043

1.3K 43 1
                                    

 Merry christmas, TNR's! ❤ 사랑해요~

- - -

Athena's

"Thanks!" sabi ko sabay salo sa binato niyang c2 sakin. "Pero di pa rin ako makapaniwala na nakalaya na siya. Nakakagulat na nakakakaba, paano kung---"

"Shh. Kumain ka na muna," 

"Okay," sabi ko sabay kagat sa sandwich na binili ni ryan, "Pwede bang hindi muna kita tawaging baby? Di pa rin kasi ako sanay,"

tumawa naman siya,"Sure. I'm now courting you again kaya wag mo na muna akong tawaging ganun. And also, you can call me what you want,"

"I can call you what i want?"

"Yeah and why are you so exci---"

"Cupcake? Sweetie? Cutiepie? Pwede kitang tawaging ganun?"

"What the hell? I change my mind, just call me by my name,"

napasimangot naman ako. Sabi niya i can call him what i want? tas babaguhin nanaman niya. Kinain ko nalang yung sandwich ko at ininom 'yung c2. Agad ko namang naubos 'yun dahil sa pagkalungkot ko, kailangan ko ng comfort kaya tumayo ako para bumili ng pagkain. Nandito pala kami sa mini stop at hinihintay namin 'yung iba, ewan ko ba dun, ang tatagal kumilos eh.

"Where are you going?"

"Somewhere," sabi ko ng hindi humaharap sakanya. Ano bang mas masarap? Ice cream o Chocolate? I love them both pero gusto kong isa lang ang bilhin. Or, bilhin ko nalang kaya 'yung dalawa? 

"Athena.." di ko siya pinansin at nagbayad na ako kay kuyang singkit. May mga gwapo din palang cashier noh?

"Thank you," sabi ko sabay pacute. syempre joke lang, kahit naman hindi na ako ngumiti, cute pa rin naman ako kaya hindi ko kailangang sabihin.

umupo na ako sa tapat ni ryan at sinimulang kainin 'yung ice cream. Bigla siyang tumayo at pumunta sa kung saang di ko alam, sa ice cream lang nakatuon ang buong atensyon ko. Muntikan ko ng mabato 'yung ice cream ng may biglang yumakap sa likod ko. 

kilala ko naman na itong tao na 'to dahil sa perfume niya.

"Sorry..." 

shiz, agad namang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Mahina lang 'yung pagkakasabi niya pero sa tapat pa talaga ng tenga ko, ramdam na ramdam ko ang malalim na paghinga niya. Dahan dahan naman akong lumingon sakanya.


"Ooooh! PDA! PDA---Aray!"

"Masyado kang maingay, Carl!" 

Napabalik naman kami sa dati naming pwesto. Buti nalang at wala masyadong tao dahil kung hindi ay maraming mata ang nakatingin sa amin. Nasa pinakasulok kami dahil maraming upuan at malalambot ang upuan kaya dito kami pumwesto. 


"Bakit ang tagal nyong dumating?" pag-iiba ko ng topic sa kanila.

"Sus, alam naman naming gusto niyong di na kami dumating eh.." sabi ni carl, "Para matuloy niyo 'yung paglo-loving-loving nyo..." dugtong ni pao.

napayuko nalang ako pero kitang kita ko ang paghampas sa ulo nila ni Mika at Zharm at ang masasamang tingin ni ryan sakanila. 


"Wag mo nalang sila pansinin athena," sabi sakin ni mika. 

"Si Dianne at Ken pala ayaw sumama eh. Papunta na kami sa bahay ni ken pero nakita namin silang nagbabangayan sa labas, tas biglang nagwalk out si dianne. Parang nagka-lq eh," sabi naman ni zharm.

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now