langkwentang update, sorry na fho. T u T btw, want some dedications? message me.
- - -
Ryan's POV
nandito kami ni athena sa park, nakaupo lang sa blanket na nilatag namin kanina. may puno sa tabi namin, at 'yung basket ang nasa gitna namin. Nakatingin lang sya sa mga bituin, at eto ako nakatingin sakanya.
tinignan ko 'yung relo ko at nakita kong 11: 09pm na. 2 minutes nalang at mag 11:11 na, nakakatawa mang isipin na naniniwala ako sa pagwiwish dyan. wala namang mawawala kung itatary diba?
"Athena." lumingon naman sya sakin, "Naniniwala ka ba sa 11:11?"
"Ahm, minsan." sabi nya ng natatawa. tumawa na rin ako at nginitian ko sya.
"Mag 11:11 na, magwish tayo." tumango naman sya sa sinabi ko at sabay naming tiningnan ang orasan namin, sakto! 11:11 na.
nakita kong pumikit na sya kaya pumikit na rin ako at nagsimula ng magwish. sana, dumating na 'yung babaeng nakalaan sa akin. pagkatapos kong magwish ay binuksan ko na agad 'yung mga mata ko, at nakita ko sa harapan ko si athena na nakapikit pa rin.
maya maya naman ay binuksan nya iyon, at ngumiti. napatingin kami sa langit ng biglang may kung anong lumilipad ng mabilis. Mabilis din tumayo si athena at kitang kita ko sa mga mata nya ang tuwa.
"Yes! Nagkatotoo!" tumingin sya sa akin at inabot ang mga kamay ko, "Tumayo ka na dyan ryan at samahan mo 'ko sa pagsasaya bilis!"
ngumiti ako at inabot ang kamay nya, tumingin ako sakanya na kanina pang talon ng talon, hindi pa rin nagbabago. sya pa rin 'yung babaeng nagpatibok ng puso ko.
-
nasa harapan na kami ng bahay nya. Nilakad na lang namin, malapit lang naman kasi eh. pagewang gewang ang paglalakad ni athena kanina, kaya tawa ako ng tawa. para kasing lasing.
"Pasok na." sabi ko at ngumiti, "Salamat sa araw na 'toh athena, napasaya mo ko."
ngumiti naman sya sa akin, sabay pumikit. teka, ba't parang.. "Ah shit. Athena naman eh!"
bigla biglang tumutumba, bagsag na. Ang gulo gulo kasi kanina kaya ayan, napagod na. pero di ko naman sya masisi, 2:00 hanggang 12:00 kami dun, ilang hours din 'yon.
nakaharap sya sakin, nakahiga ang ulo nya sa balikat ko at nakayakap naman ako sakanya. Nilapit ko ang labi ko sa tenga nya at bumulong, "Mahal na kita, Athena. ay hindi pala, hindi naman ako tumigil sa pagmamahal ko sayo. Kaya mamahalin kita hangga't sa kaya ko."
iniharap ko ang mukha nya sa mukha ko at hinalikan ang noo nya, gumalaw naman sya at niyakap ako. Ay, mali, 'di sadyang yakap' pala. Binuhat ko sya at tinulak ang gate nila, bukas? di ko nalang pinansin 'yon at idiniretso ko sya sa kwarto nya. Alam na alam ko 'toh, syempre naging girlfriend ko sya.
inihiga ko sya doon at ipinatong ang kumot. bago ako umalis ay hinalikan ko uli 'yung noo nya at bumulong ng, "I love you, dream of me."
-
Athena's POV
"Athena! Gising na! Kailangan mong magkwento sakin! Bilis!"
ang daming stuff toys, punong puno ng stuff toys ang paligid ko. teka, asan ba ako? inilibot ko ang mata ko at napagtantong nasa isla ako.
ba't ako nandito?! tumayo ako at nagsitayuan din ang stuff toys na nasa paligid ko. Mapupula ang mga mata nila, at madudumi ang kanilang mga katawan.
