044

1.2K 31 8
                                    


athena's

"Good morning class, welcome back."


back to school again. Boring life. Agad naman kaming pinasulat ng nangyari nung short vacation namin sa papel. At kailangan daw namin matapos in a hour, no extensions daw.

at dahil sa tinatamad pa akong magsulat, mukhang kulang pa ang isang oras sakin. Lantang lanta na 'yung kamay ko. Kahit anong gawin kong pagsusulat ay ang pangit pa rin ng kalalabasan. Wala pa sa utak ko ang mga dapat kong isulat. 

"Ba't ayaw mo pa magsulat?" bulong sakin ni frost. 

oo, si frost. Pinagpalit palit na kasi ang arrangement ng upuan namin. Dalawahan lang ang mga upuan namin kaya siya lang talaga ang katabi ko. Pero nasa likuran ko naman si ryan at ang isa naming kaklase na babae. Tahimik naman siya at hindi niya masyadong kinakausap si ryan kaya okay lang.

Okay lang sakin.. kasi ano... walang maingay. Oo, walang maingay. Ayoko kasi sa maingay, 'yun lang 'yon. wala ng ibang dahilan.

"I'm not in the mood," sagot ko sakanya ng hindi tumitingin sakanya.


May nilapag naman siyang papel sa table ko kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin lang din siya sakin kaya tinignan ko nalang 'yung papel na nilagay niya. Nagulat naman ako na ginawan niya ako ng pinapagawa samin. Gayang gaya niya ang sulat ko... at ang nakakapagtaka.. alam niya ang lahat ng nangyari sa bakasyon.

"H-How.."

"Your welcome," sabi niya sabay ngiti sakin.  "I admit, i stalk you a lot," 

napaiwas naman ako ng tingin dahil sobrang intense ng mga titig niya sakin. Bakit ang bilis naman ng lahat? Kakakulong pa lang sakanya tas nakalaya na agad? Bigla ko nananaman tuloy naalala ang mga nangyari. Inihiga ko nalang ang ulo ko at nagsimulang magsulat sa papel. Hindi ko kayang makausap siya ng matagal. Ibinalik ko ang ginawa niya para sakin at nagsimula na ulit magsulat.

narinig ko namang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ng patago kung sino ang nagtext sakin. May nagbabantay kasi samin at strict pa naman, mahirap na baka makuha ang phone ko. Kailangan pang makausap ang magulang bago 'toh mabalik.


from: Ryan

what the fvck are you guys talking about? isa pang lapit niyan sayo, i don't know what i can do to him. Selos na selos na ako kanina pa, baby.


lumingon ako sa likuran ko kung nasaan si ryan at nakakunot naman siyang tumingin sakin. I gave him my best smile kaya tinanguan niya lang ako. Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat bago pa matapos ang oras.


- - -


"Wala nga kasi 'yon. Ba't ba ang kulit mo?"

"Tss, alright. Di na kita kukulitin pa,"

Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko ng makatapos akong kumain. Half day lang kami ngayon, siguro mayamaya papauwiin na rin kami.

"By the way, sasali ba kayo sa audition?" tanong ni pao.

"Audition for what?" tanong ni ken.

"Di kasi nakikinig, psh. Sa Play daw, di lang mga kaschoolmate natin ang audience, pati mga iba't ibang schools manonood rin," sagot ni mika.

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now