitement ng malaman na pupunta kami sa lugar nila Claudette. How I badly want to leave home and have a vacation somewhere.

Palagi nalang akong nasa bahay at hindi makalabas. Kung makalabas man ay iikot lang sa gitna ng kagubatan at hindi lalagpas sa gate. I was sheltered for seventeen years and  I have no idea what's on the outside world.

"Father, please. Let me stay with Claudette", sabi ko sa ama.

Noong una ay hindi siya pumayag. 'Cause base on his experience, he went through a lot. Pero kalaunan ay napapayag ko naman ito kaya ilang araw pa bago ang selebrasyon sa Pack house nila Claudette ay nakaempaki na ako.

Pagdating naman namin doon sa pack house ay hindi ko maiwasang huwag mamangha sa nakikita. Finally, the outside world.

Tyr walk beside me. I snaked my arms around his at sabay kaming pumasok sa malaking building. Malayo ang desinyo nito sa amin. Moderno ito gaya ng nakikita ko sa litrato noon.

Pagkapasok namin ay napahiwalay ako sa pinsan dahil sa bilis ng kanilang lakad. I'm still amazed by the beauty of everyone I saw. Kumakaway ako sa bawat isang bumabati sa akin.

Nakangiti.

Ng makarinig ako ng sigaw ng isang bata ay at napalingon ako sa malayong kanang bahagi at nakita ko ang isang bata na nagtatalon habang nakahawak sa isang matangkad at guwapong lalaki. I smile at him ngunit hindi ito ngumiti pabalik. Snob naman. Nakakahiya.

Sumunod ako sa mga pinsan ko ngunit hindi talaga mawala ang paningin ko sa lalaking nakita. Is that his daughters? Pero Kuya ang tawag sa kanya. Siguro ay mga kapatid niya ito.

Ng makaupo na sa mesa para sa hapunan ay magkatapat kami ng batang babae na hawak niya kanina. Napapagitnaan siya ng dalawang bata kaya malapit pa rin kami.

Hindi ko malaman ang kung anong naramdaman ko. I feel excited and happy at the same time. May kung anu-anong nabubuhay sa dibdib ko. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanya.

He's so caring. Kumakain siya habang pinapakain din ang dalawang pinsan. Wala sa sarili ay tinulongan ko si Amara para abutin ang pagkain at maglagay sa pinggan niya. She's so talkative and I like talking to her. Magkakasundo kami dahil palasalita din ako.

After the dinner, I badly want to speak with Thindrel alone but Tyr pull me to go with them to congratulate Claudette and her husband.

Kahit na nasa gitna ng maraming tao ay pilit na hinanap ng mga mata ko si Thindrel. Sinilip ko pa ang pwesto niya kanina sa mesa ngunit wala na siya doon.

I pouted. Where is he? May kasama kayang ibang babae?

"You're so gorgeous, Ilaria. Baka ikaw paglihian ko nito", biro ni Claudette.

I laugh with her. Nahagip ng mga mata ko si Thindrel na nakasandal sa may mesa habang sumisimsim sa wine niya. I step back to excuse from the crowd dahil gusto ko siyang lapitan. But one girl walk towards him at may sinabi ito tsaka ngumiti.

Nalukot ang mukha ko dahil sa inis. Don't talk to her, please.

Mabuti naman ay tinawag siya ni Dwayne. Nakatitig lang ako sa kanya. I heard him say his excuse to the girl at klaro ko ang pagka dismaya sa mga mata nito. I smile at Thindrel when he walks towards us.

Halatang tinutukso siya ng pinsan ko at ng asawa nito. Nakangiti lang ako at pilit na huwag ipahalata na gusto ko ang nangyari. He's so shy and wanta to dismiss himself but Dwayne is so persistent kaya hindi siya makaalis.

"You want to have a vacation, right?", si Dwayne while Thindrel is distracted.

"Oo, but I'm not used to live with werewolves. I want to know them but I'm a little bit scared", sabi ko.

Dwayne nodded at me at ngumiti. "Don't worry. You can live in Moldova. Doon sa kanila Thindrel. Diba?", siniko niya ang pinsan ngunit hindi nuto narinig. "Right, Thinrel?", sabi niya ulit.

"What?".

"I said can Ilaria stay in Moldova? I bet she's not comfortable living with werewolves since she's sheltered at their own home", si Dwayne.

Umiling si Thindrel. "I don't.....", he stop and look at me.

Nawala ang ngiti sa labi ko. I'll probably go home with my parents or force to live here. Nakakadismaya.

I feel like my heart is stab with knives. Masakit. Parang gusto ko nalang maiyak. Hindi naman sa hindi ko gusto dito but I just hope that Thindrel might consider to let me live in their home.

"Okay. You can stay in Moldova. I'll call right now to prepare a room for you", sabi niya kaya nabuhayan ako ng loob.

"T-Talaga? H-Huwag na baka nakakaalaba lang. Nakakahiya", kahit na gustong-gusto ko ang sinabi niya ay nahihiya pa rin ako.

Umiling siya. "You'll stay there. I can't let you live and visit our places uncomfortably".

"Thank you, Thindrel", I gave me a wide and genuine smile.

Pumalakpak pa ang pinsan ko. "Bibisita lang kami doon o bibisita kayo dito. Ganoon lang".

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi buong gabi. Our parents are out at ang tanging natira ay kaming mga nakakabata at ang bisita nila Dwayne.

We party all night at tinikman ko halos lahat ng inumin na hindi ko natikman noon. Tyr tried to stop me but Alastair told him to let me. Babantayan lang daw nila ako.

Oh! How I love my caring cousins. Sa gilid ko ay nakita kong nakaupo lang si Thindrel sa bandang malayo. Why is he always to kill joy?

Nasa bandang madilin siya. Tears pooled in my eyes when I saw him talking with the same girl that tried to have a conversation with him earlier.

Nagtawanan silang dalawa kaya napalunok ako. I saw him move his head towards us. At ng makitang nakatitig ako sa kanya ay bahagya siyang umatras. His smile faded and tried to dismiss the girl pero nagsasalita pa rin ito.

Pabagsak akong naupo sa upuan ko at sinandal ang ulo sa dibdib ni Tyr. A drip of tear escape my eyes. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako pero nasasaktan ako. Matindi ang sakit na naramdaman ko sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan.

Tyr hugged me. "Look at you. You're so drunk", aniya. "I'll call Uncle Nathaniel to bring you to your room", aniya.

Tumango lang ako at wala ng pakialam.


HOWLINGS AND SHADOWS (Thindrel Howzit Hawthorne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon