028

1.8K 73 11
                                    

don't forget to vote and comment ;-;

- - -



Ryan's POV



"Goodluck satin. Gawin natin ang best natin!"

"Right! Fighting team WU!"

nagsigawanan kami at sabay sabay na nagbump. mamaya na ang laban namin at ewan ko, kinakabahan ako. syempre, 'oo' ang kapalit ng pagkapanalo namin eh.



"Ry, ba't ka nga pala pursigidong manalo? i mean, yeah school mo 'to. pero, diba dati naman wala kang pakielam kung manalo o matalo tayo?"



singit ni Pao, medyo nagulat pa 'ko kasi more than 1 word ang nasabi nya. diba nga, tahimik 'yan? nagsimula naman silang mag-ingay at asarin ako na may 'pagpapakitaan ng galing'


"Syempre. 'Oo' ang magiging kapalit nun eh."

"Whoo!"

"Kaya pala!"

"Imba!"

"Kakaiba ka boss!"


nginitian ko silang agad. pero agad napawi 'yun ng may sumingit.




"Sana matalo tayo."

"Whooo!"

"Selos si nagyeyelo!"

"may kaagaw ka boss!"


"Hoy! Anong sinabi mo?!" sigaw ko sakanya pero tumayo na sya at tumalikod. pumasok na sya sa bus, kailangan na kasi naming pumunta doon. hindi sa gym ng school gaganapin, kundi sa gym nung mga kalaban.


sinisigawan ko sya at nakita kong sinabi nya sakin na 'Matatalo tayo' ng walang boses.

"Aba, gago 'yun ah." 'yun nalang ang nasabi ko at umakyat na sa loob ng bus. umupo ako sa gitnang part, ayoko sa likod maalog. Ayoko din sa unahan.


kinuha ko ang cellphone ko at tinext si athena, asan na kaya 'yun? gusto ko sana syang isama dito sa bus namin. Miss ko na agad 'yun eh.

-

"Uminom muna kayo ng tubig, tapos magexercise bago kayo magtetext at magtatawag tawag dyan! No gadgets allowed!"


tuloy lang ako sa pagcellphone. pero 'yung iba tinago na 'yung mga cellphone nila. Laging may pms 'tong coach namin eh. hindi naman ako pwedeng sigawan nyan dahil fired ang masasabi ko sakanya.


"MR. RYAN WILLIAMS." diin nyang sabi kaya napaangat ako ng tingin dahil nasa harapan ko sya na nakalagay ang kaliwang kamay sa bewang at sobrang taas ng kilay nya. Bading ata 'to.

"yes?" malambing kong sabi. Lumaki naman ang mga butas ng ilong nya. Mahinang nagsitawanan ang mga kamiyembro ko at buti nalang hindi napansin ni coach 'yun.

"What did i said kanina? diba sabi ko itago na ang mga gadgets at magexercise?!"

"Ah. About that, di ka ba nagiisip? ilang araw na kaming nagpapractice, hanggang ngayon pa rin ba? anong gusto mo, kapag maglalaro na pawis na pawis na kami agad at pagod na?"

"psh, Mr. WILLIAMS." umiirap irap pa sya. feeling cute mukha naman shokoy. kay athena, bagay na bagay sakanya 'yun. "Kailangan nyo ring magpractice para hindi nyo makalimutan 'yung mga ginawa nyo!"

"Bakit, sasayaw ba kami at may mga steps ang pagbabasketball?"

"Ako ang napapagod sayo Williams, psh. Ang kulit kulit mong bata ka! pag nanalo kayo, pasasalamatan mo rin ako sa mga pinagsasabi ko sayo."

The Nerd's Revenge ❘ ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora