special chapter

2.1K 58 12
                                    

special chapter; His birthday part 2

- -

Athena's

"Okay na ba 'yan?"

"Paki-ayos nito mika, pwede?"

"Konting ayos nalang, okay na."


"Umupo ka muna iha. Masyado mong pinupush sarili mo, baka mapagod ka't mahimatay niyan. Ayaw mo naman masayang lahat ng efforts mo diba?"

"Thank you po sa pag-aalala tita, kaya ko naman po."

"You're always welcome. Swerte ng anak ko sa'yo, kaya botong boto ako sa'yo eh!"

nginitian ko na lamang si tita. Oo, si tita. Mama ni ryan. Michelle Williams. Ako nag-plano na pauwiin sila dito para sa birthday ni ryan, at kung sinuswerte ka nga naman, uuwi pala talaga sila dito kahit na hindi ko pa sabihin sakanila at para rin sa pagsurpresa sa birthday ni ryan 'yung pag-uwi nila.

[/phone vibrating;

Agad kong kinuha sa bulsa ko 'yung cellphone ko. Agad kong nakita ang message ni ryan. Nako lagot, ayan na siya. Agad naman akong nataranta. Anong uunahin ko?! Alin dito? Tapos... meron pa doon!

"Chill! Kami ng bahala sakanya. Basta maghintay ka na muna dun sa pagtataguan mo,"

"Salamat sa inyo ah? Mabubuang na ko kung wala akong katulong ngayon,"

"Para naman din 'toh sa kaibigan namin kaya don't worry,"

"Saka, mayayari kami sa mga kaibigan mo."

napatawa nalang kami. mayayari talaga sila, iba pa naman kung magalit 'yang mga 'yan. Pagsisisihan mo 'yung ginawa mo. As in, sobra talaga. Nagtakbuhan naman kaming lahat ng marinig namin ang tunog ng doorbell namin. Nang makarating na ako sa pinagtataguan ko ay grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko mahihimatay ako, pag natapos na 'to lahat, susuntukin ko si ryan ng mailabas ko lahat ng kaba ko.

"Asan si Athena?"

"Malay namin, bro."

"Niloloko nyo ba ako?"

"Hindi ah! Pinapunta lang kami dito kasi... Dahil kay phrixus! Inuman daw tayo. Oo, 'yun nga."

"Letse talaga 'tong si carl, masyadong halata magsinungaling."

Napatawa ako sa binulong sakin ni zharm, nakita ko namang naglakad sila papunta sa kung saan kami nagtatago. Sa Garden, sa likod ng bahay. Malapit na, malapit na siyang umapak doon sa heart. Hindi mo mapapansin na nakalagay 'yon doon dahil madilim.

Ayan na, malapit na..

Napahinto naman si ryan sa paglalakad at napatingin sa kung saan siya nakatayo. Biglang umilaw 'yung mga nakaheart na petals.

Unti unting umilaw ang mga nilagay namin sa mga bush at bago pa umilaw lahat ay nakatayo na silang lahat sa harap ni ryan at may nakalagay na 'Happy birthday' sa banner na hawak nila.

Pinalibutan naman nila agad si ryan.

"Happy Birthday!"

"Thank.."

"Shy type si ryan!" sigaw ni carl bigla na nagbigay ng tawa sa lahat.

Tumakbo naman ako agad at pumasok sa bahay. Umakyat ako papunta sa isang kwarto kung nasaan ang mga gawa kong pangsurprise sakanya.

The Nerd's Revenge ❘ ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora