***
Athena's POV
"Tara na, zharm." tawag ko kay zharm na hawak hawak ang ulo nyang kanina pa daw masakit.
Ayan ang napapala ng adik sa mga lalaki, psh. di kasi tinitignan 'yung kinukuhang baso.
"Pwede bang um-absent? Ang sakit sakit ng ulo ko, huhu."
"No, ako mapapagalitan ng mommy mo pag um-absent ka! Iinom inom kasi ng alak, psh." biglang sabat ni kuya, mas komportable pala pag kuya ang tawag ko sakanya, parang ewan 'yung 'big bro' eh.
"Aish, tara na nga. bwisit, di ko maalala 'yung katabi ko kagabi! Ahhh! Wae? Wae?"binatukan ko sya, parang kiti kiti, ang likot likot! saka, ayan nanaman sila sa pagko-korean nila. Nasasabihan kasi akong 'cute' 'kyeopta' at kung ano ano pa. Ayokong pinupuri ako, magiging mayabang kasi ako. Haha.
"Umalis na nga kayo! Alis! Shoo! Shoo!"
pinagtutulakan kami ni kuya sa labas, kaya ayun, no choice kami kaya lumabas na lang kami. Sumakay na ako sa driver's seat, 'yung kotse ko pa rin gamit ko, poor kasi 'tong si zharm walang kotse.
pumasok na rin sya sa kotse, sa tabi ko. nilagyan ko ng pabango 'yung aircon ng kotse, at nagdrive na.
- -Carl's POV
tinignan ko sya, naglalakad kasama ni Athena habang hinihimas himas 'yung ulo nya.tsk, nang aagaw kasi ng baso.
nagkukwentuhan kaming magbabarkada, 'yung dalawang babae naman dito sa tabi ko eh may sarili ding usapan.
"here's your wine sir, and your juice ma'am."
nakita ko nalang na umalis 'yung waiter pagkatapos nyang sabihin 'yun. tinignan ko 'yung baso na nilagay nya. kumuha ng isa si athena ay ininom 'yun.may dalawa pang baso na natira magkadikit 'yun, tinitigan ko lang iyon. So alin 'yung akin dyan? kinuha ko nalang 'yung nasa bandang side ko.
bahala na, ininom ko na 'yon at nakinig na sa usapan.
teka, ba't lasang juice 'toh? papalitan ko na sana 'yung baso ko kaso lang ininom na nung kaibigan ni athena 'yung baso na dapat sakin.
"Kuya."
di ko na nasabi 'yung tungkol sa baso sa kaibigan ni athena kasi umalis na sila agad.
"dude, malapit na magbell. Tara na!" tapik sakin ni Ken, nginitian ko nalang sya at sumunod na sa kanya.
nagsilapitan naman 'yung mga babae samin, tsk. Ang lakas talaga ng charms ko.
"hey girls! girls! excuse, malapit na magsimula 'yung class, pumunta na kayo sa mga rooms nyo." sabi ko sakanila sabay kindat.
nagsitilian naman sila at umalis, sinuntok naman ako ni ken sa braso.
"Aray! Siraulo 'toh! May gusto ka rin ba sakin?"
"Gago! di hamak na mas gwapo ako sayo, wag kang feeler dude, Tara na nga!"
nagsmirk nalang ako, palibhasa hindi nya makalimutan 'yung babae na 'yun. hahaha! narinig lang 'yung word na 'gusto', inlababo na kasi ang gago.
- - -
naglalakad ako papuntang rooftop, 'yung tatlo nandun sa canteen, ayaw sumama sakin. Mahawaan ko lang daw sila ng kabaliwan.
mga siraulo.
"hello! gusto mo ba ng sandwich? hatian kita gusto mo? yie, ang cute cute mo~"
napatigil ako sa paglalakad, nasa rooftop na ako, at hindi ako makapaniwala sa nakikita. 'yung kaibigan ni athena, kinakausap 'yung pusa? aish, may pagkabaliw din pala 'to.
"Ayan! busog ka na? halika, yayakapin kita—"
"baliw ka ba?"
napatigil naman sya sa ginagawa nya, pagala gala lang naman 'yang pusa na 'yan tapos yayakapin nya? aba't!
"U-Uh."
"tsk, nevermind. bumaba ka na, akin 'tong rooftop na 'to."
tinulak ko na sya papunta dun sa pintuan ng rooftop, mamaya mahawaan pa 'ko nito ng kabaliwan, mahirap na, mawawalan ng gwapong nilalang sa mundo.
"h-hoy! ano ba! hindi naman sayo 'yang rooftop ah! i-isa!"
tinigil ko muna ang pagtutulak ko sakanya at tinignan sya. humarap naman sya sakin, nakatalikod kasi sya sakin kanina.
"Anong sabi mo? hindi akin 'to? eh sinabi kaya sakin ni ryan na akin 'to! bestfriend nya kaya ako!"
tumingin naman sya sakin, "bestfriend ka lang nya, ako helper nya para sa pag-ano, uh, basta! bestfriend ka lang nya! bleh!"
pinandilitan ko sya ng mata, "Aish, nagawa mo talaga 'yan sakin? tss, di mo ba 'ko kilala?"
"Uhm, ikaw 'yung katabi ko kagabi sa bar right? kabarkada ka ni ryan, 'yun lang alam ko sayo." sabi nya sabay ngiti.
"Seryoso? di mo k—-"
"Ay! May alam pa 'ko sayo!" ngumiti sya, ngumiti din ako pabalik.
sabi na eh! Lahat ng babae dito sa school kilalang kilala ako, ang gwapo ko kasi.
"Ikaw 'yung feeler dito sa school! Anong akala mo gwapo ka? Mas gwapo pa sayo si Myungsoo noh! Bleh!"
"Aba't! hoy! tungunu!"
bago ko pa sya masuntok ay tumakbo na sya paalis, siraulo 'yun ah! tawagin daw ba akong feeler? saka ano daw mas gwapo pa sakin 'yung myungsoo?
sino ba 'yun?! magtutuos kami!
Zharm's POV
napatawa na lanag ako ulit ng maalala ko ang nangyari kanin, ang epic ng itsura nya! kilala ko naman talaga 'yun eh, di ako close sa mga kabarkada ni ryan, pero dahil kay athena kilala ko sila.
madaldal kasi 'yun dati eh, well, ngayon kapag gusto nya lang sabihin dun lang sya nagiging madaldal. May pagkasiraulo kasi 'yun eh.
naglalakad ako pabalik sa room, binilhan kasi ako ni athena ng pagkain, treat nya daw.
"hoy babae! ang tagal mo namang bumalik! magpapahangin lang tagal tagal. Nandoon na sa room 'yung mga pagkain natin."
"Peste ka talaga, makahablot! may tao kasi dun sa rooftop, ang yabang yabang, di naman gwapo."
umupo na kami ni athena sa upuan namin, magkatabi kasi kami, kami kami lang ang pumipili ng upuan namin dahil di naman daw 'yun medyo mahalaga.
"really? lovelife mo na 'yan zharm, haha! ganyan 'yung mga nababasa ko sa wattpad eh. Kinaiinisan nung girl si boy, pero sa huli magiging sila." sabi nya sabay kain ng isang fries, at uminom ng coke.
kumuha din ako ng fries at kinain agad, "psh, edi wow. so, lovelife mo na rin 'yung lalaking nasa tapat ng bahay nyo pati si ryan?" sabi ko sabay ngisi.
umubo naman sya, muntikan na nga nyang maluwa 'yung fries nya eh, bingo! nagpout naman sya.
"hush! just eat."
tumawa naman ako sa naging reaksyon nya, "Sabi mo eh."
- - -
sorry for the late update!
YOU ARE READING
The Nerd's Revenge ❘ ✔
RomanceShe's a nerd who turned out into a beautiful lady, with a revenge. { credits to @black-gray for the cover before } reminder; excuse all of my grammatical errors i didn't had a chance to edit this since i made this story in my grade school, due to my...