Athena's POV
okay, i feel so lonely here. Buti nalang at nandito si rei, nako kung hindi. Feeling ko napagiiwanan na ako ng lahat.
"Seriously? Pft!"
"Yeah, seriously pft!"
i told you, silang dalawa lang ni zharm ang nagkakaintindihan. ewan ko pero parang nagseselos ako.. hindi kay Ryan ah! Kundi kay Zharm, kasi inaagaw ni ryan sakin si zharm. Wala akong kausap, tulog na kaya 'tong batang binabantayan ko. Bumuntong hininga nalang ako at nakinig nalang ng music.
Inakyat ko nalang si rei, di naman sya medyo mabigat kaya kayang kaya ko syang buhatin. Di na rin nila ako inintindi dahil busy silang dalawa sa pagkukuwentuhan ng kung ano ano dun. Mas mabuti pang matulog na lang din ako.
- - -
Zharm's POV
napatingin kaming dalawa ni Ryan kay athena na kakaakyat lang sa kwarto nya. Shet, buti nalang, pilit lang kaya yung tawa namin! Sabi ni ryan yun daw gawin namin eh, secret lang daw kasi yung sasabihin nya sakin. ewan ko dyan kung ano.
tumingin ako sakanya, "Oh, wala na sya. Ano na yung sasabihin mo? Grabe sumakit tyan ko dun ah!"
"Sorry! Kailangan ko kasi ng tulong mo."
napakunot noo ko, "Anong tulong kailangan mo?"
ngumiti sya, uh-oh. Anong meaning nun? Pag yan talaga puro kalokohan lang! Nakuu!
"Gusto ko kasing ano, uhm. Ligawan si.. Basta! Gusto ko manligaw ng babae! Di ko alam kung paano ko sisimulan, kung ano yung gagawin ko! Basta! Di ko alam! Pwede patulong?"
"Ba't sakin? Pwede naman sa mga katropa mo ah?"
"Please?"
"Oo na, tsk. Pero wait, don't tell me si Athena liligawan mo?!"
"Yes! Thank you Zharm! Sige bukas na natin pagusapan yan! Basta pumayag ka ah? Wala ng bawian yun! Bye!"
"Hoy wait teka lang!"
bigla naman syang nawala agad na parang bula, sino namang liligawan nun? Saka, mukhang si athena nga talaga liligawan niya, bakit ayaw niya akong sagutin kanina diba? Hay nako. Mahal naman pala, hindi pa umamin dati. Pinatagal pa't sinaktan.
Makatulog na nga! Inaantok na ako eh!
- -
"Ano nga kasi yun? Sabihin mo na please?"
bumuntong hininga ako, yung malalim na malalim. Pangilang tanong na nya ba yan? Ah di ko mabilang sa sobrang dami! Tinatanong nya lang naman kung ano yung pinagusapan namin ni ryan, sabi ko secret lang namin tas ayan, tanong ng tanong.
"Eh, ano nga zharm? Please. Sabihin mo na sakin. Love mo naman ako diba?"
"Tatapyasin ko yang nguso mo, sinabi ng secret eh. S-E-C-R-E-T. okay?"
bigla naman syang yumuko, oh. Ano nanamang gagawin nito? Nung una, kumuha yan ng kutsilyo. Tas nung sunod, tumuntong sya sa bintana, tas ngayon naman yuyuko sya. Tas ano? Iiyak—
ESTÁS LEYENDO
The Nerd's Revenge ❘ ✔
RomanceShe's a nerd who turned out into a beautiful lady, with a revenge. { credits to @black-gray for the cover before } reminder; excuse all of my grammatical errors i didn't had a chance to edit this since i made this story in my grade school, due to my...