"Hoy anong kailangan nyo sakin? sinasabi ko sainyo, di kayo cute!"
tinawanan lang nila ako, 'yung nakakatakot na tawa. urong lang ako ng urong patalikod. Ng makaramdam ako ng matigas na bagay sa likod ko at napatigil ako, puno? Waah! Wala na! Maabutan na nila ako.
unti unti silang lumapit sa akin, at tila para bang kakainin nila ako.
"Noooo! —aray!" pagkamulat ko ng mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ni zharm. bigla biglang namimitik sa noo, bully talaga 'to!
"May pa no-no ka pa dyan! Magkwento ka na dali!"
inirapan ko sya at tinalukbong ang kumot sa mukha ko. "Ayoko, tinatamad ako."
"Athena Penelope Lee." madiin nyang sabi, pero di pa rin ako gumagalaw. Inaantok pa ako eh. "Sasabihin mo sakin o sasabihin mo?"
napaupo ako ng wala sa oras dahil biglang nangigiliti sa paa, alam nya talaga 'yung part na ayaw kong ipagalawa sa iba, psh.
"Wala na bang ibang choices? tsk."
tinawanan naman nya ako at umiling, "Kwento ka na kasi!"
kinuwento ko naman sakanya lahat ng nangyari, as in lahat. mukha naman syang tuod na nakahawak sa magkabilang balikat ko habang nakapikit na nakangiti.
"Ih! Nakakakilig kayo! Pero paano na si frost?"
"Anong nakakakilig dun? Nasisiraan ka na ba ng ulo ha? saka, anong paano si frost? aanhin ko naman 'yun lalaking 'yun? —Aray!" sinamaan ko ng tingin si zharm, na pinitik ang noo ko.
"Naging manhid ka na ba ha? 'yung paghawak nyong dalawa ng kamay yieee emeghed. diba nililigawan ka na ni frost? pati ni ryan? tapos na reject 'yung date nyo ni frost. So, paano na si frost?"
"Siraulo ka ba? kahit hawakan ko pa ilang beses 'yung kamay nyang 'yun wala pa ring nakakakilig dun! saka, nililigawan nga ba ako nung mga 'yun? di ko alam! ewan! basta!"
"tsk, ikaw ang siraulo. Bahala ka, kailangan mo ng mamili sa dalawang 'yun. malay mo, balang araw wala ng mang-aaya sayo at forever lonely ka na."tumayo na sya sa at nginitian ako ng nakakaloko. sinamaan ko naman sya ng tingin. nasa pintuan na sya, akmang lalabas na pero lumingon muna sa akin at bumelat. agad akong napatayo at hahabulin na sya pero tumakbo na agad palabas. Bwisit talaga 'yung babaeng 'yun! aish, kung di ko lang 'yun bestfriend.
"HOY HINDI AKO SIRAULO ZHARM! IKAW YUN! IGAYA MO PA KO SAYO SAKA WALANG FOREVER!"
"weh, bitter ka lang eh. Saka, hoy mana mana lang tayo! tanggapin mo nang siraulo ka din!" aba, at talagang bumalik pa sya rito ha."Humanda ka sakin! Magtago ka na sa lungga mo!" lumaki mata nya at tumakbo pababa, hinabol ko naman sya at nasanggi pa nya si kuya na umiinom ng kape.
"Ah shit, ang init! Bwisit talaga kayo! Lumabas nga kayo ng bahay at wag ng bumalik pa! Huhu, ang sakit ng dibdib ko."
"Pft."
"Hahaha!"
"TINATAWA TAWA NYO DYAN? LAYAS!"

KAMU SEDANG MEMBACA
The Nerd's Revenge ❘ ✔
RomansaShe's a nerd who turned out into a beautiful lady, with a revenge. { credits to @black-gray for the cover before } reminder; excuse all of my grammatical errors i didn't had a chance to edit this since i made this story in my grade school, due to my...