warning: sabaw, writers block TUT sorry kung late.
- - -
athena's
"Ryan?"
gulat kong sabi, ang akala ko si frost 'toh, nakahawak sya sa bewang ko, 'yung ibang mga tao, di kami pinansin busy kasi sila.
"Ahm, since ikaw na naging partner ko. Ipagpatuloy na natin 'toh."
tumango nalang ako, inilibot ko ang mata ko, hindi ko makita si frost. Asan ba 'yun? 'langyang lalaking 'yun, iniwan ako sa gitna. hinawakan ni ryan 'yung kamay ko, in-intertwine nya, nilagay ko 'yung isa kong kamay sa balikat nya, hinila nya naman ako papalapit sakanya.
"Ahm, Athena? kung sakali bang inaya kita kahit si frost na 'yung naunang mang aya sayo, papayag ka pa rin ba?"
napaangat ang ulo ko, nagtama ang mga mata namin. di ko alam kung ano isasagot ko!
"uhm, d-di ko alam."
"A-Ah."
nakita kong yumuko si ryan, i don't know pero parang naguilty ako sa sinabi ko. Napayuko din ako, kaya di ko nakita na may bato pala dun sa natapakan ko. muntikan na tuloy ko matisod.
"Ayos ka lang? gusto mo itigil na natin 'toh?" nag-aalalang tanong ni ryan sakin.
tumango nalang ako, bumitaw na sya sa pagkakahawak sa bewang at sa isang kamay ko, inalalayan nya nalang ako papunta sa mga upuan, may mga tables ding nakalagay dito. umupo na kami, at nakita ko sila zharm at carl, masayang nakatingin sa isa't isa. nahagip din ng mata ko si frost, paikot ikot sya dun sa mga nagsasayawan, hinahanap ba 'ko nito? napatawa ako ng mahina, mukha syang tanga. sabi ko sa isip ko.
nagtatakang tumingin sakin si ryan, napatikhim ako.
"Kayo na ba ni... frost?"
gulat akong tumingin sakanya, "Hoy hindi ah! Ang sungit sungit nun, di nga ngumingiti 'yun eh.""atleast gwapo and hot."
pareho kaming napatingin kay frost na nakatayo sa harapan namin, nakasmirk pa.
"Bakit kayo magkasamang dalawa? I'm your date tonight, athena.""I'm your date tonight, athena." ginaya ko 'yung boses nya, "sino kaya 'yung nagiiwan dyan?"
"okay fine, sorry about that. feel na feel ko kasi 'yung tugtog eh." yumuko sya at ngumuso, pft.
"oh, what's this? a reunion?" kinabahan ako sa babaeng sumingit sa usapan. Natatawang syang umupo sa tabu ni ryan, nakaupo na rin sa tabi ko si frost.
"So, how was your life athena?"
kinakausap nya 'ko, damn it! i don't want to see her. Nung nakita ko sya, nagbabalik nanaman lahat ng masasamang karanasan ko.ng dahil sakanya, nawalan ako ng.. oh god, ba't ko ba 'yun inaalala? wala na 'yun, tapos na. Bago na ang buhay pag ibig ko, yata?
tumingin ako sakanya at ngumiti, "it's fine, you? how's your life?"
"It's good, you know, i came back to see what's mine, i missed him kasi eh." sabi nya sabay tingin kay ryan.
ang arte nya magsalita, ghad. ang sarap balatan ng buhay 'tong bruhang 'toh.
"oh, so you two are still lovers pa rin? good to know, stay strong huh?" then i gave her-- them my sweetest smile.
YOU ARE READING
The Nerd's Revenge ❘ ✔
RomanceShe's a nerd who turned out into a beautiful lady, with a revenge. { credits to @black-gray for the cover before } reminder; excuse all of my grammatical errors i didn't had a chance to edit this since i made this story in my grade school, due to my...