046

1.5K 33 7
                                    

                -           -             -

"It's not working, doc. Akala ko po ba once na makita or makausap man lang ni mommy si frost ay maibabalik na ang memory niya?" sabi ni kuya.

"Hindi lang 'yun ganun ganun, phrixus. It's not 100 percent na maibabalik ang memory niya." napatingin naman ako kay mom na mahimbing na natutulog sa kama, "and also, it's not 100 percent na maibabalik pa ang memory niya."

"Po?!"

"What?"

"Ano?!"

"Ssh, quiet!" saway ni dad samin.

napatungo nalang kami at umiling naman si dad. Hindi ko na kaya pang makinig sa doctor dahil pati ako naistress na rin. Bakit napakadaming problema ba ang dumadating?! Nakakainis na oh.

Lumabas muna ako ng kwarto at umupo sa couch. Nandito kami sa Laguna, kung saan ang unang una na baha na ginawa nila dad na maraming memories. I remember, sabi ni mom sakin dati, dito daw kami madalas na magbakasyon.

Ryan calling...

"Ryan." banggit ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"I miss you so much."

"Kahapon lang ako umalis, namiss mo na ako agad? Nagjo-joke ka ba?"

"Kinilig ka lang eh. Alam ko na 'yang style mo, baby. Kunyari ka pa eh."

napatawa naman ako sa sinabi niya. Oo na, kinilig na ako sa sinabi niya, isama mo pa 'yung malalim at husky niyang boses.

"I'm glad na tumawa ka na rin. Don't forget na nandito lang ako palagi, makikinig ako sa lahat ng problema mo. I'll be your crying shoulder, I'll be your other half."

"Crying shoulder tas napunta sa other half? Sinagot na ba kita ha?"

"Oo,"

"At kailan kita sinabihan ng yes ko, ha?"

"Ano 'yung sasabihin mo sakin?"

"Yung yes ko?"

"What?"

"Yung yes ko kako," bakit ang paulit ulit 'tong taong 'to?!

"I can't hear you,"

"YES!" panigurado rinig na rinig na niya 'yan! Nako, kung hindi, masasapak ko 'to pag-uwi ko doon.

"Sinasagot mo na pala ako eh. Wala ng bawian 'yan ah?"

what? anong pinagsasabi.... oh.

"No! Mali! Letse kasi 'yang cellphone mo! Bulok na ata 'yan! Itapon mo na nga!"

ni-hindi ko pa nga siya nagagawang pahirapan sa panliligaw sakin tapos sinasagot ko na daw siya? Paliparin ko siya ng suntok ko eh!

"Hahaha, I'm just kidding. I want to work hard for courting you kaya I'll wait patiently for you to say yes."

The Nerd's Revenge ❘ ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin