Ate Gelly's Note: [paki basa po. Importante! :))]
Sorry for the pambata style pagsusulat. Wahahaha! xD Ito kasi yung 1st story na napagdesisyunan kong tapusin. Well nung una. Supeer amateur ko! @__@ Parang pambata talaga. XD Pero patagal ng patagal ng nanarrate na ako! Kaya tyaga tyaga lang sa pagbabasa. Nag mature 'to uy!
Ayy. Isa pa. Kung ayaw niyong basahin, okay lang. Gusto niyo yan. Alangan namang pilitin ko pa kayo diba? ^___^V
Chapter 1 "He's familiar.."
Mizuki's POV
~first day of school
"haaay.. ano ba yan nakakailang naman! wala pa akong kakilala. " bulong ko sa sarili ko.. Nakakahiya kaya maglakad mag isa. PInagtitinginan pa ako dito..
bakit ba kasi kaylangan ko pang lumipat? Tss. maayos naman ako sa dati kong school ah. Ano kayang pumasok sa utak ni mommy at pinalipat niya ako ng school. Ayan tuloy loner ako dito. =__= Di pa naman ako sanay.
nang tumingin ako sa isang board malapit sa entrance ng school. nakita ko section A ako. Section A? Ang alam ko ang nakakapasok lang sa section na yan ay ang top 25. Hindi ko kasi nakita yung rank ko eh.
Naglakad lakad muna ako sa paligid ng school para makita ang environment nito. Okay naman siya. Pero talaga para sakin mas maganda yung dati kong school. Kapag talaga hindi ko nagustuhan dito, pipilitin ko si mommy na ilipat ako.
Naglalakad ako sa papunta sa room ko. Nung una nga naligaw pa ako eh. Pero habang naglalakad ako may napansin akong lalake na naglalakad papunta din sa direksyon na pupuntahan ko.
Hindi ko alam pero napatigil ako sa paglalakad ko at tiningnan lang siya. Habang pinagmamasdan ko siya.. may nararamdaman akong kakaiba. It was a unique feeling. Hindi ko naman masabi na love yun no! Hindi ako naniniwala sa love at first sight!
At ayun nga bumalik nalang ako sa senses ko nung pumasok yung lalaki sa room ng section A. Section A din siya. Sana katabi ko. Ayyy kire. hahaha!
*RING!!*
Nagring yung bell sa school namin ng pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin. Kaya wala akong choice kung hindi umupo sa pinakamalapit na upuan sakin. Balibalita kasi na sobrang mga strikto at strikta daw ng mga teachers dito. Ayoko ko pa naman na napapagalitan. Big deal kasi para sakin yun. Never pa kasi akong nakaranas na pinagalitan ng teachers.
Bumuntong hininga ako dahil nga medyo napagod ako kakamadali kaninang umaga. Hindi kasi nila ako ginising ng maaga.
Sana magkaroon agad ako ng mga kaibigan dito kahit yung pangtemporary lang kasi ayoko talaga ng feeling na loner. Nakakadepress kaya. Hahaha.
Tiningnan ko kung sino ang katabi ko para makipagkilala pero hindi ko inaasahan na ang seatmate ko pala ay ang lalaking nakita ko kanina. Cute talaga siya. Hindi gwapo siya. Pero para namang ang sungit eh =3=
Pati ang akala ko babae yung katabi ko. Papano ba naman kasi ang tamis ng amoy ng pabango niya. kala ko tuloy babae. Hindi naman ako yung tipo na unang nagpapakilala eh. I mean sa mga girls ayos lang. Pero sa mga boys? No. A big no. Ayoko ng ganun. Baka sabihin nila ang landi ko. Papansin, echosera.
Tapos nakarinig naman ako ng mga bulong bulungan ng mga studyante sa paligid ko. Tiningnan ko sila at kakaiba ang tingin nila sakin. Oh anong meron? Bakit ganyan tingin nila? ?___?
Bigla namang pumasok ang magiging adviser namin ."Good morning class. i'm Mrs Santos. I'll be your adviser this year." Bigla namang tumayo ang mga classmate ko na ikinabigla ko kaya nataranta ako sa pagtayo.
BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Genç KurguSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?