050

1.4K 35 6
                                    

chapter 50 : clear. epilogue na next.

-

"Kamusta ka naman dito? Si tito? Si tita? si frost?"

"Isa isa lang, plat. Dami mong tanong."

"Pakielam mo bang bayot ka? Hindi naman ikaw kausap ko, di ka belong."

"You're my wife kaya may pakielam ako sayo."

"Kasal lang tayo sa papel, wag ka."

"Nah, sawang sawa na ako sa ganyan mo."

"Psh. Oo na." sinamaan ko sila ng tingin ng kurutin ni kuya si ate sai sa ilong. Paborito ko 'yung ganong style!

Hinampas ko ng malakas 'yung table. Napatingin naman sila sakin, gulat na gulat ang mga mukha. "Kailangan bang sa harapan ko pa kayo maglandian? Ilang beses ko bang kailangang sabihin na walang forever?"

"Walang tatawa!" sigaw ko pa.

pero parang wala silang narinig at mas lalo pang nilakasan ang pagtawa nila. Nakabusangot na 'yung mukha ko, pero wala pa rin silang pakielam at tawa pa rin ng tawa. "Oh? ba't nakabusangot ka?"

"Zharm!" pumunta ako sa likuran niya at niyakap siya. "Sila kasi! Sa harapan ko pa naglalandian! Inaasar ata ako eh!" sabi ko sabay duro ng daliri sa dalawang taong nasa harapan namin.

"Oh come on, athena. Ba't ka naman maaasar? Hindi ba't magkikita kayo ni ryan ngayon?" napatango ako at yumuko, "Ah okay. Alam ko na pinoproblema mo. Tara sa taas, usap tayo."

"Hoy kayong dalawa! Ano 'yang pag-uusapan niyo? Dapat kasali ako!" sigaw ni kuya na agad naman siyang piningot ni ate sai sa tenga.

"Hayaan mo na nga sila! Masyado kang tsismoso."

"Eh kasi naman──"

"Aangal ka pa?!"

"Hindi na nga po. Tatahimik na ako."

"Good."

Napailing nalang kaming dalawa ni zharm at tumawa. Under siya kay ate sai, hindi halatang mahal niya pa rin talaga ah. Nang makapasok na kami sa kwarto ko ay umupo kami agad sa kama ko at magkaharapan kami.

"So, diba magkikita daw kayo ngayon?"

tumango ako.

nagseselos ako. nang mai-send ko 'yan kagabi ay hindi na ako mapakali. Kinakabahan ako na ewan.

Let's talk tomorrow. I'll fetch you, punta kang playground around 2pm. I love you.

"1 o'clock na tapos hindi ka pa ayos?"

"Hindi kasi ako makakilos. Hindi ko alam kung ano 'yung sasabihin ko sakanya. Kung sasabihin kong pinakeeleman ko 'yung cellphone niya at nakita ko 'yung messages nila kaya ako nagseselos? baka naman isipin niya na hindi ko siya binibigyan ng privacy."

"Just tell him the truth. Maiintindihan niya naman iyon. Baka ang ikainis niya or ikagalit niya ay 'yung pagtatago mo h totoo sakanya."

Napayuko ako. Masasapak ko na 'tong babaeng nasa harapan ko. Tama lahat ng sinabi niya sakin. "Oh hala! Tumayo ka na't maligo na ng maayusan na kita agad!" napatayo ako agad dahil sa malakas na pagtulak tulak niya sakin papasok sa banyo.

"Oo na, oo na! Tigilan mo na ang pagtulak mo sakin! Masakit okay? Ihanda mo nalang 'yung mga gagamitin kong damit para mamaya para matuwa pa ako sayo!"

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now