023

2.3K 66 0
                                    

may epilogue na kong nagawa tho, okei no one cares. and malapit ko na ata 'tong matapos. ata lang, di ko alam kung hanggang kelan aabutin haha! maguupdate uli ako mamaya ; sige basa na ;

- - -

Athena's POV


"Hoy Athena! Gumising ka na dyan! Anong oras na oh?! May mga bisita pa sa baba at hinahanap ka!"

"Argh, whatever. sabihin mo tulog na tulog pa, sige bye."

ipinikit ko muli ang mga mata ko at pumunta ulit sa panaginip ko.


"ang ganda ng sunset ano?"

"oo, sobra." ngumiti ako sakanya at tumingin uli sa araw na papalubog. ang sarap talaga sa feeling na wala kang iniisip na problema.

"promise mo sakin, na ako lang ang--"




"ATHENA PENELOPE LEE! GINAGAMBALA NANAMAN TAYO NG MGA ASUNGOT MONG MANLILIGAW!"

"pfft."

"Hahaha!"

"pikon hahaha!"

"MAGSITIGIL NGA KAYO! HOY ZHARM, PAALISIN MO NGA 'TONG MANLILIGAW MO! PURO KAYO LIGAWAN LETSE!"



"Ah walang lovelife!" 

"kaya nga, lonely amputs!" 

"Ang hina kasi! Hahaha!" 

"ISA PA MASISIPA KO NA KAYO! ATHENA!"


mabilis akong tumayo at bumaba kila kuya, lahat sila napatingin sa akin at gulat gulat. paano ba naman kasi, hingal na hingal ako. nakakagulat kasi 'yung panaginip ko.

"oh? anong nangyari sayo kapatid?"

"oo nga, anyare sayo athena?" 


binigyan ako ng tubig ni zharm, at mabilis ko iyong naubos. hinahagod naman ni kuya 'yung likod ko para mapakalma ako. napatingin ako kay frost.


"A-Anong meron satin?"

"Ha?" 


"Bakit ka nasa panaginip ko?" 

"Anong panaginip?" sabay sabay nilang tanong pero ni-isa wala akong sinagot.


-

nakarating na kami sa school, sabay sabay na kami. Nagdala nga sila ng van eh, para daw lagi na kaming lahat sabay pumasok. kasama narin sila, ken, paolo, diana at mika.

oo, kasabay na namin 'yung mga lost friends namin ni zharm. lumipat na rin sila doon para daw magkikita na kaming apat araw araw. wala eh, di daw nila kami matiis ni zharm.


"Pero athena, anong ginagawa ko sa panaginip mo? Mahal mo na ba ako?"

"Asa." ngumuso naman sya, "saka, hindi ko alam. bata pa ko nun, at namukaan naman kita. di ko alam kung ikaw talaga o kamukha mo lang. pero mukhang dati ko pa yun napapaginipan, ngayon lang naging malinaw."

"Pero athena, paano naman kayo magkakakilala at magkikita ni frost noon kung nasa states sya?" singit naman ni carl.

"Hindi ko alam, ewan, naguguluhan ako."

inakbayan naman ako ni ryan, "basta akin ka lang." nagsimula na silang tuksuhin kami at sinamaan ko lang sila ng tingin. si ryan naman tinaas baba nya ang kilay nya habang nakatingin sa akin.

kinurot ko naman ang tagiliran nya at agad nyang tinanggal ang kamay nya sa akin. "akin mo mukha mo, tara na nga! Malate pa tayo eh."

"Yieee. kinikilig ka lang eh!"

"oo nga, ikaw ah, di ka nagshashare samin! Bestfriend mo rin kaya kami."

"True that."

"Ang sabi ko tara na." nagsitawanan naman sila at sumunod naman sa akin. ang dami pang satsat, susunod rin naman pala. mga etchosera 'tong mga 'to.


Diana's


"Bakit ang tapang ng pabango mo? mas matapang pa 'yan sa pabango ko."

"bakit ang taba ng pisnge mo?"

"bakit ang tahimik mo?"

"kailan ka magsasalita?"

"crush mo ba ko?"

"sorry ha, hindi kasi kita cr--"


"pwede ba tumigil ka na? ang daldal mo! mas madaldal ka pa sa babae eh! bakla ka yata eh." kumunot naman ang noo nya at ngumiti sakin. tsk, the nerve of this guy!

"Mika, ang kulit nitong lalaking 'toh. palit tayo ng upuan!" bulong ko kay mika.

tumalikod naman sya at humarap dun sa lalaking di alam ang pangalan. basta kabarkada nina ryan. "Hoy Ken, tigilan mo na nga diana. Naiirita na sayo."

"Ganun ba? Pakisabi sakanya, di ko sya titigilan. Interested kasi ako sakanya." tumingin naman sya sakin at kumindat,nag-act ako na parang nasusuka. actually, gusto ko na ngang sumuka sa sobrang pangit nya eh.

"feeling gwapo!" sabi ko at binelatan sya, tinawanan nya lang ako at humarap na ako. nasa iisang row lang kaming 'magkakabarkada' kuno.

"Paano mo pala nalaman ang pangalan nun, mika? close na ba kayo dati? di ako nainform ha."

binatukan naman nya ako, at napaaray nalang ako. ang bully talaga nito. magsama sila ni zharm.


"Siraulo, pinakilala na satin kanina ni athena 'yung mga 'yun diba? nung nasa van pa tayo? asan ang tenga mo nun?"

tumatawa pa sya with feelings, inirapan ko nalang sya at nilagay ang ulo ko sa desk. argh, so boring.

"diana pala name mo? i'm ken by the way,"

ignore him, just ignore him diana.

kinakalabit nya naman ako, sisigawan ko na sana sya ng biglang dumating 'yung teacher namin. tinigilan nya na rin ako at nagpapasalamat naman ako dun.

kakakilala ko lang sakanya kanina, feeling close na agad 'toh?! sarap ipatapon sa tubig na punong puno ng mga pating. 


The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now