038

1.2K 44 2
                                    


- - -


Pagkatalikod ko ay agad ko syang sinapak. 

   "Pag may nangyaring masama sakanya mapapatay talaga kita!"

"Aray! Tangina! Ano ba?! Kay athena ba? Ano namang gagawin kong masama sakanya ha?!"

"Wala pa akong sinasabing pangalan." seryoso kong sabi sakanya.

Tinulak ko sya at napahiga naman sya sa sahig. nginisian lang nya ako at iniwan ko na sya doon. Masasayang lang ang oras ko kung bubugbugin ko sya.

Atsaka, di ko sya pwedeng pilitin kung ayaw nya talaga. Lalabas ay lalabas din naman ang totoo.

   Pumasok na ako sa kwarto konat isinara ko 'yun ng mabuto, mahirap na. Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan si pao. Ilang ring pa ay sinagot naman nya 'yon agad.


    [ yeah? ]

"I need your help, pao. Your private investigator i mean." 

    [ okay. We'll come at.... your house? ]

  "No. At Athena's house."

[ got it. at exact 6pm nandyan na kami. ]


-

"Ang tagal naman dumating ni pao! Letse!"

   "Maghintay ka nga! Malamang sa malamang nasa c.r pa 'yon at naglalabas ng sama ng loob."

"Tangina, wag ka ngang magpatawa. Next time na lang 'yan pag nandito na si athena!"


   sinamaan nya ako ng tingin at ganun din ang ginawa ko. Paikot ikot nanaman sya habang nakatayo, nahihilo na ako sa kakatingin sakanya kaya sa ibang direksyon nalang ako tumingin.


   "Sir, juice po."


biglang sumulpot 'yung maid. Pareho kaming nakatingin sakanya ni phrixus, tinanguan lang sya ni phrixus at aalis na sana sya ng pigilan ko sya.


   "Bakit po, sir ryan?"

"Diba sinabi mo sa akin kanina nung pinapasok mo ako dito, ayaw lumabas ni athena kasi tinatamad syang kumain?" tuloy tuloy kong pagtanong sakanya. Tango lang ang ginawa nya, "So, by any chance. Nakita mo ba syang lumabas? atsaka anong oras mo sya tinanong nun?"

   "A-Ah, a-ano po..."

"What?"

  "Ryan, Phrixus."

nabaling ang atensyon ko sa kararating lang na si pao, kasama nya 'yung private investigator nya. Tinanguan ko sya at pagtingin ko uli sa kaninang kausap ko ay wala na sya. Di pa nya nasasagot 'yung tanong ko kanina, baka kasi may alam sya.

    "So, what happened?"

-

Carl's POV


Nasa bar ako, at iisang tao lang ang iniisip ko ngayon. Si Zharm...

     Tangina naman kasi, sa dinami dami ng pwede kong sabihin eh nasama pa 'yung 'trip' na word. Ang sasabihin ko naman kasi dapat ay,

   'Sa totoo lang.. t-trip ko lang n-na.. na inisin sya at asarin sya dahil natutuwa ako sakanya. Nang dahil dun bigla kong narealize na.. mahal ko na pala sya, at ayoko syang pilitin na ligawan muna sya dahil gusto ko munang sulitin ang hindi pagiging komplikado ng pagiging close namin..'

Pinag-isipan ko pa 'yang mabuti tapos.. Shit! Mali sya ng pagkakaintindi. Pagkatapos ng araw na 'yon, sinuyo ko sya. Nakailang sorry ako, nakailang efforts ako para lang mapatawad nya ako. Pero, ilang beses nya na rin akong nareject kaya siguro hahayaan ko nalang muna sya.

      Sobra ata syang nasaktan, pareho lang kami... ang sakit sakit... 


ring... ring...

       Uminom uli ako ng isa pang baso ng alak at tumingin sa kawalan. Parang naging walang kwenta na ang buhay ko ngayon, wala ng kulay...

ring... ring...

       kinuha ko na agad sa bulsa ko 'yung kanina pang tumutunog na cellphone. Tss, itapon ko nalang kaya 'to? Kaso lang sayang, marami pa namang alaala ang nandito. Mga alaala naming dalawa, tch, ang sakit nanaman ng puso at ulo ko.


"Hello?!"

   [ Hello din sayo pre! ]

"Kailangan mo ba? Busy ako." 

       [ Pumunta ka dito sa bahay nina athena. ]

Bahay nina Athena? ... eh diba, dun din nakatira si zharm? So may chance na.. tama, kakausapin ko nalang sya. 

   [ Hoy, nandyan ka pa ba?! Bilisan mo at makatulong ka sa paghahanap. Ge. ]

"Paghahanap? Sinong nawawa--- toot toot."  

      Tch, ang bastos talaga nung Ken na 'yun. Palibhasa walang lovelife eh! Inayos ko na muna ang sarili ko bago umalis doon sa bar. Tangina, magkikita na uli kami.

-

"Tara na! Ng masapak ko na agad 'yong putanginang lalaking 'yun!"

     "Wag muna tayong padalos dalos, kailangang maging handa tayo."


nakatingin lang ako sa kawalan, paano naman magagawa nun kay athena? Atsaka, bakit kailangang nyang dukutin?


     "Sama ako sa inyo," napatingin agad ako sakanya. Damn it, i missed her so much.

"Bawal ka doon,"

Tinitigan nya lang ako, at inirapan. Tumingon agad sya kay Pao na ngayon ay umiiling.

    "I have an idea, hiwalay ang girls sa boys. Mahirap na, baka kayo din dukutin." sabi ni ryan na kanina pa nakakunot ang noo.

    pakshet, ang gwapo pala nitong lalaking 'to? pero syempre, mas gwapo ako.


"Let's discuss now our plan, tutal alam na naman natin kung nasaan sila athena ngayon. Kailangan na nating kumilos, mabilis lang ang oras." sabat naman ni phrixus.

    gusto kong tumawa sa pageenglish nya ngayon, kaso lang seryoso ang usapan kaya dapat seryoso din ako. Mahirap na, baka iwan nila ako dun kasama nung dumukot kay athena.

-

Someone's POV

hinaplos ko ang mukha nyang maamo na nakapikit at mukhang walang pinoproblema...

      You'll be mine..

Eto lang ang paraan ng pagsira ko sa inyo.. ng mapasaakin ka na tuluyan. 'yung walang kahati, 'yung tayong dalawa lang masaya.

     napangiti ako sa naiisip ko, masyado na akong baliw sa taong 'to. Napatingin agad ako sa babaeng biglang pumasok, napaayos ako ng tayo at nginitian ko sya.

    "Pwede mo na siyang puntahan, at gumawa na kayo ng happily ever after nyo." nginitian ko sya, at ganun rin siya, "pero bago muna 'yun, gawin muna natin ang plano."

iniabot ko sakanya ang camera. Humiga ako sa tabi niya, at nagsimula na ang plano. Humanda na kayo, tuluyan na syang magiging akin at wala ng makakapigil sakin.

The Nerd's Revenge ❘ ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora