02

9.5K 218 5
                                    

Athena's POV


Nakabihis na ako, nakakain, nakapagsuklay, nakapagayos ng bag. Lahat lahat na nagawa ko na ang hinihintay ko nalang ay si Zharm.

Pagkatapos naming magusap kahapon ay nagpaalam na sya sa magulang nya na magsasama kami sa iisang bahay, gusto nya rin daw maging independent katulad ko pinayagan naman sya ng magulang nya kaya magkasama na kami sa iisang mansyon.


"Zharm! Nilamon ka na ba ng kwarto mo diyan?"


Nakakailang sigaw na ako pero mukhang wala siyang naririnig. Ewan ko ba kung anong pinaggagawa niya sa kwarto at sobrang bagal niyang kumilos, as in sobra sobra sobra!


"Eto na, matatapos na! Pababa na ako okay?" sigaw din nya pabalik, thank god.


Bumaba na rin sya galing sa kwarto nya, sa school na kami kakain. Sumakay na kami sa kotse ko, regalo pa 'toh sakin ni daddy nung 15 years old ko. Pwede na rin ako magdrive dahil may license na ako at 19 years old na ako. At fourth year college na rin kami kaya pwedeng pwede na talaga akong gumamit ng kotse ko.

 At fourth year college na rin kami kaya pwedeng pwede na talaga akong gumamit ng kotse ko

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

"Okay class, wala naman kayong gagawin ngayong isang linggo dahil bago palang kayo."


Nagsihiyawan na ang lahat, sino bang hindi matutuwa kung wala kayong gagawin sa school? Like, it's a really really good thing to announce right now, i don't want to stress myself this early. Biglang may umakbay sakin, napatingin ako dun at si Zharm lang pala. 


"Laboy muna tayo! Ikutin natin yung school na 'toh, baka makakita tayo ng fafa!"


Inirapan ko nalang sya, at tinanggal ang kamay nyang kasing bigat ng 3 sakong bigas. Sumunod nalang ako sakanya kung saan sya pupunta, lahat ng 1st year college ay nagiikot din, 'yung iba naman ay nagstay lang sa classroom at doon nagso-soundtrip, nagseselfie, kumakanta at kung ano ano pang kaharutang alam nila.


"Omygash." tumingin lang ako sakanya, problema nanaman nito? "Omygash Athena! look oh, may fafa!"


napatingin naman ako sa tinuturo nya, at si... Si Ryan? inirapan ko nalang si Zharm sabay hila sakanya papuntang canteen.


"Hala! ba't tayo umalis? Penelope naman eh!" sabi nya ng nakanguso, binatukan ko nga.

"Aray! ano nanaman ba?" nguso nanaman sya, hay nako. 


Di nya maalala? oh well, ayoko na din ipaalala sakanya, saka na kapag magsisimula na akong magrevenge. Speaking of the revenge, matagal tagal ko ding pinagiisipan kung ano yung gagawin ko sakanya.


"Hoy athena! Libre mo ko ah, binatukan mo ko kanina eh ang sakit sakit kaya nun."

"Oo na, wag na madaldal. Isang pirasong candy gusto mo?" sabi ko sakanya ng natatawa, "Eh! Hindi! Burger nalang tapos coke! Okay na 'yun, bilisan mo ah? Maghahanap na ako ng uupuan natin!"


bago pa ako makapagsalita ay nakaalis na sya agad, para paraan talaga 'tong si Zharm eh.

Pumila na ako at may dalawang babae pa ang nasa unahan ko, pero may narinig akong nagbubulungan sa likod ko kaya napataas ang kilay ko.


"Diba ayan yung naging girlfriend ni Ryan?"

"Hindi noh! Ang panget panget nun eh, pero oo nga parang sya nga."

"Siguro nagparetoke 'yang panget na yan?"


sabay tawa nilang pareho, now its my turn.


"Tapos na ba kayong mag-usap? Oh, i'm sorry, magchismisan pala!" sabay tawa ko.


tinaasan nila ako pareho ng kilay, huh! sa tingin nyo mas mataray kayo sakin? humarap na ako sa unahan ko at ako na ang bibili, bumili na ako ng mga dapat kong bilhin.


"Ang duwag pala nit—Ah! Shit! Ang clumsy mo talaga ever!"


nagsitawanan ang mga estudyanteng nandito, napangiti ako ng marinig ko sakanya ang 'clumsy', ayun lagi ang tinatawag nila sa akin dati, but now? tignan natin kung matatawag pa nila yun sakin.


"Clumsy ba talaga? or Sadya?" tumingin ako sakanilang dalawa pagkatapos kong sabihin yun, tinignan ko sila mula ulo, Mukhang paa.

"Sa tingin nyo ikakaganda nyo 'yang pagiging chimosa nyo? huh! yes, im clumsy, nerd, ugly whatever you say pero dati yun. Hindi na pwedeng balikan ang nakaraan, mahirap bang harapin ang kasalukuyan? And, ngayon ako na ang bitch dito."

magsasalita palang sana sila ng may.. no, wag naman ngayon! "You're the new bitch? Lets see."

"Oh, hello there my not-so-good ex boyfriend. Yes, i'm their new bitch, got a problem with that?"

"Nagbago ka na, pero tignan natin kung madali ka pa ring naiinlove sakin." sabi sabay ngisi, anong sabi nya? nabibingi ata ako!

"Inlove ba ang tawag dun? or katangahan? Hindi na ako tulad ng dati na nagpapaloko, iba na ako ngayon, ibang iba."

naglakad na ako palayo ng hilahin ako ni.. Zharm. akala ko, hindi na nila ako pakakawalan doon... marami pa naman akong pinrepare na mga pangbanat sakanila.

"Zharm naman eh! Ba't mo ba ako hinila agad doon? Marami pa naman akong gustong sabihin doon sakanila, prepared ako." sabi ko sakanya ng nakanguso.

"Shh, umuwi na tayo, masyado pang maaga ang palabas mo, kailangan mo pang mag rehearsed. Saka, yung pagkain ko! tinapon mo lang dun sa mukhang basura! Sayang yun!"


napangiti ako, buti pa si Zharm hindi ako iniiwan, buti nalang may Zharm pa ako. At wag silang pakakampante dahil hindi lang 'yun ang kaya kong sabihin. Remember prepared ako? sa susunod mas marami pa ang pag-aaralan ko for them.

The Nerd's Revenge ❘ ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن