042

1.3K 33 1
                                    


---

"Its 3:00 in the morning and we're still up. Cheers?"

"Cheers!"

Tinitignan ko lang sila habang nag-iinuman silang lahat.

Noong nasa Ibang bansa pa ako, i used to drink pero ngayon, parang bago lang 'toh sa paningin ko. Wala kasi ako sa sarili ko nun dati, mukha akong tanga noon.

"Ashina! Inom ta...yo!"

"Hoy tangina mo, Carl! Isang hawak pa dyan kay athena, di lang hawak ang gagawin ko kay Zharm!"

nagsisigawan sila. Sinamaan ko lang ng tingin si Ryan, subukan lang nya! Iinisin ko siya ng ilang beses!

"Joke lang pareng Ryan! Di mabiro hehehe."

Lahat sila nagiinuman. Syempre, lahat ng boys hindi tatanggi dyan. Sila pa? Nakakagulat at umiinom din sila Mika at Dianne. Ang pagkakaalam ko, ayaw nitong mga 'toh uminom pero gusto nila magparty. Si Zharm, nandito sa tabi ko at mahimbing na natutulog. Ewan ko ba dito kung bakit ambilis makatulog, mukhang may pinagpuyatan eh.

"Lagyan nyo nga 'toh." sabi ko sakanila at iniabot ang baso ko pero tinitigan lang nila 'yung kamay ko. "Hoy! Kailangan ko pa bang ulitin 'yung sasabihin ko?"

"Oh." tumayo si ryan, este, baby. Di pa rin ako sanay na tawagin syang baby. "Thank yo--yah! Bakit juice?!"

"Pfft!" sinamaan ko lang sila ng tingin at galit kong nilagay ang baso sa mesa. Pero di pa rin sila tumitigil sa pagtawa, "Oa na kayo."

Anyway, nandito kami sa garden at nasa rooftop naman sina mom and her friends. I don't know kung sino sino dahil masyado na akong late umuwi kanina dahil sa pagsuyo ko sa lalaking 'yun. Sinabi lang sakin ni kuya na madami daw kaya ko nalaman.

Pumunta ako sa pool at umupo lapag. Nakasayad 'yung paa ko sa pool at ginagalaw galaw ko pa 'yon. It feels nice, huminga ako ng malalim at iniisip ang mga nangyari. Ang dami na palang nangyari, simula nung nerd pa ako, sa pangtitrip sakin ni ryan, sa pagbabago ko, sa pagiging close ko sa family ko, sa at higit sa lahat ang hinding hindi ko makakalimutan... si frost.. 'yung mga ginawa niya..

Ano na kayang nangyari sakanya? Ang alam ko nahuli sya pati si chloe, hanggang dun lang ang pagkakaalam ko. Magtitino na kaya sila?

"Anong iniisip mo at seryosong seryoso ka? Ako nanaman ba 'yan?" tinitigan ko siya masama at piningot ang tenga nya, "Ang kapal talaga ng mukha mo noh?"

hinila naman nya ang kamay ko at piningot nya ang ilong ko, agad ko naman syang pinalo sa braso, "Mahal mo naman." sabi niya sabay kindat.

di nalang ako pumalag sa sinabi nya, masyado ng nagiging feelingero eh. 

"Di mo pa sinasagot 'yung tanong ko." 

"Ha?"

"Anong iniisip mo kanina?" umiling lang ako at ngumiti sakanya. "Pwede mo naman sakin sabihin mga problema mo. I'm your boyfriend, and making you happy is my responsibility."


tinitigan nya ako sa mata pero umiwas ako ng tingin. Naiilang ako sakanya, Hindi ko alam kung bakit. Siguro, di pa ko ganun kasanay na nasa paligid ko siya palagi. Pero sa tingin ko naman, masasanay rin ako paglipas ng mga panahon. 


"Okay i get it, marami pa namang araw na pwede mo saking sabihan 'yan."

"Nah, sasabihin ko nalang ngayon kaysa patagalin ko pa."


nakatingin kami sa isa't isa. huminga ako ng malalim bago magsalita, they're so many thoughts in my head, ugh.


"Naiisip ko lang na parang ambilis ng mga nangyari... satin. Parang nung una lang niloko mo ko, tapos bumalik ako, and then niligawan mo, tapos naging tayo na. Parang... walang ka-thrill thrill,"

"Pfft. Pati ba naman buhay mo gusto mong magaya sa mga story sa wattpad? Adik ka na masyado sa wattpad baby,"

"Pero okay lang naman na---"

"I'll court you. again. and i'll patiently wait for your yes, again,"


napatulala nalang ako sa sinabi niya. Is he serious? Sinong lalaking gustong manligaw uli? Wala naman siguro diba? Nakakapagod kaya manligaw! Nakakapagod maghabol tapos hindi mo pa alam kung may hahabulin ka ba talaga o wala.

 - - -

"Teka nga! Wag mong bilisan 'yung pagsasalita mo! saka, pwede bang i-short cut mo nalang? hindi 'yung halos lahat talaga ikwento mo," 


kinagat ko ang labi ko, masyado akong naging excited sa pagkukwento ko sakanila. 


"Liligawan ako ulit ni ryan!" 

"O.. kay?" sabay nilang sabi na nagpakunot ng noo ko. Hindi ba sila magugulat? 

"Bakit hindi kayo nagulat? Onti lang ang mga gumagawa ng ganun noh!"

"Athena, bakit kami hindi nagulat? kasi alam naman naming gagawin niya 'yun." 

"Huh?" 

"Wala!"


nagtawanan sila kaya mas lalo lang kumunot ang noo ko. Mas kunot pa sa pinakakunot! Mas nauna ba niyang sabihan sila kaysa sakin? Nako! Mas mabuti na ngang ligawan niya ako ulit dahil para malaman ko kung may mga tinatago pa 'yang lalaking 'yan.


saka... masayang maligawan. Gusto ko ulit maramdaman 'yung ganun. Iniisip ko palang, natutuwa na ako. Paano pa kaya kung sinimulan niya na? Edi mahihimatay na ako.


"Nood na tayo, nahanap ko na 'yung ticket!" sabi ni Mika.

"Buti naman! Sayang din pinambayad natin diyan," 


Nandito kaming apat sa Sinehan, wala kasi kaming magawa. Kailangan na naming sulitin ang mga natitirang araw bago bumalik sa pasukan. Hindi ko alam kung nasaan sina ryan, di pa sila nagpaparamdam simula nung new year. it's been 4 days nung nakita ko sila, at nakakapagtaka lang kapag dadalawin ko sila sa sarili nilang bahay, laging wala. Tinanong ko naman kay kuya pero sabi niya lagi naman daw pumupunta sa bahay kaso wala daw ako.

Wala kami sa timing, tsk. Or hindi kaya sinasadya nila 'yon? Posible din naman iyon diba?


"Athena, sila ryan 'yan diba?" 

"Huh? Asan?" 


nagsimula na 'yung movie kaya madilim na sa sinehan, kaya di ko masyadong maaninag 'yung sinasabi ni Zharm. Kaya di ko rin makita kung sila ryan ba talaga 'yon. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa movie, dahil sayang ang effort ng paghahanap ni mika sa ticket na nawala niya kung di ko naman pinanood.

pero paano ako makakafocus kung kanina pa ako kinukulit ng mga kasama ko?


"Manood ka nga muna dianne! ingay mo," 

"Pero! Sila ryan 'yun oh!"

"Hala ka dianne! tumingin satin! ingay mo kasi eh!"

"Asan ba kasi? satsat kayo ng satsat di ko naman makita,"

"Ayan athena oh!"


sakto namang pagsabi ni Mika nun ay nagbukas na lahat ng ilaw at may humawak sa dalawa kong kamay. Nagulat ako ng may gumawa nun pero mas nagulat ako ng malaman ko kung sino ang gumawa nun.


"Ryan.." mahina kong sabi sabay tingin sa isa pang nakahawak sa kamay ko, "F-Frost.."







The Nerd's Revenge ❘ ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon