09

4.8K 125 6
                                    


- - -

Ryan's POV

"Prince! Prince! Prince!" 

tinakluban ko nalang ng kumot 'yung mukha ko para di ko marining 'yung ingay sa labas, inaantok pa ako eh. Kahit anong oras naman ako pwedeng pumasok sa school, dad ko naman may-ari nun.

"Ryan! Hoy siraulo ka! Buksan mo nga 'tong pintuan ng kwarto mo! Kanina ka pa tinatawag ng utusan mo oy! Anong oras na!" 


Whatever, bahala kayo dyan. Kahit ilang beses nyo pang sirain 'yung mga gamit ko dito, madali lang naman yan palitan eh. Ipapahanap mo lang, tapos bibilhin mo na, oh diba madali. 


"HOY RYAN! SI CARL TOH! PAG DI MO PA TOH BINUKSAN LILIGAWAN KO SI ATHENA!" napabangon ako bigla bigla, pinagbuksan ko sya ng pintuan at nakita kong bihis na ng pang-school uniform 'yung mga kaibigan ko, well, kailangan pa rin naka uniform kahit college sa school namin eh. 

"BA'T NAMAN NADAMAY YUNG BABAENG YUN DITO HA?!" sigaw ko kay carl, bigla naman silang lahat nagtawanan, p*tcha! Pinagtitripan ata nila ako eh! 


Tinapik ni Carl yung balikat ko, "Wag kang magalala bro, di ko yun liligawan. Dahil kami na." sinamaan ko sya ng tingin. 


"Joke lang! Toh naman! Ayaw mo pa kasing gumising eh! Papasok pa tayo noh! Para makita mo na 'yung mylabs mo! Hahahaha! Hintay ka namin sa labas!" 


"Mga Gago!" 


tawanan pa rin sila ng tawanan, nako! ba't ba kasi ako nagpapaapekto sa babaeng 'yun hanggang ngayon? ay hindi pala, dahil simula palang naapektuhan na ako dahil dun, kung di lang dahil sa maarte kong tatay. tsk. Balang araw! Balang araw talaga! 

"HOY RYAN! PAG DI KA PA KUMILOS DYAN! TOTOTOHANIN KO NA YUNG SINABI KO KANINA!" 

dali dali akong pumasok sa banyo, at sila naman ayun, tawanan naman ng tawanan. 

- -

 "okay na ba? nagets na ba ng lahat ang project? Kailangan nyo 'yun masubmit ASAP basta ngayong month. Naiintindihan?" 

tumango naman silang lahat, nakakatamad talaga gumawa ng project kahit madali. Mag-pipicture lang naman kami ng nature, oo mga flowers, etc. Basta yun! Pupunuin mo ng ganung mga pictures 'yung album na ibibigay saamin. Kailangan daw maganda makukuha, dapat daw more than 200 or 300. Mayayaman naman daw kami kaya hindi na maabala ang ink. 

bahala na sila dyan, basta ako kapag bored lang ako gagawin ko 'yan. Napatingin naman ako sa likuran ko, Si penelope. Nagsusulat sya sa notebook, dati pa 'yan sulat ng sulat. Ewan ko nga dyan kung ano sinusulat eh.


"Hoy." hindi naman sya tumingin.   "Athena." 

this time, tumingin naman ng nakataas ang kilay. "Ano 'yang sinusulat mo?" 

"Dinedescribe ko 'yung mga crush ko. Tapos may picture na rin nila, ba't mo pala natanong?" 

"Ah wala lang, andami mo namang crush! Ang landi mo rin pala noh?" sinamaan naman nya ako ng tingin, "Haha! Joke lang! Sige ipagpatuloy mo na yan, tiyak namang mas gwapo ako dyan eh." 


sabi ko at humarap na rin ako sa harapan. Hindi ko na tinignan pa 'yung reaksyon ni athena. Ewan ko pero kapag nandyan sya, di ko mapigilan syang kausapin. Alam kong may past kami, at... at hindi nya pa alam 'yung totoong nangyari. Yung totoong dahilan. 

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now