chapter 49: secret. last 1 chapter nalang, tas epilogue na.
-
Athena's POV
"Gala tayo!" Mika said pagkapasok niya sa kwarto ko. tahimik lang akong nakatingin sakanila, wala kasi ako sa mood. Ewan ko kung bakit, at ayokong na munang alamin.
"Tara. Nang mawala na rin 'yung stress ko dahil sa finals. Grabe, ang hihirap." as always, si zharm lagi nagrereklamong mahirap ang mga exams or quizzes. nagrereview naman 'yan, sadyang lahat ng nirereview niya hindi lumalabas sa exams."Good god's, bakasyon na rin. salon tayo? shopping? or arcade? amusement park? What do you guys think?" dianne said.
i shrugged my shoulders ng tumingin silang tatlo sakin. Humiga ako sa kama ko at pumikit. Andaming nangyari. Andaming umiikot sa utak ko, pero iisa lang ang nangingibabaw.
"Nag-away ba kayo ni--" inunahan ko na si zharm, "Nope."
"Inasar ka ba ng kuy--" inunahan ko na rin si mika, "Nope."
tinignan ko si dianne at tinaasan ng kilay. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay, tinanguan ko lamang siya. "Look guys, wala akong pro--"
"Nagseselos ka ba?"
"Ofcourse no--"
"Nah, tama si dianne. I remember nung kiniss ako ni ryan sa pisnge na way niya ng pag-greet. Ganyang ganyan din siya katahimik nun." i glared at zharm.
"So, make kwento na athena!"
pinalibutan nila ako. Nakahiga na rin sila sa kama ko at nakangiti sakin. Huminga ako ng malalim. "Wala akong dapat ikwento kasi hindi ako nagseselos."
"Weh?""Talaga lang ha!"
"Matawagan nga si ryan!"
"Eto na nga eh! Ikekwento ko na! Ba't kasi kailangan nyo pa siyang tawagan," inirapan ko sila ng tawanan nila ako.
Alam na alam talaga nila kung paano ako pasukuin eh. Oh well, no choice na ako. "Ganito kasi 'yun. Kahapon, nandito siya. Sinamahan niya ako dito, lahat kasi sila wala sa bahay. Lahat sila may pinagkakaabalahan. May pinapagawa sakin si dad, pirmahan ko daw lahat nung papers na binigay niya sakin, since kaya ko naman daw gayahin 'yung pirma niya... na ginagawa ko dati nung elementary days para sa mga permit." nagsitawanan kami sa huli kong sinabi."Tapos, siguro mga 9 or 10 na ata ng gabi ako natapos. Hindi ko napansin na nakatulog na siya sa couch. Edi kumuha ako ng blanket sa kwarto, tas kinumutan ko siya. tapos hinawakan ko 'yung mukha niya, tinitigan ko tapos---"
"Pwede bang dun na sa part kung paano ka nagselos?" inis na sabi ni mika.napatawa kami. palibhasa, walang ginaganyan eh! tinanguan ko siya at tinawanan. "Nagvibrate 'yung cellphone niya na nasa pocket niya. Eh syempre, nangingibabaw ang pagiging curious ko kaya kinuha ko at tinignan. Tapos sa messenger niya pala 'yon, may nagchat sakanyang babae at ang sabi pa, i miss you too. tapos tinignan ko kung nagcha-chat sila. And 'yun nga, nagchachat pala sila. At habang kinakausap ko siya nung 7pm ng gabi, kachat niya 'yun."
tinitigan ko sila ng matapos kong maikwento sakanila 'yung nangyari kagabi. Priceless, 'yan ang mukha nila ngayon. biglang kumunot ang mga noo nila.
"Aba't! Taksil!""Anong pangalan nung babae?! Nang maresbakan natin!"
"At mai-chat ko rin mamaya!"
Tinawanan ko sila. Mas oa pa 'yung reaksyon nila kaysa sakin. "Hayaan niyo nalang. Malay ko ba kung siya ba 'yung nagchat dun. Saka, knowing him, dapat kinuwento na niya sakin 'yung about sa girl na 'yun," sabi ko sila at pumikit.
Inaantok na ako. Kulang pa ata ako sa tulog eh. Paano, siguro mga 5am na ako nakatulog. Hindi ako mapakali, pag gising ko nasa kwarto na ako at may note na iniwan si ryan sa table ko. Tapos mga 7 ako pinuntahan ng mga 'toh. Si Zharm nakitulog 'yan doon kila mika dahil baka daw kakailanganin namin ng solo moment ni ryan.
"Ano ba pangalan nung girl?" tanong nila."Karyll Ramirez."
"Oh my god! That bitch!" sigaw ni dianne kaya napatingin kami sakanya.
- -
"Kanina pa ako tinatawagan ni carl." Sabi ni zharm pagkaupo namin.
"Edi sagutin mo," sagot ko sakanya.
Nandito kami sa jollibee. Favorite kasi naming kainan 'toh, ang sarap kasi. Nagutom na kami kanina nung nagkukwentuhan kami kaya napagpasyahan naming dito nalang kumain, pinagpahinga ko muna 'yung mga kasambahay namin. Masyado silang masipag.
"Kanina ko pa sinasagot. Kanina ko pa siya kinakausap at isa lang ang sinasabi niya sakin.""Ano?"
"Kinukulit daw siya ni ryan. Ayaw daw kasi sagutin ni athena 'yung tawag niya. Kanina pa daw niya tinatawagan at tinetext."
tinignan ko agad ang cellphone ko, 20 missed calls and 20 messages. Sakanya lahat galing, grabe naman toh. Andami niyang load ah. Samantalang ako, reg load lang. Nakasilent kasi ako. Tinext ko naman siya agad na mamaya na kami mag-usap.
"Wag mo ng sagutin 'yung tawag ni carl kasi tinext ko na si ryan. Titigilan na siya nun." sabi ko."Good. Nakakairita kasi, vibrate ng vibrate 'yung bag ko. Nakakakiliti." sabi ni zharm na ikinatawa namin.
"So, simulan mo na dianne ang pagkukwento habang hinihintay namin 'yung pagkain." sabi ni mika.
"Remember nung nagtampuhan kami ni ken? Dahil sa babaeng 'yun."
"Sino ba kasi 'yun?"
"Isa siyang sikat na model na nag-aaral sa school natin. Lahat ng lalaking pinagkakaguluhan sa school, kinakausap niya at nilalandi. Halos lahat ng 'yun nagiging boyfriend niya. Ewan ko nga kung anong pinakain nun sa mga lalaki at pinatulan siya kahit alam naman nilang hindi naman sila sineseryoso nun."
"tapos? pati si ken nilandi niya?" tanong ko.
"Yeah. Nakita ko silang nag-uusap at nagtatawanan. Narinig ko 'yung pinag-uusapan nila. ang sabi pa nga nung karyll na 'yun na kung pwede daw bang lumabas sila at mag date. At si gago, ngumiti! Kaya ayun, sinampal ko si ken tas tinapakan ko si karyll at sinampal. Maraming nakakita, at kinampihan pa ni ken 'yun kaya sobra akong nainis sakanya. Pero, nagsorry na siya at kinuwento niya na hindi niya daw papatulan 'yun kaya okay na."
"Wow." 'yun na lamang ang nasabi ko ng matapos niyang maikwento samin ang tungkol sa babaeng 'yun.
"Here's the food, ma'am."naputol ang pagtitinginan naming apat ng dumating na 'yung pagkain. Sinimulan na nilang kumain pero ako, tinignan ko muna 'yung phone ko at nakita ko namang nagreply sakin si ryan.
Are you mad at me?nope.
Then bakit mamaya pa tayo mag-uusap?
'nagseselos ako.' tinype ko 'yan. pero hindi ko alam kung isesend ko ba o hindi. Huminga ako ng malalim at pinindot ang send. Bahala na, mabuti ng malaman niya para hindi na lumala pa 'yung situation. Mahirap na, baka magkatampuhan kami at maging magulo pa. Binalik ko na muna ang cellphone ko sa bag ko at nagsimulang kumain.
YOU ARE READING
The Nerd's Revenge ❘ ✔
RomanceShe's a nerd who turned out into a beautiful lady, with a revenge. { credits to @black-gray for the cover before } reminder; excuse all of my grammatical errors i didn't had a chance to edit this since i made this story in my grade school, due to my...