037

1.2K 48 0
                                    

  - - -

  Ryan's POV


"Hoy, nabasa mo ba 'yung text ng nanay mo ha?" 

"Puta ka ah, pansinin mo nga ako! Mukha akong tangang nagsasalita mag-isa. Hintayin mo lang, maaagaw ko rin sayo si athena!" 

          tinakluban ko ng kumot yung buong katawan ko at tinalikuran ko sya, bwisit naman 'tong pinsan kong di gwapo. Kitang natutulog pa 'yung tao, nambubulabog?! Atsaka, di ba nya alam ang privacy? Tangina sapakin ko toh eh, dinadamay pa si athena. Alam naman nyang imposible mangyari 'yon dahil ako mahal ni athena, at di ko sya pakakawalan.

          "Alam mo, nagtataka ako kung bakit ang bilis maging kayo. Ang bilis mong sabihin sakanya nararamdaman mo. Parang... di mo naman talaga sya mahal. Nadadala ka lang sa past nyo ng makita mo sya dahil matagal tagal na rin nung magpakita sya uli sayo."

            "Kahit anong sabihin mo dyan, busted ka na." 

narinig ko syang tumawa, "Busted? Eh ni hindi nya pa nga sinasabi sakin na, 'sorry frost, may mahal na akong iba' see? nadadala lang din 'yun sa past nyo, sa galit nya sayo. Or baka, revenge nya 'yun sayo? Hula ko, ibebreak ka rin nun at magiging kami!"

         "Ewan ko sayo, dun ka na sa mental hospital tumira."

nagkaroon ng katahimikan pagkatapos kong sabihin 'yon. "Si Chloe.." 

     "Oh, anong meron sa baliw na 'yun?" 


         tinanggal ko 'yung nakataklob na kumot sa katawan ko at hinarap ko sya na nakaupo sa gilid ng kama ko. Nakayuko sya at nakatalikod sakin, bigla syang tumayo at naglakad sya palabas pero tumigil sya ng nasa tapat na sya ng pintuan, "Babalik na sya.."  Pagkatapos nyang bigkasin 'yun at tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko. 

               Babalik na si chloe? Impossible. Nanakot lang 'tong pinsan kong di gwapo, anong akala nya? Magpapadala ako sa mga panloloko nya? Huh, never.

-

      naglalakad ako papunta sa bahay ni Athena, sobrang tahimik ng  paligid. Hapon na pero bakit walang mga batang naglalaro sa labas? May alam ba sila na wala akong alam?

   ilang sandali pa'y nakarating na ako sa tapat ng bahay nila. Nagdoorbell ako at may lumabas naman na maid.

"Good Afternoon po, Sir Ryan. Pasok po kayo."

"Salamat." ngumiti ako sakanya at pumasok, ang tahimik naman. Ba't di ko naririnig 'yung asaran ng magkapatid?

  "Asan si Athena?"

"Nandun po sa kwarto nya. Ayaw nya nga pong lumabas para kumain eh, tinatamad daw po sya."

  napakunot ang noo ko, tinatamad kumain ah? Nako, ang tigas ng ulo. Umakyat na ako sa papuntang kwarto nya at nakalock. Pasaway na bata.

    kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot.


"Athena? Buksan mo 'tong pinto!"


   narinig ko lang ang pagkaubo nya. So ayaw nyang buksan? o baka naman may sakit 'tong babaeng 'to? Pumunta ako sa kwarto ni phrixus, kinatok ko 'yon at lumabas naman sya agad na gulo gulo ang buhok, nakaboxer lang habang kinukusot kusot ang mata.

"Pft. Ang panget mo bro."

"Gago. Anong kailangan mo?"

  tinabig ko sya at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto nya at humiga sa kama nya. "Ayaw buksan ni athena 'yung pintuan ng kwarto nya. May susi ka pa ba non?"

"Oh, eto."

   hinagis nya sakin 'yung susi at lumabas na ako ng kwarto nya, "Sayo na 'yan ng di mo na ako mabulabog!" rinig ko pang sigaw nya.

   binuksan ko na 'yung pinto ng kwarto nya at nagulat ako ng may dugo sa higaan nya. Napatawa ako.

   "Athena! Meron ka noh?" natatawang sigaw ko sa pinto ng cr nya. Pero wala akong narinig ni isang salita sakanya.

    Naging pipe na ba 'to? Kumatok ako sa pinto ng cr nya pero wala talagang sumasagot. Sinisigaw ko na rin 'yung pangalan nya, buong pangalan nya. Still, wala pa ring sumasagot.

   Binuksan ko 'yung pinto ng cr at wala sya doon. Fuck! ba't ngayon ko lang napagtanto na baka bukas 'yung cr niya? So, nakikipagusap ako sa hangin? isa pang, fuck!

     kinakabahan ako, tinignan ko 'yung cellphone ko kung may text or message sya sakin pero mas lalo lang akong kinabahan nung wala akong nakita.

    Tinignan ko 'yung higaan nya, inamoy ko 'yung dugo, hindi malansa so hindi 'yan tagos. Shit! may nakita naman akong nakalitaw na card sa ilalim ng unan nya.

   I'm crazy to get a revenge,
   stay tuned on my next target.

"Shit!" agad kong binitawan 'yung card na 'yun na may dugo dugo pa. Asan si athena?!

   Putangina mapapatay ko talaga kung sino dumukot sakanya! Isang sugat lang na matamo nya, isang buhay na ang kapalit nila.

lumabas na ako ng kwarto ni athena, hawak hawak ko ang isang plastik na nakalagay sa loob ang card na naiwan doon.

    "Hoy phrixus! putangina, nawawala si athena! Tignan mo 'yung kwarto nya at kumilos ka na!"

narinig kong may kumalampag sa kwarto ni phrixus at tulog tuloy syang lumabas at pumunta sa kwarto ni athena.

   "SHIT! SINO GUMAWA NITO?!"

-

Tumatakbo ako pabalik ng bahay ko. Iisang tao lang ang alam kong pwedeng gumawa nito.

   Dali dali akong pumasok ng bahay at pinaghahagis ang mga vase.


"Tangina Frost! Lumabas ka!!"

     nagsisisigaw na ako pero wala pa ring putanginang frost ang nagpakita saakin. Galit na galit ako! Di ko mapigilan ang sarili ko, baka makapatay ako.

  biglang nagflash sa isip ko ang umiiyak na babae, si athena. Nasasaktan ako, di ko kayang makita syang umiiyak. Di ko kayang makita syang nasasaktan. Walang tao ang pwedeng manakit sakanya! Wala!


   "Frost Sier Williams!!! Lumabas kang hinayupak ka!"

"Looking for someone?"

---

Patawarin nyo 'ko TTuTT Dapat deleted na 'tong story ngayon kaso lang sayang 'yung pinaghirapan kong walang kwenta lols atsaka baka may wrong grammar ako or may typo, pakiintindi nalang. Anyways, Stay tuned on the next chapter!

The Nerd's Revenge ❘ ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon