018

2.8K 84 6
                                    

sorry for the typos.

- - -

athena's

"Ang ganda ng bestfriend ko!"


napangiti ako sa sinabi ni zharm, nandito kami sa kwarto nya, inaayusan nya kasi ako. mamayang 8 ng gabi na kasi 'yung party. 7 palang naman, pero eto kaming dalawa, bihis na bihis na.


"salamat zharm ah, saka magmake up ka na kaya."

"sige, dyan ka lang muna. kailangan maganda ako ngayon, para mapanganga ko 'yung lalaking 'yun!"

tumawa naman ako ng mahina, "sino naman 'yun?"

"nakalimutan ko pangalan eh, basta kabarkada ni ryan."


di ko nalang sya pinansin at nagcellphone nalang. nakaupo lang ako ngayon sa kama ni zharm, at nasa binti ko 'yung maliit na bag ko.

nagbasa nalang muna ako ng story sa wattpad.

- - -

[/tok tok

"Hoy kayong dalawa dyan, 10 o'clock na di pa rin kayo tapos? umalis na 'yung sundo nyo!"


napabaligwas kaming dalawa ni zharm, binuksan namin agad 'yung pintuan at dinala ang gamit namin.


"hala! ba't ngayon mo lang sinabi kuya!"

"kapatir, umalis na sila?!"


tumango naman si kuya, at tumawa. huh? niloloko lang ba kami nito?


"Haha! Mga uto uto! kadadating lang nila saka 7:30 pm palang, nandyan sila sa sala. hoy zharm,pati kabarkada ko biningwit mo na!"

"Siraulo ka talaga kuya!" sabi ko sabay pingot sa tenga nya, pati si zharm nakipingot na rin pero sa kabilang tenga naman sya.

"A-ah! Tsk, tama na!"

"bwisit ka kapatir! saka, sya kaya 'yung nang aya! may kapalit naman 'yun eh!" sabi ni zharm sabay hampas kay kuya nung maliit nya ring bag.

"tsk, magsama nga kayong dalawang magkaibigan! Mga sadista! kaya walang mga lovelife eh."


inirapan nalang namin sya, at naglakad na pababa. nagkatinginan kami ni zharm at sabay na tumawa.


"wow."


ngumisi naman si zharm at tumayo sa gilid ni carl, di ko alam na si carl pala 'yung kadate nya. eh, ang playboy playboy nyan eh, pero mabait at makulit rin naman 'yan.

nakatayo lang ako sa gilid hagdanan, tumingin ako kay frost at nakatingin din sya sa akin.


"Ang panget mo pala talaga zharm? pft."

"Argh, bwisit ka talaga!"


napatingin ako sa kanilang dalawa, hinahampas na ni zharm si carl ng maliit nyang bag. Habang si carl naman eh, tawa ng tawa habang nagmamake face. Siguro kung maging sila, andaming makyutan, mapang-asar kasi si carl habang si zharm pikon, haha!


"Athena, let's go. The party's going to start,"


The Nerd's Revenge ❘ ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora